Yuria's POV~~~ Nagsimula na silang umatake at nanonood lang sila Tyron sa gilid tsk ano to action movie kulang nalang popcorn eh =___= Bigla akong nasuntok nung babae dahil malas kasi si Dustin nung tiningnan ko ayan tuloy nadale ako. ''Yuria okay ka lang ba?'' Janine Tumango ako bilang sagot. Susuntukin sana ako nung babae sa muka kaya lang dahil mabagal siya ay nailagan ko. Bigla ko siyang sinipa at dahil mabagal siya ay hindi siya nakailag. Sinipa niya ako kaya lang nasapo ko binagsak ko ng sobrang lakas yung binti niya kaya ayun sobra kung maka sigaw akala mo naputol yung binti =___= Napatingin naman ako kila Janine parang hirap na hirap na siya dahil mas magaling pang makipag laban sa kanya yung kalaban niya. Muntikan na akong madali ng kalaban ko buti nalang nailag kagad ako.

