Chapter 2

1028 Words
Nagtatakbo palabas ng silid si Nitidus nang hindi niya makita ang presensya ni Acutus sa buong silid. Kaagad siyang nagtungo sa bulwagan kung saan naroon si Herus at direktang kinompronta ito. "Nasaan si Acutus?" Kaagad namang tumayo si Herus mula sa kinauupuan at lumapit sa kaniya. "Ang tampalasan! Ninakaw niya ang singsing at umalis dito!" Hinawakan siya nang mariin ni Libitina sa baba. "Magpasalamat siya at marunong tumupad ang aking Panginoon sa ipinangako niya sa 'yo. Kung hindi dahil sa 'yo, noon pa man ay isa na siyang malamig na bangkay." Mabilis itong tumalikod sa kaniya na parang walang nangyari at bumalik sa tabi ni Herus habang ito naman ay nananatiling nakaupo sa trono nito. Dahil sa narinig ay napatakbo si Nitidus pabalik sa kaniyang silid. Hindi niya sukat akalaing aalis ito nang hindi niya man lang nalalaman. Wala man lang bakas na may pinaplano pala ito laban sa kanila. Hindi niya naiwasang maramdaman na pinagtaksilan siya nito. "Paano mo nagawa sa akin 'to, Acutus!" Sumigaw siya nang malakas na umalingawngaw sa kabuuan ng silid at binato ang kopitang natagpuan niya sa ibabaw ng lamesa. "Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin!" *** Halos ilang oras na ring naglalakad si Acutus sa malawak na bukirin kung saan napapalibutan siya ng nagtataasang damo. Doon siya iniluwa ng portal kung saan niya raw matatagpuan si Quartum ayon kay Libitina. Hindi pa man siya nakakalayo ay nakatanaw na siya ng isang mukunting bahay na yari sa bato at dayami sa hindi kalayuan. Kaagad siyang nagtungo roon upang makasagap ng balita. "Alam kong hinahanap mo ako." Napalingon si Acutus mula sa kaniyang likuran nang makarinig siya ng nagsalita mula rito. Hindi niya man lang kasi narinig ang yabag nito gayundin ang maramdaman man lang ang presensya nito kaya ganoon na lamang ang kaniyang labis na pagkabigla. "Alam ko ring darating ang araw na ito na pag-tatagpuin ang ating mga landas. Hindi ko nga lang akalain na sa ganitong pagkakataon." Kaagad na humakbang si Acutus palapit dito at hinawakan ang magkabila nitong mga braso. "Alam kong alam mo rin ang dahilan ng aking pagparito. Sabihin mo sa akin kung paano ko maililigtas si Nitidus. Kailangan niya ang tulong ko ngayon higit kanino pa man," diretsong turan niya rito. "Wala sa akin ang kasagutang hinahanap mo kung hindi nasa kabilang mundo." Ipinakita nito ang pigura ng isang korona sa kaniyang imahinasyon sa pamamagitan lamang ng paglapat ng hintuturo nito sa kaniyang noo. Bigla niyang naalala ang tinuran ni Nitidus na ang korona ng Malacia ang siyang maglilinis ng lahat ng mahahalagang yaman. Ibig sabihin lang, magagawa rin nitong alisin ang sumpang nakakabit sa Tractacio. Sa gayon, ay tuluyan na nitong maililigtas si Nitidus. "Salamat sa impormasyon." Tumayo na si Acutus at akmang aalis na nang muling magsalita ito. "Ang maitutulong ko lang ay ang samahan ka sa landas patungong Infernum kung saan naroon ang susing magbubukas patungo sa kabilang mundo." Napahinto si Acutus at muli itong hinarap. "Kung gayon, tayo ay lilisan na ngayon din dahil bawat segundo sa akin ay mahalaga. Kinakailangan kong makuha ang korona bago pa man tuluyang lumabas ang Cieri." Tahimik lamang si Quartum habang pinagmamasdan si Acutus. Batid niyang hindi ganoon kadali ang magiging paglalakbay ni Acutus sa mundo ng mga pumanaw lalo pa at isa siyang mortal. Ngunit sa kabilang banda ay nananatili siyang tahimik dahil ayaw niyang pangunahan ang nakatakdang mangyari. Kaagad na nag-impake si Quartum upang samahan si Acutus sa paglalakbay nito. Hindi pa man sila nakakalayo mula sa kanilang pinanggalingan nang bumagsak sa kanilang harapan ang isang pamilyar na pigura. "Volant!" "Acutus!" Napaawang ang bibig ni Acutus nang bumaba mula rito sina Immitis at Ginoong Lux. Kasunod nang mga ito ay sina Cres at Stella. "Anong ginagawa ninyo rito? Paanong--" "Kung nasaan ka man ay naroon kami. Hindi ba, Ginoong Lux?" patutsadang tanong ni Immitis kay Lux at pagkaraan ay siniko pa ito sa may tagiliran. "Pero--" "Sa totoo lang, Acutus, naduwag ako. Inisip ko na kapag lumayo kami sa iyo ay magiging ligtas kami. Pero sadyang makulit itong si Immitis. Isa pa, kahit ganoon ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin magawang mag-alala sa iyo." Puno ng sinseridad na paglilitanya ni Lux. "Magkakaibigan tayo, Acutus. Hinding-hindi kami mapapalagay kung alam naming lumalaban ka nang nag-iisa," dagdag pa ni Cres. "Salamat sa inyo. Pero laban ko ito. Hindi ko na kayo dapat idinadawit pa sa problema namin ni Nitidus. Ayokong isang buhay ang magbubuwis para lang sa kapakanan ko," nakatungong sabi ni Acutus. "Acutus, ang laban mo ay laban na rin namin. Hinding-hindi ka namin hahayaang mag-isa. Kung nasaan ka ay naroon kami. Sasamahan ka namin hanggang dulo ng pakikibaka mo." Hinawakan ni Lux ang kaliwang balikat ni Acutus kasabay ng mga ngiti nila Immitis, Cres, at Stella. "Mapalad ka na may mga kaibigan kang katulad nila, Acutus," wika naman ni Quartum. *** Mas napabilis ang paglalakbay nila Acutus dahil na rin sa pagdating nila Immitis. Sakay ni Volant ay tinahak nila ang magsisilbing lagusan patungong Infernum. Sa isang Mons Ignifer sila huminto at ang tanging daan patungo sa Infernum ay ang paglundag sa bunganga nito. "Seryoso ba, Ginoong Quartum? Tatalon talaga tayo sa kumukulong lava na iyan?" nag-aalalang tanong ni Lux. "Kung iyon ang sabi ni Ama, iyon ang siyang tunay. Kaya ano pa ang hinihintay n'yo, tara na!" Kaagad na lumundag si Cres kasama si Stella habang sakay ni Volant at isang lagusan ang siyang nagbukas. Sumunod naman sa kaniya si Quartum at Immitis. "May oras ka pa para umatras." Nakangiti si Acutus habang pinagmamasdan si Lux. "At sinong may sabing aatras ako?" Buong tapang na tanong ni Ginoong Lux kasunod ng pagtalon nito. Doon lang din tumalon si Acutus. Habang bumubulusok pababa ay hindi maiwasan ni Acutus na mapangiti dahil sa suporta at tulong na ibinibigay sa kaniya ng mga kaibigan. Hindi niya sukat akalain na handa ang mga itong mamatay para sa kaniyang kapakanan. Sa ilang sandaling iyon ay naalala niya rin si Nitidus. Ang kaligtasan nito at ang buhay na kasama ito sa hinaharap. "Hintayin mo ako, Nitidus. Babalik ako at ililigtas kita!" Sa pagpasok nila sa lagusan ay ang tuluyang pagsasara nito kasabay ng panibagong kabanata ng kanilang paglalakbay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD