Narinig kong bumukas ang pinto i thought it's Mrs. Cruz but i saw Sofhia's beautiful face, Nung unang tingin n'ya sakin nakita ko sa mga mata niya ang kaba.
"So, you are Sofhia Scarlett Del Valle?" malamig kong tugon sa kanya.
Tumikhim ako ng napansin kong naka nganga s'yang nakatulala sakin she looks really cute. hindi ko pinahalatang nagustohan ko ang first impression niya sakin.
" Are you done checking me out miss?" tanong ko sa kanya na blanko parin ang aking mukha.
Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang patago n'yang pagpunas nang laway, gustuhin ko mang ngumiti pero pinigilan ko ang aking sarili.
"A'ah y-ye.. este S`so,,rry sir." na uutal n'yang sagot gusto kong humagalpak nang tawa sa klase nang sagot niya.
"Then, why should I hire you to be my secretary?" saglit siyang napahinto at agad 'ding sumagot.
"You should hire me because I fitted to be your secretary and I'm definitely hard -working, quick learner, and most of all smart too..."
"And one more thing I can do everything to help this company succeed, and if you hire me, you never regret it. It will be a great platform to showcase my skills..." Confident nitong sagot sa puntong 'yon hindi ko na naitago ang ngiti kong kanina pa pilit na kumakawala.
Kunwari'y ilang minuto muna akong nag isip bago ko ibaling ang atensyon sa kanya.
"Your hired miss Del Valle.." kalmadong kong wika.
Saglit siyang natulala at parang pilit pinoproseso sa utak niya ang sinabi ko, nakita ko 'ding nagliwanag ang kanyang mga mata, hindi ko inaasahang tatakbo siya at yayakap sakin para akong naestatwa sa kinatatayuan ko parang may kuryente akong naramdaman ng magdikit ang aming balat. Pilit kong maging seryoso habang nakatingin sa kanya.
"Sorry sir! I``i was just carried away.." na uutal n'yang depensa.
"Nah! It's okay.." pigil hiningang sagot ko sa kanya buti nalang at hindi ako nautal.
"So, you'll start tomorrow to be my secretary you may go now.."
"See you tomorrow then." dagdag ko para mabawasan ang kabang nararamdaman ko agad din s'yang tumango sakin.
"Yes sir thank you again for the opportunity!" naka ngiti n'yang sagot.
Hindi agad ako naka bawi nung nakita ko s'yang ngumiti mas lalong lumakas ang t***k ng puso ko, bumalik nalang ako sa katinuan nang marinig kong bumukas ang pinto.
"Miss Del Valle, sabay kana sa akin may pupuntahan ako idadaan na kita sa inyo." agap na wika ko, kahit na marami akong pipirmahang papeles, hindi ko na s'ya hinintay sumagot at nauna na akong lumabas nang pinto.
Kasalukuyan akong nasa harapan ng elevetor nang tumunog ito nauna na akong pumasok pero nakatulala parin s'yang nakatingin sakin kaya bahagya akong tumikhim para makuha ang kanyang atensyon.
Nasa loob kami ng elevator nang mapansin kong nakatitig parin siya sakin, pasimple akong ngumisi ng hindi sa kanya nakatingin.
Nang makarating kami sa lobby agad kong hinablot ang kanyang kamay habang palabas nang elevator, alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero pinag walang sabahala at patuloy parin ako sa paglalakad, nakita ko 'ding naging center of attention kami pero hindi ko sila pinag bigyan nang pansin hanggang sa narating namin ang kotse ko.
Binitawan ko ang kamay niya at agad pumasok sa loob gustuhin ko man s'yang pagbuksan pero pinigilan ko ang sarili ko, inaantay ko s'yang pumasok pero nakatulala parin s'yang nakatayo sa labas.
"Ano ba 'tong babaeng to, wala na ba s'yang ibang alam gawin kundi ang tumunganga? fuck." bulong ko sa inis binuksan ko ang bintana ng kotse.
"Tutunganga ka nalang ba diyan, Hop in.." naiirita kong utos.
"Pasensya na po sir mag ta'taxi nalang po ako, nakakahiya naman po.."
FUCK ANO BA NAMAN TONG BABAENG TO?! GRRR!!
"I said Hop in!" Matigas na sabi ko.
SHIT! INUUBOS NANG BABAENG TO ANG PASENSYA KO." bulong sa isip ko.
"Sakay!" hindi ko napigilan ang sarili kong sumigaw.
Habang tinatahak namin ang daan papunta sa apartment gusto ko s'yang kausapin, gusto kong magtanong about herself pero nahihiya ako kaya itinutok ko nalang ang atensyon ko sa pag mamaneho.
Kasalukuyan kaming nasa harapan ng apartment niya ngunit hindi pa siya bumababa.
Pansin kong malalim Ang iniisip niya, kaya saglit kong pinasadahan ng tingin ang maamo niyang mukha, ang haba n'yang mga pilik mata, maliit at matangos na ilong, hugis pusong mapupulang mga labi.
Gusto ko man s'yang pagmasdan nang matagal pilit Kong sinupil ang aking sarili.
Nanatiling blanko ang aking ekspresyon bago ako nagsalita.
"Miss Del Valle nasa tapat na tayo nang bahay niyo may balak ka pa bang bumaba?" napalingon siya nang marinig ang sinabi ko.
"Ha! Ah hehe pasensya na kayo sir may iniisip lang po kasi ako hindi ko po napansin na nakarating na po pala tayo." Nahihiyang wika niya.
"Miss del valle, ayoko nang sekretaryang laging nawawala sa sarili, patunayan mo sakin ang sinabi mong hindi ako magsisising tinangap kita sa trabaho bilang sekretarya ko.
"Opo sir! hindi na po mauulet."
"Sige bababa na po ako sir mag iingat ka."
Natigilan ako sa mabilis nyang tugon, siya lang ulet ang nagpaalala sakin nang ganun.
Tinitigan ko muna siya pansamantala bago ko pinaharurot ng takbo ang sinasakyan ko. Pasalamat ako't tinted ang bintana ng kotse ko.
--------------
Sofhia's POV
Tatlong buwan na simula nang matangap ako sa trabaho bilang sekretarya ni Ranther Smith, heto nga't nakasakay na naman ako sa kotse niya papasok sa trabaho. Hatid sundo niya ako araw araw nung una nag aalang pa ako kasi nga diba boss ko siya tapos sekretarya niya lang ako, kaya lang kahit ano pang pagtangi ang gawin ko hindi din naman ako nananalo.
Nang marating namin ang kumpanya biglang tumunog ang cellphone niya sinenyasan ako ni Ranther na mauna nang pumasok dahil sasagutin lang niya ang tawag sumunod naman ako sa sinabi nito.
Kasalukuyan akong nakasakay sa loob ng elevetor nang marinig ko ang bulong bulungan nang mga katrabaho kong empleyado.
"Nabalitaan niyo na bang darating daw ngayon ang girlfriend ni Sir?" bulong ni E1.
"Sino? si Miss tiffany ba?" tanong ni E2.
"E` sino pa ba? malamang siya nga." agad na sagot ni E1.
"Ano ka ba parang di mo alam? nakapag nagpupunta yon dito eh, lagi siyang may pinapatangal sa trabaho." singit na sagot ni E3.
"Sayang naman maganda pa naman siya kaso masama pala ang ugali." komento ni E2.
Maya maya pa'y lumingon sakin ang isa sa tatlo, tinitigan niya ako nang matagal ganun din ang ginawa ko, ilang sandali lang ay nagtanong siya sa akin.
"Diba ikaw yung bagong secretary ni Sir Ranther?" paniniguradong tanong sakin ni E3 sabay 'ding tumingin sakin ang dalawa pa niyang kausap kanina.
"Ha? Oo ako nga bakit?" balik kong tanong sa kanya.
"Darating ang girlfriend ni Sir Ranther ngayon kaya huwag kang papahuli na kausap mo si Sir kasi napaka selosa `non."
"Baka ikaw ang sunod na ipatangal niya, kaya walang tumatagal na sekretarya si sir kasi pinapa tangal niya sa trabaho, masyado siyang obsessed kay Sir." dagdag na payo niya sakin.
Tumango lang ako sa kanya bilang sagot bago pa sila makalabas nang elevetor. Saglit akong napaisip "Siya siguro yung tumawag kay Ranther kanina."
Ilang oras na akong nakaharap sa computer nang biglang may babaeng sumulpot sa harapan ko, saglit ko siyang tinapunan nang tingin naka taas ang kilay nito habang matalim ang tingin sa akin.
"So, you are the new secretary flirting with my boyfriend?" mataray na tanong sakin. Napakunot noo akong tumingin sa kanya.
"Excuse me?" takang tanong ko. "Am i the one you are referring to?"
Mukhang hindi niya nagustohan ang tanong ko sa kanya kaya lalong nag igting ang kanyang panga at mahigpit na nakakuyom ang kamao.
"Aba't!" gigil niyang wika sa akin.
Nasa ganun kaming tagpo nang biglang bumukas ang pintuan at bultong niluwa noon si Ranther. Halata sa mukha nito ang pagkagulat pero mabilis din namang nawala at walang emosyon niya kaming tiningnan, saglit niya akong tinapunan nang tingin bago bumaling sa babaeng kasama ko.
"Nakarating ka na pala?" blankong tanong niya sa babaeng kaharap ko.
Naglakad si Tiffany papunta kay Ranther at dinampian niya ito nang halik sa labi.
"Yes babe! So, i'll go straight here because i can't wait to see your new flirty secretary." sagot niya habang ang mga mata ay matalim sa'king nakatutok.
Agad ko naman iniwas ang tingin sa kanila. "Myghad! hindi na nahiya nag PDA pa sa harapan ko." bulong kong napairap.
"Excuse me? Are you saying something?" nakataas ang kilay niyang tanong sakin.
Ibubuka ko palang Ang bibig ko para sumagot nang sawayin ni Rather si Tiffany.
"That's enough tiffany!" madiing saway ni Ranther sa kanya.
"Why? i didn't do anything." pa enosente nitong tanong kay Ranther.
Habang ako'y walang imik na nakikinig sa kanilang dalawa ilang minuto muna akong tinitigan ni Rather na para bang may gusto siyang sabihin. Habang si Tiffany naman ay nakapulupot ang kamay sa braso ni Rather.
"Let's go inside Tiffany." utos ni Ranther sa girlfriend niya.
Bago sila makaalis sa harapan ko nilingon ako ni Tiffany at tinapunan nang nakakauyam na tingin hindi na ako nag-abalang sundan sila nang tingin. Inabala ko nalang Ang aking sarili sa pag aayos nang mga papeles na naka patong sa ibabaw nang lamesa ko.
Nang tuluyan na silang nakapasok sa loob ng opisina ni Ranther naka hinga ako nang maluwag, Pabagsak akong umupo sa aking upuan at malalim na bumuntong hininga habang isinasandal ang aking likuran sa aking upuan saglit kong ipinikit ang aking mga mata.
Ilang minuto lang ay tumunog Ang intercom.
"Miss Del Valle Bring us coffee please." utos ni Rather sakin.
"Yes sir. wait a minute." sagot ko
Kasalukuyan akong nag titimpla ng kape sa pantry nang biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Sofhia right?" tanong nang lalaki sa likuran ko.
"Oh my God!" sigaw ko.
Muntik ko nang mabitawan ang tasang may lamang kape sa gulat ko.
"Oh I'm sorry, I didn't mean to scared you." wika nito ng makaharap ako sa kanya habang naka hawak ako sa dibdib ko.
"Okay lang, nabigla lang ako." awkward na sagot ko.
"I'm Sid Ranther's friend." pakilala niya habang nakalahad Ang kamay.
"Sofhia, Sofhia Scarlett Del Valle." pakilala ko sa kanya habang nakikipag kamay.
Ilang minuto muna kaming nag kwentuhan tyaka ako nag pasyang magpaalam na umalis para ihatid ang kape nila Ranther.