Episode 2. Pageant

1119 Words
Lumipas pa ang mga araw at papalapit na ang mismong pageant.Araw araw din ang practice nila tuwing hapon at sinasamahan siya ng mga kaibigan. Sa tuwing nakakasalubong at nakikita nga ako ni Jrich ay binabati ako nitong Ms. beautiful. Kunwari ay hindi ko iyon pinapansin ngunit sa loob loob ko ay humihiyaw ang puso kong hindi na magkandatuto sa kilig. Gusto ko siya, oo pero pakipot din naman dapat tayo diba? Pinatahian ako ni mama ng traditional Igorot Costume para sa aking talent na gagawin. Ang costume na iyon ay litaw ang pusod at hita. Nang isinukat nga niya ay nawindang siya dahil kita na halos ang kaniyang kaluluwa. “Mama ang laswa naman nito e” reklamo niya habang nakaharap sa salamin. Malawak naman ang ngiti ng kaniyang inang minamasdan ang kaniyang repleksyon sa salamin. “Ang bilis mo namang lumaki anak. Parang nung minsan lang hanggang baywang lang kita. Ngayon matataasan mo na ako. Maganda kaya, bagay na bagay ang fit sa'yo” Tinulungan ako ng aking mga kaibigan na sina Christine at Lyra sa page-ensayo ng traditional dance ng ating mga katutubong Igorot. Dumating na nga ang araw ng pageant, kinakabahan man ay ginawa ko lahat ng aking makakaya at isinapuso ang lahat ng itinuro ni Sir. JP. Sa sulok ng aking mga mata ay hinahanap ko sa audience si Jrich. Wala siya roon. Nang oras na para sa talent portion ay hindi ko na mapigilan ang kaba. Nasa backstage ako, si mama at sila Lyra at Christine. Tinutulungan nila akong magpalit ng damit, mainit sa likod ng gym. Punong puno iyon ng mga kandidata at mga kasama ng mga iyon. Sumabay pa sa bilis ng t***k ng aking puso ang tagaktak ng pawis na dumadaloy sa aking noo. "Bes, 'wag kang mag alala matatapos rin iyan" wika ni Lyra na pinupunasan siya ng tissue at sinimulang i-retouch ang kaniyang make-up. "Oo nga bes, basta kapag nalimutan mo na ang steps tumingin ka sa amin ni Lyra sa ibaba iga-guide ka namin" paga assure ni Christine. Palibhasa magagaling magsayaw ang mga ito. "Oh anak uminom ka muna ng tubig at huminga ng malalim, malapit ka nang tawagin" sabay abot sa kaniya ng tubig ng kaniyang napaka supportive na mama Vicky. Maingat siyang uminom upang hindi mawala ang lipstick sa kaniyang labi. Nang siya ay tinawag na, kinakabahang lumabas siya sa entablado. Nang tumugtog na nga ang musika ay nag- umpisa na siyang magsayaw nang sinaulong steps. Sinusuyod ko parin sa dagat ng mga tao si Jrich, patapos na ang sayaw nang matanaaw ko itong nasa sulok kasama ang mga kaibigan at naga apiran nga ang mga iyon sabay itinutulak tulak pa si Jrich na nakangisi. Nang mapansin nga nitong napagawi ang kaniyang titig ay kumaway ito. Hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi at lalo pang inindakan ang pagsayaw. Naghihiyawan at sumisipol ang mga estudyanteng lalaki at nakikita niya ang mga kaibigan at mga kaklaseng pumapalakpak. Mabuti naman at wala siyang nalimutang steps. Nag bow siya at sa kaniyang hinuha ay natuwa ang mga judges sa kaniya dahil nakangiti ang mga iyon. Sinipat niya si Jrich bago muling tumungo sa backstage. Nakatitig parin iyon sa kaniya at kumindat. Malalaglag ang kaniyang puso sa ginawa nito, hindi niya malaman ang gagawin kung kaya’t tumalikod na lang siya at tuluyan nang pumunta sa likod. Jrich ngayon pa talaga ha!Baka mahulog ang panty este puso ko! Sapo-sapo ang dibdib na naupo siya. Sinalubong siya ng ina at inabot ang tubig na agad naman niyang nilagok. Nakakapagod rin ngunit nabawasan ang bigat ng kaniyang isipin. Tapos na sa wakas ang talent portion. Naghanda na rin sila sa susunod pang pagpapalit ng kasuotan. Dumating na rin sa dulong bahagi ng programa—ang pag-anunsyo ng mga nanalo. Madilim na ang paligid. Naiilawan ang gymnasium ng iba’t ibang kulay, ang dekorasyon niyon ay mga puting baging ng bulaklak na maaliwalas sa mata. Hindi na niya makita ang mga mukha ng audience. Nananakit na ang kaniyang paa sa mataas na takong na suot. Nabigyan rin siya ng ilan pang mga awards-- Ms. Congeniality, Best in Talent, People’s Choice Award. Pinanatili parin niya ang ngiti sa kaniyang mukha bagaman kanina pang nangangawit. “And for the moment we’ve all been waiting for” malakas na wika ng host na walang iba rin kung hindi si Sir JP. “We will now announce our Ms. And Mr. Santisimo National High School 2013” Magkakapit ang kamay nilang mga kandidata, ang katabi nga niya ay namamawis na ang kamay. “Our Ms. Santisimo is contestant number 8. Ms. Georgina Austria” malakas na sigawan at palakpakan ng audience ang umalingawngaw sa gymnasium. Siya naman ay tila nabingi at hindi pa makapaniwala sa nangyari. Pangalan ko nga ba talaga ‘yung natawag? Nilapitan na siya ng iba pang kandidata at binati. Lumapit na rin ang school principal na may dalang bouquet. Ang former Ms. Santisimo ay inilipat ang korona sa kaniya. Masaya ang lahat, marami siyang naririnig na deserve niya iyon. Nag-picture rin sila sa stage kasama ang mga guro at judges. Ibinigay rin sa kaniya ang five thousand na cash prize. Tuwang tuwa ang kaniyang mama na niyakap siya. “Anak matutuwa ang papa mo neto” “Oo nga po, ipapakita ko agad kay papa mga awards ko para mabilis siyang gumaling pati may ipanggagastos den tayo.” Bumalik ang lungkot na kaniyang nadarama. Nagpapagaling ito ngayon dahil kinailangan itong operahan, pumutok ang brain aneurysm ng kaniyang papa. Mabuti na lamang at mabilis itong naagapan at naoperahan sa manila sa tulong ng kaniyang tiya. Pangalawang buhay na niya ito at abot abot ang kanilang pasasalamat sa poong maykapal. Simula nga noon ay iritado na ang kaniyang papa, mabilis itong magalit at naging makakalimutin. Pinagpapasensyahan nila iyon dahil sa kondisyon nito ngunit hindi niya maiwasang masaktan kapag minsan ay nasasabihan nito ng masama sila at ang kaniyang mama. Ang mama niyang nagsisipag mag-trabaho para sa kanilang tatlong magkakapatid. “Ang galing mo talaga bes ah” tuwang tuwang wika ng kaniyang kaibigan na si Lyra habang bitbit ang kaniyang mga gamit. “Oo nga bes, deserve mo talaga. Inspired e no” Dagdag ni Christine na may nakakalokong ngiti. Nilakihan niya iyon ng mata dahil nasa gilid lang ang kaniyang ina at hindi nito alam ang tungkol kay Jrich. “Ikaw ang pinakamaganda dun anak” bulong ng kaniyang mama na ikinatawa niya. "ma, lahat talaga sila maganda dun" pabirong wika niya. "Mas maganda ka bes" sabay na wika ng dalawa niyang kaibigan. Kumuha sila ng maraming litrato at palabas na ng may tumawag sa kaniya. "Ms. Beautiful" pagtingin niya sa likod ay nandoon si Jrich. May hawak na bulaklak at malawak ang ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD