"Kanina pa kayo tahimik huh!Mangyari ba,tine?"
"P-po wala po."
Tugon ni tine sabay harap sa akin ganun na din si tita lalo lang akong kinabahan at pinangunahan ng takot kaya yumuko ako at kumain nalang alam naming nakatingin sami si tita devina at tinitingnan ang bawat kilos namin.
"A-ah tita pagod lang po kami p-po." Kinakabahan na tugon ni el at bahagyang sumulyap sakin pero agad ding umiwas hindi ako makatingin sa mga mata ni tita dahil sa takot na nararamdaman.
"Tsk!Siguraduhin nyo lang na wala kayong tampuhan,pumunta lang kayo sa emerald naging ganyan na kayo,hindi ko kayo,maintindihan sila ry at ethan at nash ayaw sumabay sainyo,si ian kanina pa mag isa iyon at hindi sumasama sa tatlo,umayos kayo huh!Mananagot kayo sakin." Mataray na sambit ni tita at tinuro pa kami ng tinidor hindi nalang ako nagsalita at kumain nalang kahit nanginginig na ang aking kamay pero inayos ko ang aking kilos pero hindi ko padin mapigilan ang kaba at takot nararamdaman.
"m-mauna na po kami tita sa kwarto." Sabay baling sakin ni tine at el wala na din akong nagawa kundi tumayo na din,tumango nalang si tita at tinitigan kami ng masama pero ngumiti din ng tipid pero hindi parin maalis ang mataray na mukha. Nauna na si el pero si tine hindi pa sumunod at bumaling sakin kaya nauna na ako sa kanya shaka lang sya sumunod sakin.
"Levi sandali."
"P-po tita." Napahinto naman kaming tatlo dahil sa sigaw ni tita sakin,tinaas nya pa ako ng kilay kaya umayos ako ng harap sa kanya.
"Pakitawag sila ry sa taa-"
"ako na tita ang tatawag." Putol ni tine sa sasabihin ni tita tumingin sakin si tine at pero walang bakas na reaksyon doon kaya umiwas nalang ako at tumingin kay el nakita ko naman sa mukha ni el ang lungkot at sakit para sakin pero kahit hindi sya magsalita alam kung ganun nga ang mararamdaman nya para sakin.
"ok tine." Lumaylay nalang ang aking balikay dahil sa tugon ni tita nakita ko naman na bumaling sakin si tine pero hindi nya ako pinansin at diretsyo lang at linagpasan kaming dalawa ni el.
"Tara na levi." Tumango nalang ako sa sinabi ni el at hindi na sya hinantay pa at nauna dahil sa nagbabadyang luha na namumuo sa akin mata hindi ko na napigilan ito dahil basta nalang itong bumagsak.wala ba kayong tiwala sakin. Kahit tingin nalang pagbigyan nyo naman para mabawasan kahit kaunti.
"Levi-pasensya kana pero kailan eh." El
Hindi nalang ako nagsalita doon at humiga nalang sa kama at kinuha ang libro na aking binabasa at hinarap ito sa aking mukha para matakpan ito dahil sa labo ng paningin ko dahil sa namumuo nanaman na luha sa aking mata. Hindi ka ba napapagod ako kasi pagod na eh.
" ayaw ko sanang ibigay to sayo,kaso mukhang kailangan mo."
Napaharap naman ako sa babae at tumingin sa linahad sa aking ang isang pirasong papel na nakatiklop.
"A-no to." Sabay punas ko sa aking mukha at umupo sa kama at nakatayo sya sa harap ko.
"A-no papel!" Natawa naman sya sa reaksyon pero napawi ito kaagad at naging seryoso."Inabot nya yan sakin kanina noong lumabas ako,ayaw ko sana pero mahal ko kayo eh-ano yung nasasaktan sa sitwasyon nyo kaya tinanggap ko nalang yan,wala ka daw cellphone eh kaya heto nalang."
Hindi ko alam pero imbes na kunin kaagad ang papel pero yinakap ko ng mahigpit ang baywang ni el at kumalas at ngumiti sa kanya pero may luha sa akin mata.
"Sa-salamat." Garalgal kong sambit,umirap naman sya doon at umupo sa sofa sa tapat ng kama medyo malayo sakin pero magkaharap kami.
"Ayaw ko talaga nito levi eh-feeling trinatraydor ko sila tine lalo na ang pamilya natin,may tiwala ako sayo levi sana nasa tama ang desisyon mo."
Kahit medyo malayo sya sakin kita kong napupula ang kanyang mata at sumisinghot sya pero pinipigilan nya ito. Wala akong masagot doon dahil hindi ko din alam ang desisyon.
"H-hindi ko din alam el eh-bakit sya pa,may karma ba ako pati ba naman ito naging problema ko pa subrang bigat." Sambit ko at binulsa ang papel dahil mamaya ko nalang babasahin baka biglang dumating si tine.
'Baliw!Lahat may dahilan,may dahilan kung bakit ganyan nga nangyari sa inyo."
Hindi na ako sumagot at nagkibit balikat nalang ganunna din sya.
"Ayusin mo yang mukha mo mukha ka ng patay eh."
Ngumiwi nalang ako doon at tumayo nalang ganun na din sya at kinuha ang kanyang bagahe at binuksan ito,kumuha ng damit.
Ganun na din ako dahil balak kong maligo nauna sya sakin kaya umupo muna ako sa sofa na inupuan nya kanina at kinuha ang liham na bigay nya na galing sa lalaki.
Kahit gaano pa kasakit ang nararamdaman ko may parte sakin na masaya kahit sa munting papel na ito.
I'm sorry!
Hindi ko napigilan levi-matagal na to umiwas ako ginawa ko lahat pero wala pa din eh ikaw parin.
Ang tanga lang dahil ikaw pa! I'm sorry what happen kasalan ko sana hindi ako nagpadala,ng malaman ko ko kay el na gusto mo ko hindi ko na kayang pigilan pa ginawa ko naman lahat but wala ikaw pa din eh.
Kaunting tiis gagawa ako ng paraan magpapaliwanag ako please don't give up trust me! Do not cry you hurting me so much I'm sorry baby!
-RY
I'm sorry ako din naman kasalan ko din. Anong gagawin ko kaya ko pa kailan diba hindi ko alam kung anong uunahin ko.
Kailan kong pigilan pero pano kung ako mismo ang may kagustuhan. Kahit minsan ba sumunod naman ako sa nararamdaman ko para maging masaya naman ako ng walang sakit pero pano kung alam kong sa sarili ko may masasaktan ako.
Ako yung babae dito dapat ako ang pagpigil dahil ako parin ang masusunod desisyon ko parin ang magpapanatag sa lahat pero kapag nag desisyon ako ng isa at alam kung tama para sa itatahimik ng lahat pano naman ako! Pano naman yung katahimik ko!Pano ang taong gusto gusto kong makuha pero alam kung hindi pwede kahit saan titingnan mali sa mata ng tao sa diyos kahit anong mangyari mali parin.
"Mag-almusal kana dito."
"Pero tine kaya ko naman lumabas at doon kumain hindi mo naman kailangan na hatiran ako dit-"
"Kumain ka nalang."
"Wala naman akong gagawin tine wala ka bang tiwala sa-"
"SAYO OO LEVI,PE-PERO SI RY WALA KAYA KUMAIN KA NALANG DAHIL LALO MO LANG PINAPALA ANG SITWASYON,SINASAKTAN NYO LANG ANG MGA SARIL-"
" BAKIT KAYO HINDI NYO KAMI SINASAKTAN SA GINAGAWA NY-"
"TUMIGIL KAYO!" isang sigaw ni el ang nagpatahimik saming dalawa si tine na pinunasan ang kanyang luha sa mata ako naman pinigilan ko ang luha na namuo sa at iniwan kami ni tine at padabog itong sinara.
Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko dahil bigla nalang ako nanghina ng umalis si tine sa kwarto may sakit akong naramdaman at na konsensya dahil sa paraan ng pagsigaw ko sa kanya kaya umiyak nalang ako at pinunas kaagad ito at tumayo na para daluhan ang pagkain na dala ng pinsan ko.ayaw ko ng ganito!
Tama sya pinapalala ko lang ang sitwasyon.
Hindi ako pinansin ni el at hindi makatingin sakin kaya hindi ko nalang sya binaling dahil hanggang ngayon nahihiya din ako sa sitwasyon hindi ko kayang magalit sa kanila dahil ako din naman ang may kasalan dito nadamay lang sila,kahit alam kung ako ang dihado at masasaktan dito mas gugustuhin ko na iyon kaysa may madamay pang iba dahil sa sarili kong kasalan,ayaw kong masira kami dahil lang dito,ayaw kong dumating sa punto na dumating pa sa punto na marami pang madamay at masaktan.
Maghapon kong hindi nakita si el sa loob ng bahay lalo na ang mga lalaki at si tina.
"hinahanap mo ang mga pinsan mo?"
"P-po ganun na nga po."
Ngumiti muna sya sakin kaya ngumiti din ako.
"Umalis sila eh kasama sila ma'am devi,medyo tahimik nga eh walang balak na magsalita,may tampuhan ba kayong magpipinsan iha,napansin ko lang simula ng bumalik kayo dito naging iba ang tungo nyo sa isa't isa,lalo na yung si yohan nakita kong mag isa sya dito kagabi parang subrang bigat ng pinagdaraan eh."
Ngumiti nalang ako doon pero hindi maalis sakin ang pait na nararamdaman kung nasasaktan ako sa sitwasyon na to pano nalang sya.
"Sana mag kaa-ayos kayo masama ang magkakagalit sa pagkadudugo madadamay ang mga magulang."
Hindi nalang ako nagsalita doon at tumango nalang kay manang nagpaalam naman sya sa mauuna na sya kaya ngumiti nalang ako at tumango sa kanya, ganun nalang ang pagkalaglag ng aking panga ng makita ko ang lalaki na si ry sa aking harap na mapupungay ang kanyang mata at kahit gaano ka seryoso ang kanyang mukha hindi ko alam pero sa magtitig nya sakin may sakit doon.
"Lev-"
"A-ah saan sila."
Nakita ko naman ang pagkalaglag ng kanyang panga at pagintig nito ng sambit ko iyon pero lumunok sya doon.
"Nasa bayan-kumain kana ba?Pwede ba tayong pag-usa-"
Tumitig ako sa kanya pero ng magtama ang aming mata agad din akong umiwas doon at tumingin nalang sa labas.
"Oo kanina pa." Malamig kong tugon hindi na sya magsalita doon at tumango nalang sa sinabi ko nakita kong tumitig pa sya sakin at tuluyan ng naglakad paalis kaya ganun nalang ang buntong hininga ko at paghawak ko sa aking dibdib dahil sa kabang nararamdaman dahil doon.Ang sakit!
Bumaling ako sa kanya pero muntik na akong mapatalon ng magkatitigan kami kaya umiwas din ako kaagad dahil sa seryoso nyang mukha at ang sakit sa kanyang mga mata dahil kita iyon pero hindi ko alam kung totoo ba iyon pero gumalaw ang kanyang mata at lalo lang naging mapungay ang kanyang mata na parang nagsusumamo ito.
Hindi ko syang kayang titigan dahil kapag nangyari iyon baka tanungin ko sya at baka hindi ko lang magawa ang plano ko na pigilan ang mararamdaman ko.
Sana tinago mo nalang lalo mo lang akong pinapahirapan.
Baka kainin ko ang sinabi ko at makagawa nanaman ako ng mali dahil sayo!
Para din sayo to!
Hanggang sa magtanghalian kami wala pa din malamig pa rin ang makikitungk sakin ng mga pinsan ko lalo na si tina dinaanan nya lang ako at linagpasan kahit ipakita kong ayus lang ako hindi ko parin maiwasan ang masaktan dahil sa ginagawa nila naiintindihan ko naman kung bakit kung hindi ko sinabi ki el at narinig ni ry hindi sana naging ganito at sana hindi ako nagbigay din ng motibo hindi sana tamihik kami ngayon at mag kakaayos.
"Ayus ka lang,masydo mong dinadamdam." Ngumiti naman ako ng biglaang pag-akbay sakin ni nash.
"Nasan si ry nash ayus lang ba sya." Ngumiwi naman sya sa aking tugon at sumandal sa sofa.
"Hindi sya ayus,inlove talaga ang puta!"
Kumunot naman ang noo ko doon kaya napangiti sya pero tipid lang iyon at ginulo ang aking buhok kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Levi!"
"O-oh!"
Tugon ko sa kanya dahil biglang naging seryoso ang tugon nya.
"Kapag may nangyari sana piliin mo yung tama huh!Alam ko naman na maiintindihan mo hindi naman masamang magmahal pero sana yung wala kang masasaktan na ibang tao at walang paapakan."
Hindi naman ako makasagot sa tugon nya dahil doon at nagkibit balikat nalang at ngumiti sa kanya dahil alam ko naman iyon.at sa madaling salita wag pilitin ang hindi talaga para satin.
Bago sya tumayo ginulo nya muna ang ang aking buhok at linagay pa ang kanyang kamay sa kanyang bibig na nagmamahiwatig na ngumiti,ngumisi nalang ako sa kalukuhan ni nash kahit hindi ko sya tinatawag na kua,alam ko alam nya na iyon nasanay lang kaming ganito ang aming tawagan para lang kaming magbabarkada.
Humiga nalang ako sa sofa at tumingin nalang sa malaking chandilier sa taas ng kisame at pumikit ang aking mata.
Napatol naman ako sa aking pagkakahiga at dali dali nakaupo at
laglag pangang nakatingin sa lalaking nakatingin sakin ng seryoso pero tumaas ang kanyang kilay ng makita ako kaya umayos ako ng upo at sinuot ang shinelas ko,bago pa ako makatayo ganun nalang kalakas ang kabang naramdaman ng malamig na tinig ang naramdaman ko ng magsalita sya.
"Kahit ganito lang levi,kahit tingin nalang please wag mo naman sanang ipagdamot." Narinig kong may sakit ng sambitin nya ang bawat salitang iyon,dahil sa tinig na iyon masakit sakin wala na akong nagawa kundi umupo nalang ulit sa sofa na kanila kung saan ako nakaupo,pero hindi ako makatingin sa gawi nya dahil baka hindi ko nanaman mapigilin ang sakit nararamdaman sa bawat pagtingin sa mga mata nya.hindi kita kayang tingin man lang pero ikaw!
"Lev-"
Hindi na tapos ang sasabihin ni tine ng matamaan nya ng tingin ang lalaking nasa harap ko pero umiwas din kaagad sya ng tingim at tumingim sakin tatayo na sana ako pero hindi ko na naituloy dahil umupo na sya kaagad sa tabi ko at hinawakan pa ang pulsuhan ko at pinaupo ako ulit.
"Kanina ka pa dito." Seryosong tanong ni tine,pero hindi ko alam kung sino ang tinatanong nya dahil nakatingin sya sa lalaking nasa haran namin pero ganun nalang ang gulat ko ng dumapo ang tingin nya sakin kaya napaawang ang bibig ko.
"H-huh,oo kanina pa pero sya." Turo ko sa lalaki pero tinaasan nya lang nya ako ng kilay at parang naghahamon at nakadekwatro pa kaya dali akong umiwas ng tingin at tumingin kay tine na nakatingin sakin."nga-ngayon ngayon lang." Utal kong tugon,wala naman naging reaksyon ang babae doon at tumango lang sakin akala ko ilalayo nya ako pero hindi naman dahil nanatili kami ganun na din ang lalaki na nag cecellphone na ngayon pero hindi maiwasan ang pagsulyap sa gawi namin o sakin dahil minsan nahuhuli ko sya pero tinataas nya lang ako ng isang kilay kaya umiiwas ako kaagad.mangyari ba!
Ngumiti naman na dumating si el at nagkibit balikat ng makita ang lalaki sa isahang sofa sa tapat namin at umiling iling pa pero may silay na ngiti pero ng makita ako kahit hindi ipakita na pang aasar sya pero kita sa kanyang mga mata,akala ko tatabi sya kay tine pero sumiksik sa gilid ko kaya napaupod ako at nasagi ko si tine tumingin lang sya samin,at sa lalaki syaka lang naging tutuk na ulit sa kanyang cellphone.
Pero kahit ganito gumaan ang pakiramdaman dahil medyo bumabalik na kahit medyo malamig pa rin ang pakikitungo ng bawat isa lalo na kapag nakita kami ni ry na magkasama o di kaya magkalapit alam kung hindi nila maiwasan na magduda doon pero naiintindihan ko naman pero gagawa ako ng paraan para hindi ulit mangyari iyon at lumalala pa kahit ikakasakit pa ng sakit ayaw ko lang may madamay pa dahil lang dito.
Pero pano naman kaya ang nararamdaman ni ry kahit hindi ko tanungin nakikita kong nasasaktan sya pero hindi nya lang ipakita. Mas lalo lang ako nadudurog kapag nakikita ko syang ganito pero hindi ko maiwasan na mangarap din.
Na sana kung hindi lang mali tanggap ba kami nila ng lahat wala sanang masasaktan at madadamay diba.
Pero bakit sya kung walang dahilan diba.
Pero bat ako ry?
"Sabay sabay tayong kakain mamaya sabi ni tita kasi sasabay din ang lola nila nash." Basag ng katahimikan ni el hindi ako alam na kanina pa pala ako nakatitig sa lalaki,kaya medyo nahiya ako ng tumingin kay el shaka lang bumaling ang lalaki samin buti nalang nagsalita si el kung hindi baka pati si tine makita iyon at baka lalo lang masira ang lahat kung meron silang naging usapan kung bakit naging ganito na ang tungo nila samin.
"Oo nga alam ko na iyon,ikaw tumawag sakin si tita ry,hindi ka daw makuntak!"
Bumaling naman ako sa lalaki ganun na din sya pero umiwas din kaagad at tumingin na kay tine shaka binababa ang cellphone.
"I'm busy." Malamig na tugon nya at dinampot ulit ang cellphone sa sofa.
"Busy saan ry." Malamig ding tugon ni tine pero ramdam ko ang pagiging sarcaatic.
"Don't worry,is about school lang naman hindi ako sumisira sa usapan tine-." Sabay sulyap sakin at ngumisi-"but pwede nam-"
Hindi nya natuloy ang sasabihin ng samaan sya ng tingin ng babae at tumingin sakin ang lalaki pero may ngisi pa sa labi
"Kidding." Nakangiting sambit nya pero masama parin ang tingin ni tine sa kanya tumayo si ry pero hindi maalis ang ngisi sa labi at tumingin pa sakin at kinindatan ako kaya bakas ang gulat sa aking mukha at para na akong priniprito dahil sa init ng mukha nararamdaman ko,pero nakita kong tumingin sya sa gawi ni tine at humalakhak nalang at umiling pa,alam kung naging masama lang ang tingin ni tine doon dahil sa paraan ng maghalakhak ng
lalaki,umiwas naman ako ng tingin kay el na nakangising aso pa sakin at tinampal ang braso ko pero mahina lang iyon ng tumingin ako kay el seryoso parin ito at hindi ko alam kung anong naisip nya ngayon dahil sa mukha at mata syang misteryosong nakatingin kung saan kanina ang lalaki.
Kahit nakaalis na sya hindi ko parin makalimutan ang ginawa nya kanina dahil hanggang ngayon hindi pa rin nagiging normal ang t***k ng puso ko.luko talaga!Kaya ako ang napapahawak eh!
Baliw na sya!Lalo nya lang pinalala ang lahat lalo na ang mararamdaman ko baka makalimutan kong kailan kong itigil to.
tukso layuan mo ko!Baka bumigay ako patay tayo!
Lalo lang syang naging gwapo sa paningin ko lalo na nung kuminlat .
Umiling namqn ako doon at ngumuso nakita kong napa ngisi si el sa aking gilid kahit hindi ako nakatingin nakita ko iyon kaya lalo lang akong nahiya doon at tumingin nalang kay tine na seryoso masyado sa cellphone,hindi ko naman maiwasan na tumingin sa sofa kung saan naka upo ang lalaki,na miss ko tuloy kaagad!piste naman! Ako talaga ang magpapahamak sa sarili eh!
Humiga nalang ako at sinandal ang ulo sa hita ni tine kaya napabaling sya sakin pero umiwas din kinurot naman ni el ang paa ko kaya napa ngisi ako dahil nakapatong ang paa ko sa hita nya pero sinamaan lang nya ako ng tingin kaya ngumisi lang ako at nagkibit balikat nalang,nagulat naman ako ng haplusin ni tine dahan dahan ang akung buhok,sinusuklay nya gamit ang kanyang mga daliri. Ngumiti lang sya sakin ng yumuko sya at nakita nya akong nakatingala sa kanya pero umiwas din kaagad sya ng tingin sakin at nag cellphone na.
Ang ganda ni tine kahit ganito sya tingnan mas lalong nakikita ang tangos ng kanyang ilong medyo malaki ang butas ng kanyang ilong pero subrang tangos naman nito dahil sa pagkatulis ng tungki ng kanyang ilong mukha syang amerikana dahil din sa medyo blonde nyang buhok na hanggang balikat lang,masasabi kong nakuha nya ang mata nya sa kanyang mama dahil sa pagka asul nito.
Akin kasi brown ang ang aking mata at ako nga ang pinakamaputi sa kanila at medyo singkit ako pero hindi katulad ng mga chinese na singkit na singkit pero kapag ngumiti ako wala na nga daw akong mata dahil sa pagka chinita nito at buhok na kulay blonde at may pagka brown ito at medyo kulot ito sa dulo at may maninipis akong bangs at matangos ang ilong pero hindi malaki ang butas nito at ang sabi nila maganda nga daw ang pagka kubra ng labi ko manipis sa taas pero sa baba ng labi medyo makapal ito pero maliit lang ang labi ko at sa gitna ng nasa labi ko ay may guhit ito na at kitang kita ito.