Chapter 16

2402 Words
Palawan! Pagkalabas ko palang ng aking kwarto mukha na agad ni el ang nakaabang sa aking. Nakataas ang kilay nya habang ako kakagising lang at pumipikit pikit pa. "Anong ginagawa mo dito." Antok kong sambit sakanya sabay sarado ng pinto,nagkakibit balikat nalang sya at nginisihan ako na, ang ganda ng umaga nito samantala ako ang pangit dahil ang aga aga nyang pumunta dito at bulabugin ang ang kwarto ko. Lumabas nalang ako na naka pajama pang pantulog at damit na pantulog habang kinakamot ang aking buhok dahil inaantok pala talaga ako. "Pagpalit ka." Lalo lang sumama ang mukha ko sakanya pero hindi sya pinansin at naunang maglakad pababa. "Nakakahiya ka! Maghilamos ka nga muna." "Tsk!" Sabay kamot sa ulo." Nakapaghilamos na ako sa taas eh." Inirapan nya pa ako at nag Cross arm ng kayang kamay sa may tapat ng dibdib. " Manuklay ka kaya muna parang binagyo ang iyong buhok! Nanunuklay ka ba?" "Kapal ah! Malamang duh." "Hindi halata ah." Linagpasan nya lang ako at siniko pa ang aking balikat ng kanyang siko,hindi ko nalang pinansin iyon at sumunod nalang sa kanya. Diretsyo lang ako pa punta kusina at hindi pinansin si el na papuntang sala at hindi ito binalingan kaya wala na akong paki. Dahil gusto kong mag almusal agad. "La almusal po natin." "A-ah Levi!."Ganun nalang ang laki ng mata ko dahil sa lalaking nakatayo sa may counter ng kusina namin. Kaya ang kabang nararamdaman nadagdagan ng malaking hiya kahit hindi ko nakikita ang mukha ko pero alam kong pulang pula na ito dahil sa subrang init na nararamdaman ko at kaunti nalang sasabog na ako. "Ahmm- sandali lang levi patapos na din to sabi kasi ni lola ako muna bahala dito sa sinangag na linuluto nya." "H-huh!O sige hi-hintayin ko nalang." Tiningnan nya ako ng mabuti at natawa pero umiling sabay talikod. Para akong lalagnatin dahil sa init na nararamdaman ko! Natampal ko nalang ang noo ko at naglakad paalis dun at kunyari walang nangyari pagharap ko sa may sala, lahat sila ay nakatingin sakin at bihis na bihis na at ang aayos ng suot habang ako! Nahagip ko ng tingin si el na nakadekwatro at nakasalamin na ngayon at nakangising nakatingin sa akin hindi na ako nagsalita pa at naglakad nalang na normal parang walang nangyari dahil kapag tumakbo ako baka pagtawanan pa lalo ako.! Hindi ako prepare! Ngayun pala ang alis namin pa puntang palawan sa subrang adik ko sa pagbabasa hindi ko na naintindihan ang sinabi ni lola noong nakaraan, ng nasa huling step na ako ng hagdan ganun nalang ang kuripas kong takbo papuntang silid ko at basta lang tumalon ng higa sa aking kama dahil sa kakahiyan ko. Nakita nya akong nakabuhaghag ang buhok tapos wala pang sipilyo buti nalang nagmumunog ako pero ang mukha ko basta ko lang binasa ito ng tubig kanina dahil tamad ako magsabon at diretsyo labas ako. Dapat pala magbihis ako bakit hindi ko nahalata ang mga ngiting aso ni el kanina at pinabibihis nga ako pero hindi naman sinabi na may bwisita pala kami at silang lahat pa tapos sumigaw pa ako. Dali dali akong bumangon at tumingin sa salamin ganun nalang panlulumo ko dahil sabog na sabog talaga ako na akala mo hindi nanunuklay pero na nunuklay naman talaga ako makapal lang talaga ang buhok ko. Pinagtawanan pa ako ano naman ang sasabihin nya na ang burara ko talaga. Pinapahiya ko ang sarili ko! Dahan dahan akong bumababa tumingin muna ako sa mga kasama ko na nakabihis na talaga at kanina pa. Hindi nalang ako nagsalita at ngumuso pero ngumiti lang din kalaunan! "Sabi ko na sainyo eh ang aga talaga natin kanina." Pasigaw na sambit ni ian na nakatingin sakin pero ng makita ako natawa nalang kaya lalo lang ako ngumuso. "Mag-almusal ka na doon levi tapos na." H-huh! "A-ah sige salamat." Sambit ko ng hindi tumitingin sa lalak i na seryosong nakatingin sakin kahit hindi ako nakatingin sakanya pero ramdam ko kaya naiilang ako dahil sa titig nya. "Pero levi mas gusto kong ganun sayo Sana all maganda parin kahit bagong gasing! Sana all nalang." Hindi ko na lang pinansin si tine pero seryoso ang tugon nya doon at ngumiti pa ng kaunti. "Kasi ikaw ate kapag bagong gising yung laway mo halata pa sa gilid ng labi mo HAHAHAH-aray." Natawa naman doon ang mga kasama ko kaya umiling nalang ako dahil sa pagka ilang. "Kaumain kana doon." Ry "A-ah oo." Sambit ko sa lalaking nakatingin prin sakin kaya ngumiti sya sakin hindi ko alam ang itutugon ko dahil sa subrang kaba ko! Ngumiti nalang ako pabalik at dali daling tumalikod na pa puntang kusina habang nakayuko. "Eat well! Levi gaganahan ka kumain nyan-i mean siningag nyan eh fovarite mo hehehe." Mahinhin na sambit ni el kahit hindi ko nakikita ang mukha pero alam ko na iyon. Ngumuso nalang ako at naglakad na at hindi na liningon pa sila doon. Lahat kami ay nakasakay isa isang putin van, van sila ry ang sakay namin katabi ko sya at wala na akong nagawa kong hindi hayaan na pero sa subang ingay ng nasa likod namin at ang sa aming dalawa para kaming naghihintay ng barko sa eraplano dahil hindi alam kung anong gagawin kung sino ang magsasalita kapag nagtitigan kami o di kaya nahuhuli ang isa't isa sa sa tinginan naiilang nalang ako sya naman ay kinakamot ang ulo di kaya sa likod ng batok. Ilang taon na din na hindi uumuwi ang kanyang mga magulang at hanggang ngayun ay nasa cebu parin ang mga Ito dahil si ang mama ni ry ay taga cebu at doon ang probinsya ng kanyang mga magulang at minsan lang ito umuwi dito saamin sa quezon. "Sama tayo palagi huh." Inirapan ko naman sya dahil doon. "Sus! Gagawin mo lang akong taga picture mo." Sarcastic kong tugon. Tinawanan lang ako ni el at tine si tina naman ay seryosong bumaling samin pero naka headset padin na walang makialam sa nangyayari sa paligid nya. " Naku bagay ba sakin ang biki-" "Hahahaha bikini daw! Kapal ah." Natatawang putol ni tine sa sambit ni el. "Ang epal mo! Ikaw ang hindi pwede dahil walang bubukol sa sa dibdib mo kapag nag bikini ka." Mataray na sambit ni el hindi ko alam pero natawa nalang, sinamaan naman ako ng tingin ni tine. "Wow patawa tawa ka dyan wala din naman huh." Napatigil naman ako sa tawa at tumingin sa sa baba ng aking dibdib hindi ko alam pero narinig ko nalang ang higikhik sa aking gilid nakita kong naka ngisi ang lalaki pero nakapikit ang kayang mata na nakasandal ang ulo sa may salamin ng bintana ng sasakyan. Kahit alam kong nakapikit sya inirapan ko parin. Nakita ko naman na naka ngiting aso ang dalawang pinsan kong babae ang isa naman ay walang pakialam samin. Ang tatlong lalaki sa likod ay tulog at naka earphone ang mga ito kaya walang pakialaman samin. Tahimik nalang ako ganun na din sila si el na may kinuha sa kanyang bag at pagkain ito inalok nya ako kaya dumampot naman ako dito,ganun na din si tine kami lang tatlo dahil ang iba naming kasama ay tulog o di naman naka headset kami lang mag pipinsan sa iisang van at iba naming kasama ay sa kabilang van nila tine kasama ang matatanda. Nagisng nalang ako ng tapikin ang hita ko ni el na ngayon ay nag aayos na ng kanyang bag nakita ko naman na kami nalang na tatlo nila tine na ngayun ay nakatingin din saakin at nag aayos ng bag. "Nandito na tayo nandun na sila." Nakita ata ni el na nagtatanong ang aking mga mata kaya sumagot sya ng ganun tumango nalang ako dahil tama naman ang hinala nya. Nasa puetro princesa kami ng palawan at dito ang bahay nila nash at Ethan dahil taga dito ang napangasa ni tita Devina. Pumasok kami sa malaking bahay pero kung titingnan ang bahay sa labas parang subrang luma na at kung titingnan noon pa itong bahay na ito dahil sa desinsyo ng bahay nila dito sa palawan sa puerto princesa. "Saan tayo mag bebeach kung ganun." Malanding tugon ni el na ngayun naka nguso na." Akala ko pa naman diretsyong beach na tayo." Ngumiwi nalang ako at umiling nalang ang babaeng naka akay sa aking braso na si tine. "Hindi ka pakapag hintay! Lunurin kita dyan eh." Malanding sabat ni tina sa aming gilid ng nahagip kami ng paningin nya. " Nandito na po pala kayo ma'am Devina! Magandang umaga po! Welcome po dito sa palawan." Galak na sambit ng mayordoma ata ng bahay na ito may nakita naman ako na dalawang kasambahay lang lumabas at isang matanda na na kahit matanda na ito pero nakikita parin ang pagkamagandang babae nito lahi medyo kulobot na ang kanyang balat pero maganda parin at kung titingnan para syang mataray dahil sa kanyang pustora. "Ohayō dōnyaissuhi." Tagon ni tita hindi ko alam pero titig na titig ako ngumiti lang ang matanda at ganun na din ang mga kasama namin. Bumati naman si tito sa pagbati ng japanese. "O bāchan! Kon'nichiwa, mata koko ni kitara gomen'nasai! O bāchan ga hontōni koishī." Biglang sulpot ni Ethan at yumakap sa matanda natawa nalang ako dahil natawa din sila kaya ganun nalang ginawa ko! Nagtatagalog po ba kayo! "I really miss you the two of you too." Kahit simpleng tugon lang iyon pero may pa ka sosyal ang sambit nya doon kaya kinabahan nalang ako anong sasabihin ko! Tumingin sya sa gawi namin at ngumiti kaya ganun nalang din ako at ginaya ang ginawa nila tita kanina na yumuko at akala mo nag dadasal. " Hehehehe konsiwi-ay ano nga iyon yung how are you po hehehe." Tugon ni el pinigil ko naman tumawag ganun na din ang nasa gilid ko nakita ko naman na ngumisi nalang si ry at ang mga matatanda at nakangiti na napakamot nalang ng ulo si el ngumuso. "O sya pasok na muna kayo at makakain ka na kayo! Genkidesuka iha hahahaha." Natatawang tugon ng matanda natawa naman sila ang mga tita namin at tito ganun na din si lola. Siniko naman ako ni el kaya natawa ako at bumulong sa kanya. "How are you daw." Mahinang tugon ko napakamot naman sya ng ulo kanya natawa ulit ako ng ngumiti muna sya matanda. "Hehehehe I'm fine po." Sabay kamot nya sa kanyang buhok natawa nalang ang matanda at tumango at bumaling sa mga matatandang kasama namin. "O sya sige na pasok na kayo para maka ligo na kayo kaagad." Tumango nalang kami at ngumiti si el naman na nakayukong tumabi samin ni tine na natatawa parin pero ganun nalang ang pigil nya. "Pano mo nalaman na how are you yung sinabi nya sakin." Kalabit nya sakin kaya ganun nalang kalapad ang ngiti ko. "Malamang may google! Uso ang google bhe." Natatawang kong tugon, hinampas nya naman ang braso ko kaya natawa nalang kami ni tine si tina naman na pa iling iling lang si ry na nagpaiwan at pumunta sa mga lalaki naming pinsan. Tahimik parin kami na kamakain pero kapag nagkakatitigan kami natatawa nalang kami dahil lahat yata kami natatawa dahil kanina.. Kapag nakikita ko naman si el hindi ko alam pero gustong kong tumawa pero pinipigilan ko dahil nakataas ang kilay nya at nakakunot ang noo na akala mo hindi alam ang nangyayari sa akin kaya kibit balikat nalang ako doon. " Sa Emerald Beach tayo pupunta." Tugon ni tina samin bumaling naman kaming lahat sa kanya. " Tinext ako ni nash nasa emerald daw sila inaayos ang reservation natin." Tumango nalang kami at kumin nalang ulit. "Nandun na agad sila." Tanong ni tine tumango naman ang kapatid." Hindi man lang tayo hinintay eh." Hindi nalang ako umimik doon at pinagpatuloy ang pagkain ko. Umakyat muna ako sa silid na naka reserve talaga samin ayaw nilang tag iisa kami dahil sa japanese style ng bahay gusto namin na tabi tabi nalang kaming mga babae pumayag naman ang donya doon kaya inalalay kami ng kasambahay at tinuro ang aming silid na apat. Inayos ko naman lahat ng gamit ko at yung dadalhin ko sa bag dahil balak naming pag overnight doon sa emerald kaya nag pa reserve sila nash doon pumayag naman ang mga matatanda sa desisyon namin dahil bakasyon naman at alam naman ng dalawang magkapatid na lalaki ang dito. Kahit malayo palang kami matunog na agad ang pangalan ng dalawang magkapatid na nash at Ethan dito karamihan pa sa lahat at babae. Hindi na din ako nagulat ng marami din ang nakakakilala ki ry sa probinsya itong dahil alam kong palagi silang pumunta dito magpipinsan ako lang naman ang hindi masyadong pumupunta at sumasama sa kanila. "Ang ganda ng bikini ko noh." Pakita samin ni el umiling nalang ako doon masasabi kong bagay naman sa kanya dahil may hinaharap naman sya at maganda ang hubog ng katawan nya samin kahit sa edad nyang 15 ayos ako kasi hindi pa pa kubra ang aking katawan at hindi katulad nilang tatlo pero sabi nila hinding halata na bata pa ako dahil sa aking height lalo na kapag nagsusuot ako ng mga desinteng damit mukha na daw akong dalaga at 17-18 years old at sa mukha kong hindi mahahalatang 14 palang dahil medyo mature na aking mukha pero kapag ngumiti daw ako nakikita ang isang dimple sa gilid at kapag ngumiti ako nakapikit na aking mga mata dahil sa kasingkitan at ako ang pinakamaputi sa aming magpipinsan dahil na din siguro sa aking lahi na chinese sa aking papa ang aking buhok na brown hair at curl sa medyo dulo ng buhok ko at may manipis na bangs. "Tatlo ang bikini ko pahihiramin ko kayo! Wag na yang si tina dahil alam ko naman na hindi yan nagsusuot nito." Sambit ni el wala naman pakialam doon ang babaeng si tina at nagpatuloy lang sa pag ayos ng bag na dadalhin nya. "Hindi ako nag sosuot nyan el." Tugon ko agad hinampas nya nama ako ng bikini pero binalewalang bahala ko nalang iyon at nag patuloy na nlang sa pag aayos. "Ako yun red ang gusto kong swimsuit." Tugon agad ni tine dali dali naman kinuha ni el ang swimsuit at inabot ki tine tinapat nya ito sa kanyang tiyan at akala mo sinusukat. Tumango naman sya doon at nilagay agad sa bag nya ng magkatingin ang dalawa natawa sila na akala mo magkakasundo sila. Ngumiti nalang din ako sakanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD