Chapter 17

2361 Words
"Ano ang ganda no." Tumango nalang ako sa sinabi ni el dahil totoong maganda naman talaga sa dito nasa emerald beach kami at nasa tulay ng nature park sa emerald tinatawan ko ang buong dagat sa tulay na ito subrang handa at kita kita talaga ang ganda ng kalikasan lalo na ang mga bugso ng tubig dagat habang sinasalubong ang malakas na hangin sa aking mukha ang kasama ko naman na si el ay tudo click ng camera na dala nya habang ako nakatingin lang view ng lugar na ito. Nasa kalsada kami kung saan makikita mo ang ganda ng karagatan sa lugar na ito sa palawan sa puerto princesa. "Doon ka pipicture kita! Wag kang mag drama dyan." Umiling nalang ako ng harapin sya at umayos ng tayo at ng post para sa maganda ang aking picture naka hawak ang dalaway kamay ko sa bakal na nakaharang at nkatayo at inayos ang magkurba ang aking katawan at habang linilipad ang hibla ng aking buhok ay sinide ko ang aking mukha para maganda ang kuha. "Artistahin day." Lumapit naman sya upang ipakita sakin ang picture napangiti nalang kaming dalawa ang ganda ng pag ka picture nito sakin. " Sabihin mo maganda ang nag picture kaya ganun." Ngumiwi naman ako doon. " Sabihin mo maganda ang pinipicture mo." Inirapan nya naman ako dahil doon. " Oh! Nandito na sila." Humarap naman ako sa tinuro nya, hindi nalang ako nagsalita at sinalubong nalang ng tingin ang mga kasamahan namin." Bat ang tagal nyo." Bungad ni el pagkadating nila sa aming pwesto. Nginitian naman ako ng dalawang babae kaya ngumiti din ako pabalik. Tinanguan ako nila nash at Ethan ganun na din si Ian pero ang isa nakatingin lang sakin na akala mo ngayon lang kami nagkita dahil sa titig. Ngumiti ako sa kanya ng tipid pero kahit gaano ka seryoso ang mukha nya pero nakita dito ang pagkabigla at magkagulat pero umiwas sya ng tingin at hindi na ako pinansin pa kaya nagkibit balikat nalang ako doon at tumingin nalang din sa mga kasamahan namin. " Ang daming turista doon grabe!" Reklamong tugon ni tina at tinanggal ang kanyang sunglasses at linigay sa kanyang ulo para gawing hairband ito. "Natural! Bakasyon ngayon." Sarcastic na saad ni el habang nakatuon ang tingin sa camera. "Ikaw ba kinakausap ko." "Share ko lang." Umirap nalang si tina,ganun nalang ang iling namin ni tine dahil nag sisimula nanaman ang dalawa. "Tine! Tingnan mo tong picture ni levi! Ganda." Napuno naman ng kahihiyan ko dahil sa malakas na pagkabigkas nya kaya ang mga lalaki nakuha din ang atensyon nya,tumingin muna sakin si tine at ngumiti bago lumipat sa tabi ni el habang pinapakita ang kuha nyang litrato sakin. Ganun na din ang tatlong lalaki naki singit na din sa dalawa at inagaw ni nash ang camera kaya ganun nalang ang gulat nila. "Bastos ah!" Singhal ni el pero tumingin parin. "Maganda naman talaga nyang pinsan ko nasa mukha namin yan eh." Tumingin naman sakin si nash at ngumiti pero alam kong may mang aasar iyon kaya ngumiwi nalang ako. "Let me see." Sabay lapit ni ry at inagaw lang basta ang camera kay nash ganun nalang ang tingala ng apat sa hawak nya dahil sya lang nakakakita dahil lumayo sya ng kaunti sa kanila at tumingin sakin pero binalik ulit ang tingin sa camera. Ganun nalang ang ngising aso ni el na nakatingin sakin kaya umiwas ako at lumapit nalang kay tina na nakatingin sa view ng dagat. Bahala kayo dyan! "Maganda nga." "H-huh!" Ganun nalang ang gulat sa aking mukha at kaunti nalang mapapatalon na ako sa aking kinatatayuan kaya napabaling si tina sakin pero umiwas din kaagad ng tingin at umalis kaya ganun nalang ang kabang aking nararamdaman at sinamahan pa ng medyo malamig na hangin ang simasalubong samin, dali dali akong umiwas ng tingin at tumingin nalang din sa dagat, kinagat ko ang panbabang labi ko dahil sa subrang kabang nararamdaman dahil sa presensya nya sa aking tabi kaunti nalang magkakadikit na aming balikat at braso. "May problema ka ba sakin." "H-huh!" Napabaling sya sakin at titig na titig kahit hindi ako nakatingin sakanya pero nakikita ko sa gilid ng aking mga mata, ayaw kong titigan sya dahil kapag ginawa ko iyon baka hindi ko na kayanin pa ang kabang nararamdaman baka maihi ako dito kapag nangyari iyon."a-ah wala naman." Kinurot ko ang aking palad para sa tensyon na raramdaman nakita ko naman na medyo gumalaw ang kanyang panga sa paraan ng pag tango tango nya pero nakatingin parin sakin pero umiwas din naman at tumingin sa aking tinitigan din. " A-ah tara na nandun na sila." Bumaling naman ako sakanya at tumingin sa mga kasamahan namin na naglalakad paalis at medyo may kalayuan na.bat nyo naman kaming iniwan na dalawa dito! Tumango naman ako sa kanya kaya nagkatitigan kami pero umiwas din kaagad ako nakita ko sa mata nya ang takot at sakit pero dahil sa paraan ng pagtango ko at paglakad ng kaunti at iwan sya.baka ganun lang talaga sya! Pero ngayon ko lang iyon nakita dahil ilang beses na din kaming nagkakatitigan noon pero hindi ganito dahil sa paraan ng pagtitig my sa aking mga mata may sakit doon kahit hindi mo ipakita sa iyon impresyon pero makikita mo naman iyon sa mga mata ng tao kahit anong tago pa ang gawin nila. Dahil sa paraan ng titig nya dahil sa mata nyang iyon may nararamdaman din akong kirot sa aking dibdib dahil sa paraan ng magtitig nya. Sabay kaming maglakad pero kahit nakatingin ako sa daan at minsan napapabaling sya saakin pero umiiwas din kaagad dahil hindi man lang ako sumulyap kahit isang beses dahil kahit anong gustuhin ko pinipigilan ko dahil kapag ginawa ko iyon kahit hindi ko sabihin pero kapag ginawa ko iyon alam kong malalaman nya ang nararamdaman ko kapag nangyari iyon sabi nga nila action speaks louder than voices pahirap kapag nagkataon kapag sinanay ko ang sarili ko sa kanya baka bumigay nalang ako hindi ko na mapigilan pa. Walang nagsalita samin kahit isang beses kahit nandito na kami sa beach tumingin muna sya sakin kanina bago sya umalis nakita nya yata na wala akong balak na balingan man lang sya kaya nauna na ako at iniba at bigla nalang ako tumakbo kila El at makisama. Tumingin ako sa pwesto nya kanina pero nakatalikod na sya at naglalakad na papalapit kila nash. Kahit anong gawin kong iwas ako din ang nasasaktan sa ginagawa ko pero kahit ano pang gawin ko alam kong talo parin talaga ako! Bigyan nyo naman ako ng dahilan kong bakit sya! Marami namang iba bakit sya pa! Sakit eh ako yung nadudurog dito ako ang may problema ako wala naman syang ginagawa at gusto nya lang mapalapit sakin katulad ng iba naming pinsan pero hindi ko man lang sya kayang pagbigyan dahil ako may problema samin. "Ayus ka lang kanina pa kita tinatawag! Nakatulala ka lang dito." Hindi ko alam pero bigla nalang gumalaw ang aking katawan at yumakap sa baywang ni el sa harap ko. Hinamplos nya aking buhok kaya hindi ko mapigilan ang emosyon na nararamdaman ko kanina pa pero pinipigilan ko pero kapag ganito hindi ko mapigilan ang maging emosyonal sa kanya dahil sa paraan ng maghaplos nya sakin. Hinawakan nya ang dalawang kamay ko at kinalas ang kamay at tumabi sakin at nakita ko din kung pano pamuo ang luha sya sa kanyang mata. "H-hindi mo na kaya! Ang tanga mo talaga kahit kailan! Matalino ka naman pero bakit sya lev!" Hindi ko alam kung anong isasagot pero umiling ako ng umiling sa kanya habang tumutulo ang aking mga luha pababa saking pisngi si el lang talaga kung bakit nalalabas ko ang kahinahan ko kahit sa iba hindi ko magawa ang ito pero kapag tinanong nya agad ako kung ayus lang ako hindi ko alam basta nalang ako nanghihina at hindi ko kayang magsinungling sa nararamdaman ko pagdating sa aking favorite na pinsan ang karamay ko sa lahat. "B-baka kapag tumagal mawawala lang to El." Masakit kong tugon habang unti unting pinupusan ang aking luha tinulungan nya naman akong punusan iyon,at hinamplos pa aking buhok at tumango sya at tinuro ang kanyang hita na nagpapahiwatig na humiga ako ngumiti ako sa kanya imbes na ngiti ang igawad nya ang sakit sa mga mata nya ang natanggap ko kaya umiwas nalang ako at humiga sa hita nya habang hinaplos aking buhok. "Mahinga ka muna lev kahit saglit! Dito lang ako ako ang nasasaktan sa-sayo eh." Garalgal nyang tugon hindi ko alam pero pumikit ako pero may luha lang ako nailabas sa aking pagpikit ng mata ko. Sa aking edad na ito heto na ata ang malaking problema ko sa aking buhay at pwede akong wasakin araw araw kahit minuto man lang dahil kahit anong ingat ko parang anytime mababasag ako sa sariling patibong. Piga piga na ako sa daming pagsabok sa buhay kahit Bata palang ako durog na durog na ako kahit minsan lang naman pagbigyan nyo naman ako kahit bawasan man lang ang bigat na nararamdaman ko kahit isang araw lang hindi ko na talaga kaya ang agos ng sakit na raramdaman sa aking puso daig ko pa ang malakas na alon dahil sa agos nito na subrang lakas na ang hahati at sisira sa aking puso dahil sa bigat na nararamdaman at hindi malayang pag agos dahil may nakabara dito at hindi na ata makakawala pa at papupuno lang at wala na akong laban dahil sa subrang lakas. Nagising ako at kahit medyo malabo pa aking paningin naaninag ko na agad si el na nakatingala. Bumangon ako kaya napatingin sya sakin kinusot ko ang aking mata at ngumiti sa kanya pero seryoso lang ang tingin nya sakin at akala mo sinusuri ako. "Halika ka na! Kumain na tayo nandun na sila." Tumango nalang ako at tumayo na tumingin sya sakin kaya ngingitian ko sana sya ulit pero umiwas sya at nauna na kaya wala na akong magawa kundi sumunod nalang. "Gising kana pala levi." Bungad agad ni tine pagkakita sakin tumingin naman ang mga lalaki sa amin ni el pero seryoso lang ang babe at nagawa pang tumingin kay ry na nakatingin din sakin habang hawak ang baso na may lamang atang juice "Drink." Abot nya sakin dali dali ko naman iyong tinanggap, ngumiti ako sa kanya pero umiwas lang sya, napailing si el sa aming pwesto habang nagsasalin ng juice sa kanyang baso. "Ako yung nasasaktan sainyong dalawa sa pinaggagawa nyo." Sigaw nya kaya napakunot naman ang mga noo ng aming mga kasama ako naman hindi na maramdaman ang aking makiramdaman dahil sa halo halo na ito si ry na seryoso lang na nakatingin sakin kaya lalo lang akong kinabahan pero El tumingin ako sakanya pero wala atang balak bawiin ang sinabi nya kaya dali dali naman akong uminom ng juice na bigay ng lalaki dahil sa nararamdaman. " Tsk! Kumain ka nalang El dyan kahit ano nanaman ang sinasabi mo." Si nas h at tumingin pa sa gawi namin ni ry na nakaupo sa aking gilid ako naman nakatayo sa kanyang gilid kaya naglakad ako pa punta sa pwesto ni tina at pinigilan ang panginginig ng aking tuhod at pilit na naglakad sa pwesto nya bumaling sakin si tine pero ngiti lang ang ginawad nya pero sa paraan ng tingin nya hindi iyon ang gusto nyang ipakita,pero hindi ko alam kung ano iyon dahil mahirap basahin ang kanyang mata na nakikiusap. " Just eat levi don't mind him." Matigas na English ni ry tumango nalang ako doon at kumain nalang ng bigay ni tine sakin dahil pinagsandok nya na ako. "Ayus kana ba." Tanong bigla ni tine at tinapik pa aking braso nakita nya ata na nabigla ako pero hindi na sya nag hintay ng sagot ko at ngumiti nalang at pumunta sa pwesto ni el na Ang seryoso parin ng tingin. Ngumuso nalang ako at yumuko at tumingin nalang sa pagkain ng nasa harap ko kahit anong panginginig na nararamdaman binalang bahala ko nalang iyon dahil baka nahalata pa nila. " Mag night swimming tayo, at mag bonfire." Suggest ni ian walang sumagot sa amin at nakatulala lang ang lahat at ako lang ang nakatingin kay Ian pero bumaling naman si tina at tumango nalang kay Ian at sinuot ulit ang kanyang headset. " Sige mamaya na mga 9 pm para maganda." Biglang sagot ni tine at tumingin sa aking gawi pero umiwas din kaagad at tumingin ulit Kay el kahit nag titigan sila feeling ko nagkaka intindihan sila doon. "Kayo ni ry lev ay kumuha ng marshmallow at humingi kayo sa mga staff dito kung meron ba sila ng mga kahit at stick para pang tusok sa marshmallow." Nagulantang naman ako sa tugon ni tine lumunok ako ng laway pero tumango nalang dahil doon dahil wala na akong magagawa pa dahil baka kung ano pa ang isipan nya baka mahalata pa ako. Bumaling sakin ang lalaki na si ry pero ngumiti ito sakin pero hindi ko sya makitian pabalik dahil sa kaba at pagkailang na nararamdaman! "Ayaw ko ng ganito pero sang ayon ako sayo El kahit ako naman nasasaktan pero anong magagawa ko mahal ko parehas eh." Kahit medyo malayo ako pero rinig ko ang sinabi ni tine sa Kay el dahil magkakaharap lang naman kami pero walang pakialam ang mga lalaki dahil busy sila sa mag strum ng gitara na hawak ni ry habang ang tatlong lalaki ay nakatingin sa kanya meron naman hawak si nash pero tumitingin sya sa ginawa ni ry kung pano nya kalabitin ang string ng gitara kaya minsan hindi ko maiwasan na mapatingin din dahil namamangha ako. Si tina naman wala parin may sariling mundo sa isahang sofa habang naka headset ito sanay na kami sa kanya minsan nga naiisip kong hindi sya nagsasawa minsan dahil baka maulit ulit na ang kanya tugtug o di kaya nasakit ang kanyang tainga dahil laging naka headset. Ako nga ilang minuto din minsang nakaheadset sumasakit din ang tainga ko hindi dahil sa tugtug kundi sa nakalagay sa aking tainga na headset minsan nga mapapanhid na kapag tinanggal ko doon ko lang nararamdaman any sakit sa may butas ng aking tainga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD