Nasa gitna namin ang bonfire dahil nakabilog kaming lahat dito katabi ko si el at tine maliwanag din ang buwan at marami ding mga turista pero medyo malayo ang pwesto may mga naglalakad sa tabing dagat habang binabasa ang kanilang mga paa o talampakan.
Subrang ganda kapag ganitong gabi lalo na kapag nasa Beach at kabilogan ng buwan habang ang agos ng alon ang nag papaingay sa kapaligiran at ang mga taong nagtitilian.
" Alam mo ma miss ko to kapag pasukan nanaman." Si tine tumango nman si el bilang pag sang ayon ako naman tipid na ngumiti nalang habang nag susunog ng marshmallow na hawak ko.
" Ate! Kumusta kana pala dun sa Kendrick mo huh! Anong balita doon?" singit agad ni tina habang nanguya ng marshmallow sa kanyang bibig.
Napairap naman si tine." Haysss! Paasa ang kingina! Pabigay bigay pa ng love letter sakin may girlfriend pala gagawin pa akong kabit."
Natawa naman kaming lahat doon pati na rin ang mga lalaki.
"Buti nalang nakaagap pala ako hehehehe." Natatawang tugon ni el.
Lumingon naman kami sa nagbato kay tine ng shinelas si nash pala na humahagikgik ganun nadin ang iba.
Napabaling naman ako kay ry dahil sa inabot nyang isang pirasong marshmallow sakin tinanggap ko naman agad dahil hindi ko kakayanin ang titig nya sakin.
Magharap ko sa kanila ganun nalang ang hiya ko dahil lahat sila ang atensyon samin kaya yumuko nalang ako at kinain ang binigay ng lalaki.
Napaubo naman ang katabi kong si el pero hindi ko iyon pinansin dahil lalo lang akong kinabahan dahil si tine ay nakamasid lang saakin at parang nag uusisa sa aking mga mata at kilos.
"Levi."
"H-huh! Bakit tine." Sabay baling ko sakanya seryoso naman syang tumititig sakin pero umiwas din.
" Sinong gusto mo."
Hindi ko alam pero ganun nalang ang gulat ko at bilis ng t***k ng puso ko dahil sa tanong na iyon para akong papatayin dahil sa kabang nararamdaman hindi ko alam pero naka-awang lang ang bibig ko sakanya nagulat nalang ko ng tapikin ang balikat ko ni el kaya ngumiti ako ng bahagya.
"Hoy! Diretsyuhan huh." Natatawang tugon ni el kahit ang paningin nya ay kay tine pero ang kamay nya ay kinurot ang aking tagiliran kaya umayos ako ng upo at tumingin sa mga kasamahan namin na nakatingin din sakin pero seryoso sila si nash lang ang ngumiti sakin ng tipid.
"Ahm-wala pa naman!Pa-pati hindi ko pa alam." Kinakabahan kong tugon kahit gaanon pa ka kaba ang ang nararamdaman ko inayos ko ang pananalita ko para hindi makita ang totoong kong nararamdaman.
Sinasabayan ng agos ng alon ang nararamdaman kong kaba at dinagdagan pa ng sakit dahil sa paano tumititig sakin ang lalaki ngayon ng nasa harap ko.
" Ok hindi kita pipilitin na sabihin pero kapag balak mo naman syempre makikinig ako dapat hindi lang palagi nalang si el ang tatakbuhan mo huh!"
Tumango nalang ako sa sinabi ni tine kaya ngumiti sya sakin gusto ko man magsabi sa kanya pero nahihirap akong magsabi dahil pinakukunahan ako ng takot dahil noong sinabi ko kay el alam kong nag iba din ang tungo nya sakin.
"Ikaw ry sino gusto mo! May nagugustuhan ka na b-"
" Yes! Why?."
Ganun nalang kabigat lalo ang nararamdaman ko dahil sa simpleng sagot na iyon hindi ko alam pero napabaling ako kaaagad sa lalaki pero seryoso lang itong nakatingin sakin kahit saan titingnan saakin talaga ito nakatingin kaya umiwas ako at tumingin kay tine pero sakin din ang paningin at naka awang pa ang bibig pero nakita ko naman ang ngising tinatago ni el sa gilid ko.
"Kung ganun ry! Sino?" Maangas na tugon ni nash. Nagkibit balikat naman ang lalaki at ngumisi sakin kahit hindi ko ito makita alam kong pulang pula na ang mukha ko dahil sa tensyong nararamdaman.
" Kung ganun sino si chantal ba?" Singit ni tina.
"Kung sabihin kong si levi maniniwala ba ka-"
"Tanga ka ba" ethan
"Ano?" Ian
"f**k you?" Nash
"Sira ba ulo mo." Tine
"Iyon HAHAHAHA." el
Hindi ko alam pero dahil sa sagot na iyon unti unti akong nadudurog at hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang naramdaman ko kaya napatakip ako ng aking bibig gamit ang aking palad habang lahat sila ay nakatingin sakin at si tine na kaunti nalang susugurin na si ry ganun nalang ang gulat ko ng tumayo si Ian at kwenilyuhan si ry kaya ganun nalang ang gulat namin lahat at Isa isang hinawakan ni nash si Ian at linayo naman ni Ethan si ry si El.
"Baliw ka na ba huh! Sinong tangang pagkakagusto sa pinsan nya huh ry! Hindi kami nakikipag lukuhan dito kaya umayos ka." Singhal ni ian habang ngumiwi lang si ry at inayos ang kanyang damit na nagusot.
" Tsk!Kaya nga ayaw kong sabihin dahil alam kong hindi kayo maniniwala."
Susugurin sana sya ni ian pero hinila Ito ni nash hindi ko alam ang gagawin ko dahil lahat kami nagkakagulo na si tine na nagpagitna at sinapak si ry pero si tine ang umiyak habang ang lalaki at nakaupo sa may buhangin habang tungkod ang isang kamay sa lupa.
" Matagal ko gustong gawin to sayo! Sabi ko noon sayo pigilan mo ry pero ano ang kapal ng mukha mo at sinabi mo pa t-talaga h-huh."
Sambit ni tine habang nag uunahan ang mga luha sa kanyang mata hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa panginginig ng aking buong katawa sinabay pa ito ng mga luha sa aking mata nararamdaman ko nalang ng bigla akong hilain ni el at itayo doon.
"Umalis na tayo-nash ika na bahala dyan kay ry kausapin mo nyan."
"T-tine sandali lang-gusto lang makausap si le-vi kahit-"
"Levi-tara."
Hindi ko alam pero kinalas ko ang hawak ni tine sa braso ko at balak sana daluhan si ry pero ganun nalang kasakit ang braso ko ng hilain ako ni tine at ni el sa aking braso kaya wala akong nagawa kundi titigin ang lalaki na linalayo sakin ng dalawa.
"T-tine kahit saglit lang."
Garalgal kong tugon pero hindi nya ako pinakinggan at hindi man lang ako tiningnan pero kita ko sa mata nya ang sakit at pag luha ganun na din si El.
"Ka-kahit isang 30 minutes lang t-tine pleas-pleasee gu-gusto ko lang maliwanag!e-el please."
Umiling lang ang babae pero tumititig sakin kung ano ang nararamdaman kong sakit ganun na din ang matang nakikiusap sa bawat titig ng dalawang kasamahan ko.
"Pa-pasensya na le-levi pero kailan naming gawin to dahil kilala na-namin si ry!"
Hindi ko alam pero hindi ako nakasagot doon at hinayaan na pagpahila sa kanila kahit ayaw ng mga paa kong umalis at bumalik doon para makita ang lalaki.
Ang sakit sakit para akong pinipiga ng ma unti unti hanggang sa madurog ako tanging mga hikbi namin ang naririnig ko kahit gaano ka manhid ang buong katawan pero ang puso tuloy parin ganun din ang luha sa aking mga mata.
Kahit nakatulala na ako pero ang mata ko tuloy parin sa pag agos nito hindi tumigil parang sirang gripo.
Hindi ko na kaya subrang bigat na sana ibalik mo kami kanina at bawiin ang sinabi nya.
Masaya ako dahil alam kong parehas kaming nararamdaman pero ang nangingibabaw sakin ang sakit at pagkalumo.
"E-el kakikiusap ako kahit ngayon lang-iiwasan ko sya pagbigyan mo nyo lang ak-"
Ganun nalang ka manhid ang aking mukha ng isang malakas na sampal ang natamo ko kay tine kaya dali dali naman pinigilan sya ni el lahat kami umiiyak pero ang Kay ang malala dahil namumula na lahat ng mukha nya lalo na kanyang ilong.
"Puta-putang ina! Umayos ka levi naririnig mo ba sinasabi mo huh!"
"Tine hindi ko alam pero-nararamdaman ko nalang bi-bigla! Pi-pinigilan ko naman-pero hindi ko alam-"
"Ba-bakit sya-bakit kayo pa! Putang ina naman le-levi matagal ko ng kutob to eh noon pa pero noong inamin ni ry na may crush sya sayo noong elementary hindi kami naniwala da-putang ina."
Nasapo nalang ni tine ang kanyang noo kahit singhot ng singhot sya dahil sa iyak na pinipigilan nya nanaman na pagkawala. Ang sakit sakit hindi ko din alam!
Si el na wala ng masabi at nakatingin lang sakin habang walang tigil ang iyak nya ganun na din ako habang ang isang kamay ko na nakahawak parin sa aking pisngi dahil sa sampal pero hindi ito ang sakit na nararamdaman ko dahil mas nangunguna ang sakit na raramdaman ko sa aking loob.
"Pumunta kana sa kwarto at lalabas ako dahil bukas aaalis na tayo at pupunta sa bahay nila Ethan dito sa palawan."
"T-tine wag muna please kahit ngayon kahit ngayon lang tin-hindi ko kaya gusto ko lang sya maki-ta-
"Hindi matulog kana."
Hindi ko alam pero bigla nalang ako lumuhod at hinabol ang kanyang paa na paalis at yinakap ito kaya ganun nalang ang gulat ni el at dinaluha ako.
"T-tine please hindi ko na kaya ang sakit sakit na-pagbigyan nyo naman ako kahit ngayon-"
Hindi ko alam pero tanging hikbi nalang ang ginawad sakin ni tine at kinalas ang kanyang paa sa pagyayakap sakin at umiyak na umalis at iniwan kami hindi ko na alam ang gagawin ko kundi ang hikbi ng hikbi nalang sa aking pwesto habang si El ay nasa likod ko na ganun na din ang pahikbi nya.
"Le-levi tama lang ito ginagawa namin-pasensya na pero masasaktan lan-"
"Nasaktan na kami e-el matagal na noon pa-,noong pinigilan ko pa-palang."
Hindi ko natuloy ang aking ang sinabi dahil hindi ko na kayang magsalita pa dahil sa iyak na at sakit nararamdaman.
"Dahil kapag nalaman ito nila tita at ng mga tito natin levi hindi ko alam pero malala pa ang gagawin nila kaya ngayon palang gagawin na namin ang ta-"
"Tama! Alam ko el-gusto ko lang syang makita-kahit ngayon lang-ako na ang iiwasan gusto ko lang mabasan ang bigat nararamdaman-ko."
"Mas lala lang yan k-kapag pinagbigyan kita le-levi kilala ko si ry noon pa to."
Hindi ko alam pero iniwan nya ako at tumingin muna sakin kaya lalo lang akong nanalumo dahil sa paraan ng pagtitig nya.
Subrang sakit na ng mata ko at napapanhid na din ang aking katawan kahit anong pigil ko umaagos parin ito.
Nakatulala ako at nakatingin sa malaking bintana na gawa sa salamin habang kitang kita ang agos ng dagat sa baba ang ang buwan na nagbibigay ng maganda kinang tubig bawat agos ng dapat sa dalampasigan ganun na din ang agos ng luha sa aking mukha.
Dapat masaya ako dahil yung gusto ko gusto din ako pero bakit ang sakit hindi ko na kaya.
Mali pero bakit nagpapatuloy pa.
Tama na bakit sya pa!
Bakit yung may hadlang pa!
Bakit sya?
Subrang sakit nyang magustuhan!
Pinigilan ko naman! Pero ako parin ang nasasaktan ang matindi!
Hindi ko kayang tingnan ang bawat Isa samin dahil sa nangyayari hindi ko na pipilitin pa na makausap sya naintindihan ko sila kung bakit ganun nalang hindi kami pwede hindi kami dapat bakit parehas kami ng nararamdaman!
Hindi ko maintindihan!
May kasalan ba ako!
Bakit pinaparusahan ako ng ganito ginawa ko naman lahat pilit kong maging mabuting anak,apo,mapangkin, bakit pinaparusahan parin ako! Subra subra hindi na kaya!
Kung saan masaya na ako pero lahat ng kasiyahan ko may sakit na nakasama!
Kahit ngayon pagpahingahin nyo naman ako!
Kinabukas hindi ko alam pero ng lumabas ako nakita ko sila El na nag aayos na ng mga gamit tumingin sya sakin pero mugto ang kanyang mata pero umiwas din kaagad sya ng makita ako ng titigan ko si tine hindi sya nakatingin sakin pero tudo singhot sya ng ilong nya.
"na-naayos ko na ang gamit mo mag almusal ka na doon." Malamig na tugon ni tine at lumabas ng kwarto dala ang maleta nya tumingin sakin si el pero ngumiti ito pero ang mata nya na hindi parin nagbabago ang reaksyon nito ka gabi kapag tumingin sya sakin parang iiyak sya.
Hindi ko din kayang titigan sila dahil ganun na din ako lumabas ako ganun nalang ang gulat ko ng makita ko sila nash na nakaupo sa sofa tumingin ako sa mga kasama nyo pero ganun nalang ang pagkalaglag ng aking balikat.
"Wala sya nauna at hindi kayo pwedeng magsama." Tugon ni el sa aking gilid nakita nya ata ang kilos ko tumango nalang ako at dala ang pagkabigo ko sa kusina.
Wala kaming imik ng makasakay kami sa loob ng van pabalik sa bahay tuluyan nila Ethan dito sa palawan nakatingin lang ako sa bintana dahil hindi ko parin kayang tumingin sa mga kasama ko dahil sa nangyari ka gabi.
Hindi din umimik si tine sa aking tabi at hindi ako kinibo ganun na din si El ang sakit kahit ipakita kung ayus lang ako pero hindi ko parin matatago ang sakit nito sa ganitong edad ko nararamdaman ko ang sakit na ito.
Hanggang sa bahay nila ethan wala kaming pansinan si el na minsan nahahagip ko na nakatingim saki n pero iiwas din.
"Oh napa aga yata kayo ethan." Bungad ni aling margarita at ngumiti samin pero wala naman ngumiti at naging seryoso lang kaya nakita ang pagkadismaya ni aling pero hindi nalang sya magsalita doon.
"Si nash po manang" malamig na tugon ni ethan at tumingin sakin pero umiwas ako dahil hanggang ngayon masakit parin ang aking mata ganun na din sila dahil pulang pula ito.
" nandito na pala ka-"
"Levi halika kana dito-" sigaw ni tine sakin ng makita nyang hindi ako lumapit dali dali syang pumunta sakin at hinila ako.
" tine-"
" halika na." Linakihan nya ako ng mata pero tumingin ako kay ry na parang pinipiga ang puso ng makita ko syang may galos sa gilid ng labi nya pero seryosong nakatingin sakin at ang bahid na sakit sa kanyang mata hindi ko alam pero bigla nalang namanhid ang gilid ng aking mata hindi lang natuloy ang luha na namumuo sa saking mata mg tanguan nya ako kaya wala na ako magawa kundi ang mgumitj sakanya sabay pagpatak ng butil sa aking mukha at tumalikod sa kanya.
Tumingin sakin si tine pero bakas parin ang iyak nya dahil sa pula ng kanyang mata pero umiwas lang sakin ng tingin habang hawak ang aking braso at ayaw bitawan ito sa lahat ng kapit nya sakin braso pero ito kakaiba ito,may sakit akong nararamdaman sa paghila nya sakin.
Nakita ko naman sa aking gilid si el na nakasunod lang samin,nahagip naman ng mata ko si tina sa taas ng terrence na naka cross arms ang kanyang mga braso sa harap ng kanyang dibdib at malamig na nakatingin sakin pero umiwas naman kaagad at pumasok sa loob ng kanyang kwarto.Kahit malayo kita ko parin ang sakit sa kanyang mga mata.
"O-oh kumain muna kayo tine,levi!." Gulat na tugon ni tita dahil bigla lang kaming pumasok,bumaling naman si tine sa kanya pero seryoso lang.
" mamaya na po tita,sa taas lang kami." Ani ni tine pero sa malamig na tugon dahil wala parin bakas na reaksyon,ngumiti naman ako kay tita pero nagtaka sya at timuro pa ang aking mata pero umiling lang ako at ngumiti ng tipid sa kanya dahil sa kabang nararamdaman.