Kaunting kembot nalang malapit na akong mag second year pero ganito parin kahit anong pilit ko lumalala parin.
Wala parin akong pakialam sa mga lalaking nasa paligid ko kahit anong pilit ko nasa utak ko talaga ang pisteng iyon!
Minsan-ay madalas pala nyang kasama ang chantal na iyon pero kapag nakakasalubong ko sila iniiwas nalang ako dahil ang lakas ng kaba ko.
Usapan na girl friend nya na iyong chantal na iyon wala naman akong masabi dahil pati ako nakikita ko silang magkasama palagi kaya hindi matatangging sila na nga talaga pero bata pa sya ah!
Pero tama naman mag ka edad naman sila kaya lang naman naging freshman si ry dahil sabi ni tita hindi nya ito pinapasok ng isang taon dahil nagkasakit ito!
Pero sa kwetont ng buhay nya hindi ko na alam dahil pagkatapos ng gruaudation noon sa grade 6 bigla nalang nyan napadpad dito at iniwan din dito nila tito Zion at kasama lang umalis ng mga magulang nya any nakakabatang kapatid nya na si Ruge lang!
Simula ng dumating yan hindi na napanatag ang nararamdamang dulot ko! Lalo na ang buhay ko!
Sabi nila el anak sya nila tita beatrice at tito Zion tumango naman ako doon dati dahil nakita ko sabi ni el nakasama na nila ito dati pa pero madali lang dahil umaalis din kaagad.
Nung una dating nya saming bayan nakita ko din sya noon pero umiiwas ako sakanya siguro naman nakikita nya ako noon diba pero hindi talaga pimupunta sa bahay nila tanging bahay lang ako noong Bata pa ako dahil natatakot ako!
Kaya kapag lalabas ako sa bakuran lang namin kaya ko sya nakita noon na naglakad pag isa sa labas ng bakuran ng bahay namin pero ng nakatingin sya sakin noon bigla nalang ako tumakbo noon papasok ng bahay.
Dahil dumating din ang mga pinsan namin alam kong tatawagin nila ako kapag nakita nila ako doon. Dahil naiilang ako at hindi talaga ako komportable sa kanya noon!
Kaya hindi talaga kami close noon pa! Dahil ako talaga noon ang may problema habang tumatagal I realized ako nga ang may problema sa kanya.
Mas mabuti ng may kasama sya at makitang may kasama sya na babae para masaktan ako upang ipamukha sa sarili ko na hindi talaga kami pwede!
"Nag enroll kana?"
Natauhan naman ako dahil sa biglang pagsulpot ni el sa aking gilid.
Umiling nalang ako doon dahil maaga pa naman.
"Nanliligaw sayo si kenneth ah."
Ngumiwi nalang ako doon dahil si kenneth ng third year pero hindi ako interesado sa lalaking iyon madami na yung naging girlfriend pati ayaw ko sakanya!
"Tsk! Sa dami ng naging girlfriend non sa palagay mo papatulan-"
"Sus! Sabihin mo hindi mo talaga gusto dahil hanggang ngayun yun parin ang gusto mo! Sabi kong umiwas ka diba!Kasi bawal"
"Umiwas naman ah! Lumalala lang pangit mo mag advance."
"Sabihin mo tanga ka talaga."
Sakit ah! Natutula na lang ako doon sa sinabi nya kaya hinampas nya ng mahina ang kamay ko.
"Pero alam mo kinikilig ako sainyo kapag nag aaway kayo."
Kumunot nalang ang noo ko dun kaya ngumisi lang sya.
"Oh-advance lang bawal!"
"Kapag hindi bawal pwede na."
Binatukan nya naman ako doon kaya natawa nalang ako dahil biro lang iyon!
"Kapag nangyaring hindi natin sya pinsan o di kaya sa ampon sya o kaya naman ikaw! Anong gagawin mo ipagpapatuloy at ipaglalaban mo ba."
Kinabahan naman ako doon sa sinabi nya at napatingin sa kanya pero mukhang seryoso nga ang sinabi nya hindi ko alam pero natahimik ako sa sinabi nya.
"Hindi."
Hindi ko alam pero yun ang pumasok sa utak ko pero ang puso ko na nagwawala na sa kaba at t***k na ito na akala mo nag proprotesta sa sagot ko!
"Bakit?"
"Seryoso kailan may paliwanag."
Inirapan nya nman ako doon at nag kabit balikat nalang.
Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko!
"Dahil kahit ganun nga ang mangyari wala pa rin akong magagawa dahil pinan parin ang alam ng lahat pati na rin ang pamilya natin at isang malaking pagkakamali kong ipagpapatuloy iyon el."
Tumango naman sya dahil doon at pumalakpak sakin.
"Pero sabagay tama ka! Pero sayang ikaw ang masasaktan ng tudo kapag nagkataon nga dahil pagpaparaya ka at hahayaan mo na masaktan ko maging masaya lang sila pero pano ka?"
"Hindi ako ang matinding masasaktan kayo yun lahat tayo."
Tumango nalang sya pero napupula na ang mata nya pero pinigilan nya kahit kaunti nalang maiiyak na sya.
"Pero hindi iyon mangyayari at ikaw ang masasaktan ng matindi."
Hindi nalang ako nagsalita doon
"Bakit kasi sya ang bobo mo naman! Magpapamahal ka sa ka dugo pa."
"Mahal daw-"
"Eh ano anong tingin mo dyan sa nararamdaman mo levi iba na yan! Ibang iba na nasasaktan ka na ng subra."
Tumingin nalang ako sa paligid at linibang ang sarili ko!
"Hindi na yan basta basta! Dapat enjoy mo ang sarili mo pero nyang pinag dadaanan mo hindi na normal parin sa mga katulad natin! Kakaiba ka."
Putak na putak nya sa gilid ko umiling nalang ako dahil wala akong masabi kahit anong utak mo sa klase kapag ganitong usapan mananahimik ka nalang talaga!
Sa daming napag daan kong sakit noon pa man nasanay na din ako.
Ang pag aaway ng magulang ko noon sa harap ko kung pano magsagotan ng masamang salita si mama at papa hanggang nauwi sa hiwalayan bata pa ako noon pero pasan ko na lahat.
Kapag away ng magulang ang na aapektohan ang anak bata pa noon ang kapatid ko at bata pa din ako pero ang utak ko noon hindi na katulad ng ordinaryong mga bata na ka edad ko dapat ang ginagawa ko noon.
Maglaro at nakisama sa mga ka edad ko pero hindi nasa bahay at narinig at umiyak dahil sa away ng aking mga magulang.
Anim na taong gulang ako ng nag makaawa ako kay mama na wag kaming iwan at kay papa na wag silang mag hiwalay at ang pag habol ko sa nanay kong dala ang mga bag paalis kung pano ako nadapa para lang habulin sya at isama ako at wag kaming iwan ng kapatid ko pero wala ,si papa na umuwi sa magulang nya at hinayaan kami si lola ang pimigil sakin sa pag habol kay mama.
Lahat ng pangungutya ay napunta sakin ang pag tawag sakin na sa ibang lalaki akong anak ni mama kaya nag hiwalayan sila.
Sa murang edad namulat ako na lahat ng pasakit na nadulot ng paghiwalay ng mga magulang ko napunta sakin.
Pasan ko lahat bawat paggising ko sinisisi ko ang sarili ko at tinatanong ko kung bakit ganun nalang ka dali na iwan kami ng mga magulang namin
Minsan iniisip ko mahal ba kami ng magulang namin!
Pero pinagpatuloy ko I always cheer up myself na kung hindi kami Mahal ng magulang namin mabubuhay ba kami!
Pero bakit kami iniwan! nagiging matatag ako sa mga sakit na to hindi ko kayang magsalita at I share ang buhay ko kahit kanino.
Kapag usapang pamilya may kirot kaya mas pinipilit kong manahimik nalang!
Kapag tinatanong kong nasaan ang mama mo o papa mo hindi ko alam ang isasagot ko kaya bago makasagot malakas na kalabog muna ng dibdib dahil sa kaba.
Tanging sagot ko lang lalo po ang ang guardian ko! Busy sila!
Hindi ko masasabi sabi kaagad dahil kapag sinabi ko at kahit umiyak ako sa harap nila iniisip kong baka nag dradrama lang ako sa paningin ng iba!
At baka masira pa lalo ang reputasyon ng pamilya ko at ng magulang ko na baka masabi pa pa na naging pabaya silang magulang pero para sakin nag kulang lang!
Sa subrang sanay ko sa sakit wala na akong nararamdaman at mamanhid nalang ako!
O kaya ngumiti at buntong hininga nalang ang nasasagot ko d naman mas magandang manahimik nalang!
Kanina pa ako nakatulala sa aming sala.
"Apo ayus ka lang ba?"
Nakanguso naman akong bumaling kay lola. Hinaplos nya muna ang aking buhok baka maupo sa aking tabi hindi ako nag alinlangan na gawing unan ang kanyang hita.
"La may itatanong lang po ako?"
Kumunot naman ang noo nya pero tumango din at nakadungaw sakin.
"Ahm-" simula ko pero subrang lakas ng aking kaba kahit wala pa akong nasasabi at nag dadalawang isipin akong magtanong baka kasi anong isipin nya pero kilala ko naman si lola pero kinakabahan parin ako.
"Nararamdaman nyo na din po ba yung subrang lakas po ng pintig ng puso nyo parang hindi na po normal ang pagtibok nito,tapos po kahit walang ginagawa sayo ang isang tao pero naiinis ka at kinakabahan ka parang natatakot ka po."
Napangiti naman sya sa aking tanong kaya lalo lang akong kinabahan at nahihiya kay lola.
"Oo naman haha!Dito mo malalaman ang salitang baka hindi na ako normal ? Naku nagsisimula na huh! Makinig ka ng mabuti apo."
Tumango naman ako sa kanyang sinabi pero hindi parin mawala ang hiya sa aking sarili pero nakaka gaan din ng loob kung kahit kay lola ko mailalabas ko ang aking mga saloobin.
"Lahat naman nararamdaman nyan pero alam mo yang nararamdaman mong takot at kaba dito masusubok kong matatag ka ba talaga at kapag nararamdaman mo ito kahit anong pilit mong kontrolon at kalabanin wala kang magagawa dahil ito ang gusto ng buong mong katawan dahil kapag pinipigilan mo at sinasabi mo parati sa iyong sarali na wala lang to pero ang katawan mo na mismo ang nagsabi na kailan kong harapin ito."
"Pano po kung natatakot ka at parang hindi mo po kayang harapin yun ipagpapatuloy nyo parin mo ba."
Tumango naman sya doon at ngumiti muna sakin kaya napakagat ako ng labi.
"Kailan mong harapin ang takot na yan at ipagpatuloy dahil kahit sarili mo linuluko mo! Pero hindi natin kailan pagpadalos dalos hayaan natin ito ang raramdaman na kana, takot, at saya harapin mo pero hindi lahat yan lang ang mararamdamam mo dahil darating ang sakit na dulot ng lahat na ito at ito ang matinding kalaban mo."
Kahit medyo naguguluhan ako tumango nalang ako sa tugon nya pero nginisihan nya lang ako.
"Hindi mo naman kailan magmadali dahil darating ang araw lahat ng iyan ay mauunawan mo pero sa ngayon wag mong pigilan dahil pangit tingnan dahil pati sarili mo kalaban mo."
"Hmm- pano po kung pigilan ko ang raramdaman at wag harapin ito at hintayin na nalang na mawala ito."
"Sakit lang ang mararamdamam mo."
Ngumiti ako ng kaunti pero may pait sa aking mukha dahil may parte sakin ang may kirot sa sinabi ni lola.
Tulala ako at tumingin sa mga mata ni lola habang abala sa aking buhok, nakikita kong lahat ng sinabi nya doon may nararamdaman akong may sakit ang bawat salita nya kahit hindi nakiita sa kanyang pananalita at mukha pero kapag tumingin ka sa kanyang mga mata doon mo makikita ang lahat ng emosyon na hindi mo akalain sa kanya!
"Wag mong pigilan dahil matinding sakit lang,kung pati sarili mo kinakalaban mo matatalo ka lang."
Buntong hininga nalang ang ginawad ko sa sinabi ni lola dahil wala akong masabi at ang bigat ng aking dibdib.
"Pano po kung kailan mong pigilan ang nararamdaman na iyon dahil mali po ito."
"Ikaw parin ang may desisyon! Alam mo na ang tama at mali, kung alam mong mali wag mo ng piliting itama, at kung tama naman bakit mo pipilitin na mali! Sa madaling sabihin kahit anong tama pa o mali ang iyong gagawin kung ang damdam ang mag desisyon wala kang magagawa kahit alam mong mali gagawin mo paring tama kahit mali ginawa mong tama dahil ikakasaya ng iyong buong kalooban at lalo na iyong kagustuhan."
Hindi ko alam pero kahit naguguluhan ako at nanahimik upang lahat ng sinabing kataga ni lola.
Tama naman sya kahit alam kong mali pero ang raramdaman ko wala parin tigil at gustong itama kahit alam ko na sa aking sarili na mali talaga.
Kahit mali pero nagpapatuloy parin kahit anong gawin magtatama ang mali gumagawa parin ako ng paraan at pag iisip na itama ang lahat ng mali.
Iniwan ako ni lola pero tumititig mun sya sakin at umiling pero may ngisi sa labi.
"Kung alam mong masaya ka at hindi ka napanatag ipagpatuloy mo kahit mali o tama dahil kailan din nating maging madamot kung kinakailangan para lang maging masaya tayo pero walang naaapakan na tao.Dahil kahit anong pigil mo sa iyong mararamdamam sarili mo mismo ang sanasaktan"
Ngumiti nalang ako ng tipid sa sinabi ni lola at yinakap ang aking tuhod at tumingin sa malaking salamin sa aming sala.
Lahat ng sinabi nya lahat iyon may bigat sa aking nararamdaman dahil lahat ng sinabi nya na parang may malaking akong kasalan sa lahat ng nandito sa aming pamilya.
Magagawa ko bang maging selfish para lang maging masaya ang aking buhay o pipiliting kalaban ang sariling kasiyahan para lang sa kapakanan ng iba.
Pero alam kung pati sa aking sarili hindi ko kayang pigilan dahil sabi ka ni lola kahit anong pigil lalong lumalala lang at walang ka talagang magagawa.
"Bakit apo may nagpapakaba na ba sayo?"
Napatol naman ako dahil sa biglaang pag hawak ni lola sa aking balikat sa likod kaya naka awang ang aking mga labi dahil sa gulat sa pagsulpot nya bigla.
Sumama naman ang aking mukha dahil nakangising aso sya sakin na akala mo tuwang tuwa sya aking reaksyon pero umiling nalang dahil nakita nya ata na wala akong balak na sumagot sa tanong nya dahil napipi ata ako dahil sa kabang nararamdaman.
"Hahaha o sya sige! Hintayin ko nalang na sabihin mo sakin kung may natitpuhan ka na at kung sino man yang nagpapakaba sa aking apo."
"Bakit ko naman po sasabihin sainyo."
Inismiran nya naman ako kaya napahalakhak ako ng mahina.
"Dapat lang sabihin mo sakin dahil kung hindi mag papaimbestiga ako walang kang magagawa."
Umirap nalang ako dahil kaya natawa naman sya ng mahina.
"Ang tsismosa nyo la."
Sinamaan nya naman ako ng tingin kaya ngumisi nalang ako at umiling sakanya.
Tinuro nya pa ako ng kanyang darili at binigyan ako ng tingin na akala mo binabalaan ako kaya umiling nalang ako doon.
Pagkatapos ng aming hapunan hindi ako lumabas pa ng bahay at nanatili nalang sa bahay at nagbasa ng libro na binigay ni el sa akin kapahon dahil binili nya daw ito sa bookstore kahapon kaya naisipan nyang bilihan ako.
Umupo ako sa aking kama at kinunotan ang aking paa hanggang hita.
Forbidden Love
Kumunot naman ang noo ko dahil doon.
Title palang nakakainis na bakit heto pa ang binigay nyang libro nakakaisulto lang.
Hindi ko nalang binasa at linapag nalang sa aking study table at naghanap nalang ng bagong bagong mababasa.
"Basahin mo yan para inspiration ka."
Ngumiwi nalang ako sinabayan ng irap ang sinabi ng aking pinsan na si el sa librong binigay nya sakin.
Inspiration daw eh sakit lang ang dulot sakin yan eh! Pinagmumukha sakin na mali talaga!
At lalong lang bumigat ang aking dibdib dahil sa title palang.
"Ano nabasa mo."
Bungad agad sakin ni el paglabas ko ng aking kwarto, ang aga naman nito dito yan mag aalmusal kaya ganun.
Linagpasan ko lang sya kaya dali dali naman syang sumunod sakin.
"Basahin mo na para may alam ka diba para mabuhay ka."
Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang sa paglakad pababa. Alam kung nakatingin sya sakin at naka Cross arm ang mga kamay sa kanyang dibdib.
"Basta basahin mo yun! Ang ganda ng story."
"Among maganda doon title palang parang ang pangit na ng ending."
"Hahahah isus bitter ka lang basta kapag binasa mo malalaman mo."
"Happy ending ba yan o tragic story."
Umiling naman sya at tinuro pa ako.
"Basahin mo nalang ayaw kong mag spoiled pero maraming silang pinagdaan at-ay basta magbasa ka?"
Umirap nalang ako dahil nagsimula na syang kumain kaya wala na akong nagawa kundi kumain nalang kahit ang sama ng loob ko hindi ko alam dahil ba sa hindi ko pa alam ang magiging ending ng storyang iyong.
Sinasabi nya lang na maganda pero hindi naman talaga tapos ano napatay ang bida o kaya ang leading man dahil hindi mali ang kanilang magpapamahal.
At umiyak lang si girl dahil hindi nya na nakasama ang Mahal nya o kaya naman si boy dahil hindi talaga sila para sa isa't isa tapos magugulat ka nalang na may sakit pala si girl or si boy kaya kahit mali pinagpatuloy nila ang kanilang magmamahal.
Pero hindi ko naman malalaman kung hindi ko susubukan diba!
Patango tango naman ako habang kumakain ng bumaling ako kay el nakita kong naka kunot noo syang nakatingin sakin kaya tinaas ko sya ng isang kilay.
"Basahin mo yun judgemental nito."
Umirap nalang ako dahil doon at kumain nalang.
Ngayun lang ulit nag almusal ang babaeng ito sa bahay.
Wala nanaman ata ang kanyang mga magulang sa kanila at ayaw magpaluto sa kanilang kasambahay dahil ayaw nya naman na mag isang kumain sa hapag na mag isa lang sya.
Kaya laging pumupunta sa aming bahay pero ayus lang din iyon dahil gusto ko naman na nandito sya.
"Kahapon hinahanap ka ni ry sa grupo wala ka eh."
Ngumisi pa sya sakin pero seryoso lang ako pero kinakabahan ako.bakit?
"Bakit daw ako hinahanap."
Nag kibit balikat naman sya doon.
"Tanungin mo sya para sigurado ka."
Walang kwenta talaga nitong kausapan.
"Basta tinanong nya lang bigla kahapon sakin pero nagtanong din sila nash baka kasi mag overthink ka! Maraming nag hanap sayo kahapon hindi lang sya."
"Tsk!"
Yun lang sinabi ko sa kanya dahil ang mukha nya na akala mong nang pipikon lalo na sa mananalita nya walang naman akong sinabi na nag ooverthink ako. Papunta palang doon!
"Sasama ka ba samin mamaya liligo kami sa dagat."
Nagkibit balikat naman ako pero umiling nalang dahil ayaw kong sumama nakaupo kaming dalawa sa sofa.
"Ang boring ng buhay mo lagi kang nakatambay sa buhay mukha ka ng pintura."
Hindi nalang ako umimik.
"Basta wag kang mag alaala update kita mamaya pagkauwi ko tungkol sa ligo naman o kay tungkol kay ry wag ka ng mahiya ako lang to."
Ngumisi nalang ako dahil sa itsyura nya at nag clip hair pa sakin.
"Kala ko aalis kana."
Bintatukan nya naman ako doon at sinamaan ako ng tingin.
"Pinapaalis mo na talaga ako noh! Sama ng ugali mo! Sige na hindi ka na makaka move on bwesit ka."
Ngumisi nalang ako at inirap nya ako pero ngumiti din kalaunan at kumaway na at kinuha ang maliit na bagpack na may laman atang damit nya o ano man.
"Bye kita nalang mamaya! Dito ako mag sleep over huh!"
Tumango nalang ako at umalis sya kaya nagpagpasyahan kong umakyat sa loob ng aking kwarto dahil wala na naman akong gagawin pati ako lang ang tao sa bahay wala din ang mga kaptid ko dahil kasama ni lola sa bayan.
Nakita ko ang librong binigay ni el sakin lalagpasan ko sana at kukunin ang binasa ka gabi pero hindi ko alam pero yun ang pumasok sa isip ko at yun ang gustong kong basahin kaya iyon ang dinampot ko at bahala na.
Babasahin ko lang naman!
Wala naman mawawala eh!
Dumapa ako sa aking kama at kinuha ang aking salamin sa mata upang umpisan na ang gusto ng aking isip kahit ang puso ko kinakabahan kahit alam kung magbabasa lang ako na akala mo malaking pagsubok na ang ginagawa ko!
Forbidden Love?