Chapter 10

2088 Words
Nagising ako at kinusot ang aking mata at minulat ng kakaunti pero ng makita ko ang aking kwarto medyo madilim pa ito at tanging lam shade lang ang ilaw kaya tumingin ako sa gilid ng aking kwarto at natamaan ko ang bintana doon na nakaharang ang kurtina kaya tumayo ako at naglakad pa punta doon at binuksan ito. Madilim pa kung sa tansya ko mga alas tres palang pero ako heto mulat na mulat na kaya bumalik nalang ko sa aking kwarto at humiga doon at tumingin nalang sa kisame pinilit kong pumikit pero hindi ako makatulog kaya tumayo ako at pupunta sa sofang pang-isahan at doon naupo at tinaas ang aking mga paa at tumingin sa bintana upang tumingin sa mga ulap na medyo madilim pa at mga bitiwin pa. Hindi nya ako pinansin maghapon at kinausap ko sya pero ang tipid ng sagot nya at tumingin lang sakanya habang pauwi kami kahapon. Bumalik na naman ata kami sa dati yung parang hindi namin kilala ang isa't isa diba heto ang gusto ko para bumalik ang buhay ko sa normal para hindi na ganun ang nararamdaman ko pero bakit parang nagsisi ako at nasasaktan ako sa ganun. Bakit ako nasasaktan kong may kasama syang iba bakit parang pinipiga ako lalo na sa tingin nya sa tingin nyang lalo nagpapalakas ng nararamdaman ko at dahil doon lalo lang akong nasasaktan at nangamgamba na parang may magagawa akong matinding kasalanan. Hindi ko namamalay na tumutulo na pala ang mga butil ng luha sa aking pisngi at ngayun ko lang naramdaman ito ng bumababa na ito sa aking baba. Ngumiwi ako doon at pinunas ang aking luha at ang magbabanyang luha nanaman pati luha ko ang babaw kaunti ganun lang dumadaos na at ang t***k ng puso ko na nakikisama pa sa nararamdaman ko. Subrang bigat! Umiling ako at yinakap ang tuhod ko at pinatong ang aking baba sa aking tuhod. Malamig na hangin ang sumalubong sakin kaya pumikit ako at dinama ito kahit medyo malamig at tumaas ang aking balahibo na maninipis na nakikisama sa aking pakikiramdam ngayun gabing ito. Bumalik ako sa aking kama at kinomatan ang aking sarili at tumingin ulit sa kisame. Pero sa iba ang saya saya nya at nakikibagay sya ako dumikit lang ng kaunti parang naiirita na sya at tumatayo at pupunta sa pwesto nila nash at makikiusap sa kanina. Umiyak ako sa hindi ko maintindihang nararamdaman at dahilan! Saksi ang aking kwarto kung pano umiyak at kapait ang dulot ng buhay ko noon pa umiiyak ako dahil sa aking mga magulang ngayun iba na ang nararamdaman ko at kakaiba ito dahil ito ang pinakamasakit sa lahat dahil pati buhay ko at kaluluwa ko ay nakisama sa dalamhati ng puso ko. Dumadaos ang mga luha ko sa aking unan pero walang hikbi at tumutulo lang ito mag-isa, tumagilid ako at pinikit ang aking mata na may luha pa. Nagising nalang ako dahil sa tunog ng alarm clock hindi ko pala namalayan na nakatulog ako kanina bumangon nalang ako at pumasok sa banyo na nakayuko at nakabagsak ang aking mga balikat. "Puyat na puyat ako." Sambit ko sa aking sarili sa harap ng salamin habang hinahaplos ang aking mata na pagod kaninang hating gabi.kahit sa paggising mo yung bigat na nararamdaman mo nandito parin. "Buti naman at gising kana apo hindi na kita ginising dahil ang himbing ng iyong tulog at mukhang pagod na pagod ka! Mag-almusal kana." Bungad sakin ni lola pagkababa ko tumango nalang ako at naupo na sa upuan kaharap ang mga pagkain na nakalatag. "Anong oras na po la." Matamlay kong tugon kay lola hininto naman ni lola ang pagsalin ng sabaw sa mangkok at bumaling sakin. "6:12 na apo bakit late ka ba!Akala ko alas syite pa ang pasok nyo ngayon." Sambit nya umiling naman ako doon. "Hindi po." Sambit ko at kumain nalang at tumingin nalang sa kawalan. "Tumawag ang iyong mama uuwi daw sila sa bakasyon." Sambit ni lola sa aking harap dahil linatag nya ang mangkok na may laman na sinigang. Ngumiti nalang ako ng tipid at yumuko at tumingin nalang sa aking pagkain ng nakalatag sa aking mesa. "Mauna na po ako la." Sambit ko tumango nalang sya at tumingin mun sakin ng matagal pero hindi na sya nagtanong pa kaya umalis nalang ako. "Kumusta ka dyan ma." Sambit ko ilang taon na din simula ng umalis si mama at iniwan kami dito kay lola. "Ayus lang ako dito nak." Sambit ni mama, grade 4 na ngayun iniwan ako ni mama grade 1 simula ng umalis sya hindi parin sya bumalik dito. "Kailan ang uwi nyo dito ma." Tanong ko habang ang cellphone ay nasa tainga ang tagal nya bago sumagot. "Baka sa bakasyon nyo anak." Sambit nya ngumiti naman ako doon dahil uuwi sya malapit na ang bakasyon kaya kaunti nalang uuwi na si mama. "Sige po hihintayin ka namin." Sambit ko at binigay kay lola ang cellphone para sumama na sa mga pinsan ko. Pero dumating ang bakasyon sa sinabi nilang date na uuwi sya. "Lola bakit wala parin si mama." Tanong ko sakanya dahil maaga akong nagising dahil palagi akong naghihintay kay mama "Baka bukas iha, baka may ginagawa pa." Sambit nya tumango nalang ako at kumain nalang at pumunta sa aking kubo at tumingin sa kawalan habang nakayakap ang aking tuhod. "Iha kausapin ka ni mama mo, hindi muna daw sya makakauwi apo dahil may ginagawa sya." Sigaw ni lola sa pinto ng aming bahay humarap nalang ako at tumango sa kanya tinaas nya ang cellphone pero umiling ako at umiwas nalang at tumingin nalang sa kawalan. Hindi ko namamalay na tumutulo na aking mga luha at mahinang hikbi kasabay ng mahangin na kapaligiran. "Hihintayin parin kita mama." Sambit ko sa aking sarili at pinunas ang aking luha na kakalat sa aking pisngi "Levi doon tayo kila tine." Sigaw ni el sa hindi kalayuan tumango nalang ako at tumayo at pinagpag aking pwetan dahil sa magkakaupo."kailan daw uwi ni tita." Bungad nya saakin pagkalapit ngumiti nalang ako ng kaunti at inipit nalang ang aking buhok. "Hindi na naman sya uuwi next year naman daw." Sambit ko nakita ko naman na nag iba ang kanyang nukha at kita kita ko na naaawa sya sakin yayakapin nya sana ako pero hinampas ko sya at natawa ako. "Kailan na naman." Sambit nya habang nag lalakad kami patungo sa bahay nila tine.Bakitbalikat nalang ako "Kahit ilang taon pa si mama yun eh." Sambit ko tumango nalang sya at inakbayan ako." Sanay na ako sa pangako ni mama alam kong uuwi din sya samin, Maghihintay ako" Sambit ko "Levi." Sigaw ni el sa may bakuran tumango ako sakanya at lumapit. "Papasok kana." Sambit ko tumango naman sya doon naka white t-shirt at jeans na itim lang sya at naka puting sneakers. "Oo laro nila nash ngayon eh." Sambit nya tumango naman ako doon."Sabay kana sakin nauna na sila tine eh." Sambit nya Tumango nalang ako ulit doon dahil alam ko naman na mauuna na sila dahil huling araw na din naman ng intrams final ng basketball game hindi ako nanood kahapon dahil binabad ko ang pakikipag usapan sa mga kaklase ko at hindi na ako sumama kila tina at zoe at sa iba pa naming kasamahan dahil ayaw kong manood ng basketball nila dahil hindi ako komportable. Umiwas ako dahil wala akong gana doon.hindi nya ako pinansin eh! It was only when I went down to school that the noise immediately greeted us even though we were still outside the school. shouting and the others we meet were carrying more banners. That's how ang mukha kong hindi na maintindihan ang reaksyon right now when I saw the name of the man ry engraved on it and he even had a picture of him playing basketball yesterday. "Tara na." Tumango nalang ako at sumama kay el sa paglalakad nauna naman ang grupo ng babae na may dalang banner. When we entered the gate, there were many students scattered everywhere in the school group, some alone even though someone was still chasing them or they were still tempting. Anong gagawin ko wala na naman akong sinalihan? "Ayus ka lang kanina ka pa tingin ng tingin sa papel na hawak ng mga babe kanina eh." "Wala lang may tinitigan lang ako doon." Tumango naman sya sa sinabi ko doon naglakad nalang kami ulit. "Parang gusto mo ng sirain eh? O kaya sugurin." "Tsk! Pinagsasabi mo." Sambit ko napairap nalang sya doon at natawa sa aking reaksyon. "Manood na tayo ng basketball nila ah." Tumango nalang ako sa sinabi nya dahil wala naman akong magagawa dahil boring! Pati mahilig naman akong manood ng basketball eh kapag nanood kami ng tv ng mga tito ko nag babangay pa kami dahil sino ang mananalo minsan kami ni tv dahil sa pba ay ang idol nya at san Miguel ako naman ginebra at sa Nba sya ay golden states ako naman at si tito michael ay lakers kasi kay kobe bryant kami at minsan namin nagiging traydor ako kasi idol ko din so stephen curry at si durant. Kapag pustahan na hindi ako makikipusta minsan kong sino na ang maraming score doon ako boboto kapag tambak na ang idol ko nagiging traydor tuloy ako at sa kalaban ako minsan nakampi. Minsan subrang laki naman ng kaba ko kapag natatalo na at ipapa shoot ba ang bola sa three points at kapag na shoot bigla akong tatayo at palalakpak na akala mo ako ang naka shoot non dahil proud na proud ako. Bonding namin iyon ng aking mga tito at kaptid na lalaki! Naka cross arms ako habang naglalakad kami at patungo kami sa classroom ata nila nash o kaya ni angelo na pinsan nila nash sa mother side grade 10 na iyon at doon ata ang mga basketball ball player dahil nagtanaw ko ang isang player na nakadungaw sa pinto ng classroom. Madami naman na babaeng nakatambay sa labas ng classroom na iyon na akala mo may artista na. Ganun nalang ang irap ko ng makita ng mga mata ko ang babaeng na si chantal ng dahil lang doon na nakita ko silang magkasama lagi na akong naiirita sa kanya at ang init ng dugo ko dito minsan nman nalulungkot ako kaya nasasaktan ng hindi ko alam ang pakiramdam ko. Para akong lalagnatin! "Ayiee si veronica crush si nathan yung sa kabilang section?" Yan agad ang nagbungad sakin pagpasok ko sa loob ng room. "Hoy parang mga tanga eh?" Mahinang tugon ni Veronica pero rinig naman namin. Nakita ko naman yung sinasabi nilang nathan na nandoon sa table ni ma'am kausapan ang aming guro. "Nathan baka naman daw crushback daw sabi ni veroni-" "Hoy ano ba mga pa-papansin?" Veronica. Natawa nalang ako ng tumingin ako sa babae na pinaghahampas na yung braso ng kaibigan nya. "Buo na ang araw mo ayieee hahahahaha?" "Sana all napapansin ni crush?" "Nathan baka naman isang hi dyan kay Veronica?" "H-hi Veronica?" Sabay ngiti nya at kinamot ang batok. Dumapo naman ang mata ko kay Veronica hindi ko maiwasan na kiligin sa dalawa. Nakita ko kung pano napasimangot ang babae at natawa din pero patago. "Putangina nabuhay ako para kiligin nalang sa iba?" Sigaw ni clara. Natawa nalang din ako dahil sa mga sigawan nila at panunukso Kay veronica na ngayon ay pulang pula na. "Na-nakakahiya puta?" Angot nya at tinakip ang hawak nyang notebook sa mukha. Umiling nalang ako at ngumisi sa kanila. Natawa parin ako dahil tumingin ang lalaki sa gawi namin kaya napatingin ako kay veronica pero umiwas sya ng tingin at kunyari nagbabasa kaya napahalakhak ako doon. "Shota pinansin ako?" Ani nya ng umalis ang lalaki. Kaya napatawa kaming lahat at tinukso naman sya nila clara at ng iba pa naming kaklase. "Pa seminar naman ng prayer reveal veronica bhe?" Sigaw ni Fiona. "Ayieee?" Faith at kinurot ang tagiliran ni Veronica. "Itong si veronica kaya pala sa si nathan pala ang gusto eh?" Ani ni ma'am. Natawa naman kami doon at napabaling lahat Kay veronica,natawa nalang din si ma'am ng ngumiwi sya. Ang pula mo be? Kami lang ang nakakaalam sa crush nya pero hindi ko alam kung bakit naging kalat sa buong room. "I-ikaw kasi Clara eh! Nakakahiya tuloy,alam nya na?" Angot ni veronica kaya napangisi naman kami doon. "Isus gusto din naman nya ayieee hahahaha?" Faith. "Sana all talaga pinansin ako tulo laway parin ako sa crush ko eh?" Faith. "Sana all sa kabilang section lang?" Clara. "Bakit ikaw?" Veronica "Senior high lang?" Clara. Natawa naman kami dahil sa mayabang nyang tugon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD