Chapter 12

3119 Words
" Nasa burdeos daw ngayon sila chantal." Sambit ni tine habang naka higa sa mahabang sofa sa bahay nila ako sa pang isahan lang at ganun na din si tine sa gitna namin ang medyo malaking table glass sa bahay nila. "Saan mo naman iyan nabalitan." Tine sabay kain ng pop corn. "Malamang duh! Ako pa ba." Sabay irap nito. "Mapaka tsismosa mo! Kapatid ba talaga kita?" Sambit nya at sabay umilag dahil binato sya ng unan ng kaptid nya. "Mag burdeos din tay-" "-Gaga wala na tayong pera." Parehas nalang umirap ang dalawang kasama ko nanahimik nalang ako at nag isip doon pala cenelebrate ang pagkapanalo ng kanilang team. Maganda doon sa burdeos isa itong paraiso at ito ang pinakamagandang destination sa dito sa quezon maganda ang tubig at ang white sand ang ipagmamalaki lalo na ang nag gagandahang rock formation, their have a amazing caves while I'm just 9 years old noong nakapunta ako doon nag bakasyon kami nila lola at ng mga tito ko. "Nakakamis mag relax sa beach." Tumango nman kaming dalawa ni tine sa sinabi ni tina ng magkatitigan kaming tatlo natawa nalang kami dahil pareho kaming ng gusto at para kaming mga baliw na naghahangad. Malaki ang quezon at maraming beaches na pupuntahan pero kailan talaga ng pera may sasakyan nga wala nman mag didrive at wala kaming pera kahit allowance at worst pa dun hindi kami papayagan. "Buti pa sila nash at ry ang mga tukmol nandon." Tina habang nakatingin sa kisame. Umirap naman ako sa kawalan dahil doon tsk! Kinakati tuloy akong pumunta doon at makita kong ano ang ginagawa nila. Mukhang mag eenjoy yun dahil nandun ang babae nya. Meron lang akong 499 na pera hindi iyon sasapat saming apat kasama na iyon si el. "Nasaan nga pala si el." Tanong ko bigla. "Ewan ko! Baka nasa galaan naman iyon meron daw iyong natitipuhan sa kabilang barangay." Tina Kahit saan naman ata may natitipuhan iyon lalo na kapag gwapo mababali na ang leeg nun-kami din pala. Ganun nalang ang gulat namin ng tumunog ang telepono nila kaya dali daling tumayo si tine at kinuha ang telepono. "Oh!" Kumunot naman ang noo ko dahil doon dahil sa paraan ng pagsagot nya. "El-putang-ina saan ka." Dali dali naman na pabangon si tina at ako naman ay kumaripas upang pumunta sa pwesto ni tine. At dinikit namin ang aming tianga sa telephone na hawak nya. "I'm here in barangay Poblacion." "What-ang layo mo!Bakit?" Tina "Nothing I want just tsismis ba." El Napairap nalang kami dahil doon dahil nasa burdeos sya pero sa barangay Poblacion sya pumunta. "Oh ano nakita mo sila." Tina "What! Sino mga kasama mo dyan." Tine Humalakhak naman ang babae sa telepeno. "Yeah! Nakita ko but hindi nila ako nakita don't worry." El "Pero bakit nandyan ka." Tine Napa tss nalang ang babae sa telepeno at huminga ng malalim. "Pauwi na rin ako." El Napa buntong hininga nalang kami dahil sa sinabi nya. Anong kaya ang ginagawa ni el doon sa burdeos at sa Bry. Poblacion pa talaga na pili nyang huminto at pumunta. "Pauwi na daw sya." Tanging sambit ni tine at binaba na ang telepono at bumalik nalang ulit sa sofa kung saan sya nakaupo kanina. "Kahit saan nakakarating ang pinsan mong iyon levi." Umirap naman ako dun! "Pinsan mo din yun." Umiling nalang sya sa sinabi ko at tumango tango at ngisi sakin. Wala naman kaming naging usapan kaya mas piniling kong umuwi nalang sa bahay at doon mag isip isip. Pagka uwi ko wala man lang akong naabot mga tao dito at ako lang talagang mag-isa. Saan naman kaya mga iyon? Umupo nalang ako at binagsak ang sarili sa malaking sofa sa bahay namin at tumingin sa kisame ng bahay at kita kita ang chandelier ng bahay. "Liniligawan nya na ba yung chantal na iyon." Sambit ko sa aking sarili at bumuntong hininga nalang. Ano na kaya nangyari sakanila? Sila na malamang? Eh ano naman? Pinsan ko sya? Pinsan ko ba talaga sya? Pero bakit hindi ko nararamdaman? Kinabukasan maaga akong nagising dahil pasukan nanaman at puro klase na ang aatupagin namin ngayon. "Good morning levi." Bungad ni kiel pagkapasok ko ng room namin bumati din ako pabalik at ganun na din sa ibang kaklase na bumabati at ngumiti din ako pabalik. Lumingon ako sa upuan ni ry pero wala pa rin sya maaga ako kasi ako dahil kailan kong ipasa ang naging attendance noong itrams dalawang linggo na nakalipas pero hindi ko parin naiipasa kasi inayos ko po dahil noong binalik sakin ang attendance mukha ng basura dahil sa gusot ng mga iyon! "May baon ka." Magkalabas ko palang ng room yan na agad binungad sakin ni el kaming dalawa lang kasi dahil hindi pumasok ang pagkapatid lalo na ang lalaki na si ry kaya tudo abang ako kanina sa pinto pero wala naman dumating ang dapat kong asahan. Hindi ko na alam kung bakit ganito na ang nararamdaman ko lalong lumalala ang sitwasyon ko! "Hoy! Kumain kana tulala ka dyan." Sambit ni el pumitik pa sa hangin sa harap ko kaya napakurap ako. "Masama ba mag ka crush sa pinsan mo." Kita ko naman ang gulat sa mukha nya at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko kaya tumawa sya at hinampas ako ng kaunti. "Joke ba yan! Bentang benta sakin." Umirap nalang ako sa kanyang tugon kaya naging seryoso ang mukha nya at uminom ng juice at mabilisang linagok! "Puta!" Sambit nya at umayos ng upo at naging seryoso ang tingin sakin at sa aking mukha at iniiwas ko naman at aking tingin dahil naiilang ako kung pano sya tumititig sakin. "Ano." "Ser-yoso ka dyan!" Tumango naman ako dahil doon kaya napatakip naman sya ng palad nya sa kanyang bibig! "Wa-it lang!" Sambit nya ulit kaya umirap ulit ako dahil doon." Kingina mo seryoso nga! Pero bakit?Sino sa mga pinsan natin?baka naman ako cous naku hindi tayo talo pinsan na pinsan mo ako?" Diretsyong tanong nya at nauutal pa. Kinabahan naman ako dahil doon sa tanong nya kung sino? "Hindi ikaw! Hindi ko alam basta kinukumbinsi ko ang sarili ko na baka paghanga lang to kasi bata pa naman ako eh makakalimutan ko din to." Sambit ko tumango nalang sya at hinampas ang braso. "Pero sino?" Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako sumagot doon! Sa lahat ng pinsan ko si el lang ang naging pinaka close ko sa lahat lahat ng sekreto ko alam nya pero ito sya ulit ang pagkakatiwalaan ko dahil hindi ko na talaga kayang mag isa dahil sa kingina nararamdaman kong to! "Alam ko na! Don't tell me so ry to." Tinuro nya pa ako ng sabihin nya iyon wala akong nasagot at nayuko nalang at kaunti nalang maiiyak na ako dahil sa namumuong luha sa akin mata. "Hi-ndi ko alam eh! Basta ganun nalang bigla el." Nababasag kong boses na pagkasabi. "Sige sabihin mo lahat makikinig a-ko." Nasa labas kami ng room at sa likod ito sa tabi ng acacia at mga istudyante din dito pero malayo ang agwat nila samin dahil medyo tago ito. "Ba-ta palang ako nararamdaman ko na ito simula ng lumipat sya dito satin kaya ayaw kong lumapit sa kanya dahil hindi ako komportable noong unang kita palang namin-tapos kapag nandyan sya kinakabahan ako hindi ko alam kong takot ba iyon o ano pero habang tumatagal at ngayon nga mas lumalala ito kapag nakikita ko sya at kapag nakatingin sya at kapag kasama ko kayo feeling ko may malaking akong kasalanan sa inyo." Hindi ko alam kong pano ko nasabi ng lahat na iyon kahit nanginginig na ako sa harap nya at hindi na mapakali ang kamay ko dahil nangangatal na ako nakita ko din umiiyak na sya at nakikisama na sakin. "Umiiyak ako ng dahil sakanya dahil hindi ko maintindihan kong bakit ako nasasaktan kahit wala syang ginagawang masama sakin." Tuloy ko ulit. Mas malakas pa ang hikbi nya sakin dahil ako mahina lang at hinahayaan ko lang tumulo ang luha sakin mga mata pababa saakin pisngi. "Umiwas kana para maaga pa." Garalgal nyang tugon Yun lang sinabi nya sakin kahit kaunti lang iyon pero naintindihan ko kaagad ang pinaparating nya. Ako ang may kasalan nito! "Bumalik kana sa room mo sabay tayo uuwi." Yun lang sinabi nya at tumayo at basta lang linapag ang panyo sa aking hita at iniwan ako kahit nakita kong umiiyak parin sya. Sinundan ko sya ng tingin pero hindi man lang sya bumaling ulit sakin. Kaya lalo lang bumuhos ang luha ko dahil doon. Galit ba sya sakin? Kinamumuhian nya na ba ako kapag malaman ng lahat hindi lang ito ang aabotin ko? Marami akong masasaktan at madudurog lahat ng mahal ko sa buhay? Ayus lang kong pati si el iwasan ako dahil sinong tanga ang magpapamahal sa ka dugo nya diba! Kahit ganito palang ang edad ko pero kung mag isip ako daig ko pa ang maraming karanasan sa mga karelasyon. Hindi ko alam kong bakit ganito agad ang nasa isip ko! Dapat nag eenjoy ako sa aking buhay bilang bagong teenager bakit parang pasan ko lahat. Hindi ko ata kayang sumabay kay el dahil ako pati sa akin sarili nahihiya na ako pano ko sya haharapin na ngayon alam nya na may pagtingin at mag paghanga ako sa mismong dugo namin. Pano ko haharap ang mga pinsan ko at alam kong sa sarili ko na may nagawa akong mali. Pano kapag nalaman nila at sabihin ni el baka mag dirihan ako nila tine at mag bago ang pananaw nila pati na rin ng aming mga pamilya. Maraming madadamay kahit ako lang may kasalan! Umiwas ako para maaga pa! Hindi naman ito matutuloy pati bata pa ako baka naguguluhan lang ako. Mag iiba din ito dahil sakanya lang nakatuon ang isip ko pati bata pa ako. Sabi ni lola sa edad kong ito puppy love palang to at hindi pa ito ang tunay dahil nagbabago din habang tumatagal. Pumasok ako sa loob ng room na parang walang nangyari sakin at hindi man lang lumingon at diretsyo na upo lang. At tumingin sa bintana at tumingin nalang sa labas kong saan meron pang mga istudyanteng naglalakad at nagtatawanan at ang iba naman ay may kasamang nobyo sa edad na ito hindi pa ito ang totoo dahil magbabago pa dahil habang tumatagal marami kapang makakasama at makilala. "Tahimik mo ah." Kinalabit nalang ako ni kiel kaya ngumiti nalang ako ng kaunti at tumingin nalang ulit sa bintana pero alam kong nakatingin sya sakin dahil kita ko iyon sa gilid ng aking mata nakita ko naman na tumingin din sya sa tinitingnan ko at bumaling ulit sakin. "May problema ka ba ang lakas ng buntong hininga mo." Ngumiti nalang ako pero hindi nakatingin sakanya.malaking problema ata ito dahil buong katawan ko sakop ang sakit na nararamdaman ko! "Nakita ko kanina yung isa mong pinsan pulang pula ang mata nya at kitang galing sya sa pag-iyak." Bumaling nalang ako sakanya dahil doon at bumuntong hininga nalang. "Nag away kayo." Sa tanong nyang iyon hindi ko mapigilan ang mamumuo ng aking luha sa akin mata kaunti nalang titulo na ito pero pinipigilan ko. At umiling nalang sa kanya. Dapat akin lang to pero nadamay ko pa si el! Nakita nya ata na hindi ako sasagot sa mga tanong nya kaya tumango nalang sya at tumingin sakin pero alam kong gusto nya pang magsalita pero pinipigilan nya na. At tinapik ang balikat ko at pumunta sa aking likod sa kanyang upuan. Doon palang pumatak ang butil ng luha sa aking mata kaya yumuko ako at pinilit kong wag humikbi at ginagat nalang ang aking labi upang pigilan ng maayos ito. Bakit ganito! Hindi ko na alam? Parang mawawasak ako anong mang oras at mababasag ang iniingat ko sa aking loob pero pinipigilan ko kaya lalo lang bumibigat at sumasakit ito. Hindi na normal to! Bakit babalik pa ba ako sa dati! Lumalala ang lahat! Lalong bumibigat hindi ko na kayang dalhin kaunti nalang susuko na ako! Gusto ko ng makakapitan! Wala ako sa aking sarili kahit pagkalabas ko ng room namin para akong pinagbaksakan ng langit at lupa at pasan lahat ng problema sa mundo dahil sa sitwasyon ko! Daig ko pa ang mamatay? Nakita kong lumabas si el sa room nya kaya hindi ako mapakali at aatras na sana at mauuna na pero nakita nya ako at malamig nya lang akong tiningnan at diretsyo ang tingin sakin at hindi pinansin ang mga bumabati sakanya at nakatingin lang sakin walang bakas na reaksyon ang pinapakita nya kaya yumuko nalang ako at pinagkaabalahan ang kuku ko at kinakagat ito dahil sa kaba ko! "Tara na." Yun lang ang sinabi nya at nauna lays sumunod nalang ako sakanya nakita kong tumingin sys sakin at hinintay ako at ng pakarating ako sakanya isang malakas na buntong hininga na ang pinakawalan nya at tumingin lang sakin at inangat ko din ang paningin ko sakanya at nakita ko sa mukha nya at sa mata na napupula nanaman ito at suminghot pa pero walang luha na tumulo man lang at umiwas sakin kita kita ko din sa mata na napupula na iyon at pati na rin ang mukha nya. Umiwas nalang ako dahil ganun na din ako sakanya at pinigilan pa lalo ang sarili kong umiyak sa harap nya. Dapat hindi ko na sys dinamay pa! "Mag o overnight tayo sa bahay nila nash bukas." Sambit nya pero ang paningin ay sa daan at pinupunas nya ang towel sa may banda ilong. "Ahmm---hindi nalang ako sasa-ma." Sambit ko Tumingin naman sya sakin at inirapan ako. "Sasama ka! Hinding pwedeng hindi." "Per-" "Wag mo akong ma pero pero lalo ka lang mapapahamak sa ginagawa mo." Pa sigaw na sambit nya sa harap ko. "Pero sabi mo umiwas ako." "Oo pero nandun kaming lahat ikaw lang wala pati alam na nila na medyo malapit na kayo ni ry tapos iiwas ka bigla!Wala kang magagawa sasama ka!" "Pero el natatakot ako." Tumingin sya sakin at inirapan ako at bumuntong hininga. "Kailan mong harapan yan levi para malaman natin kong anong mangyayari! Baka nagkakamali ka lang sa nararamdaman mo." Sambit nya natahimik naman ako doon at magsasalita na sana pero dinugtongan nya pa." Kasama mo naman ako." Tumingin naman ako sa kanya at nakangiti na sya sakin pero doon parin yung sakit na at kita sa mata nya na naaawa sya sakin. At kasama ko sya at wag na akong mag alala pa! Kinuha nya ang braso ko at sinabit doon ang braso nya at nagpatuloy nalang kami maglakad palabas ng school at hindi na nagsalita dahil ganun na din sya wala din akong masabi dahil natatakot akong magsalita ulit! Baka nagkakamali lang talaga ako! Wala lang to? Pero bakit? Ganito parin? Masakit parin!! Nakauwi ako ng bahay na parang hindi ko kasama ang kaluluwa ko dahil sa bigat na nararamdaman ko. Nagmano ako kay lola at kumunot ang noo nya ng makita ang mukha ko tinanong nya ako kung anong nangyari dahil ganito nalang ang naging istyura ko para akong wala ng dugo dahil sa mapuputla ng mukha ko at mapulang pula na mata at ang takas ng ilong ko na namumula. Sabi ko lang pagod ako sa school dahil maraming ginawa pero nong una hindi sya nakumbinsi pero tumango nalang sya at mag pagpahinga ako ng kaunti pero kumain muna ako. Kahit pag kain ko kanina nakatulala ako at pagpasok ko sa kwarto ko basta ko lang binagsak ang katawan ko sa kama dahil kanina pa ako mukhang pagod na pagod kahit wala naman akong masyadong ginawa sa school pero para akong nagbuhat ng malalaking bagay dahil sa pagod ng buong katawan ko. "Iha." Bumangon nalang ako dahil sa boses na iyon sa labas ng kwarto ko. Binuksan ko ito ng kaunti at nagtaka si lola dahil kong makatingin sya sakin baba hanggang taas dahil na rin sa kunot noong tingin nya. "Bakit la." "May lagnat ka ba?" "Wala po! Ano po iyon." "Nagpaalam sakin si ry pumunta sya dito kanina eh nag sabi mag o overnight daw kayo kila nash! Kayong mag pipinsan." Hindi ko alam pero may kirot akong nararamdaman at para akong tinusok ng karayom doon sa sinabi ni lola. Ngumiti nalang ako sa sinabi nya. "Opo la." Tumango nalang sya. "Nagtanong ka nga kung bakit daw wala sa labas." Tumango naman ako sa sinabi nya. "Sabi ko eh pagod ka! Sabi naman eh oo nga daw kasi nakita ka nya kanina na lumabas ka ng sasakyan nila el tinawag ka raw nya pero hindi mo sya pinansin." Lumaki naman ang mata ko dahil doon sa sinabi ni lola. "Tinawag nya ako! Saan daw po sya banda hindi ko narinig." Gulat kong tanong "Doon sya sa may banda kubo sa may gilid sa kubo nila aling minda kapitbahay nila el! Sabi pa nga eh wala ka daw sa sarili! Ay sabi ko naman ay totoo naman." Putangina! Napa mura nalang ako sa isip ko dahil doon baka anong isipin non? "Magbihis kana." "Ah-opo." Umiling nalang si lola ng talikuran ako kaya sinira ko naman ang pinto ng kwarto ko at tumalon sa aking kama at gumulong gulong doon habang hawak ang kumot upang ipangtakip sa akin mukha. Kailan mong umiwas! Tama lang ba ang ginawa ko, na hindi ko sya narinig pero may parte sakin na nanghihinayang! Nakita kong dumaan si el sa tapat ng bahay namin pero dali dali akong pumasok sa bahay at sumilip sakanya dahil nakita ko na ang kausap nya ay si ry at tinuro pa ni el ang bahay namin pero umiling naman si ry sa sinabi ng babae at tumingin sa banda ng bahay namin ang babae at lalaki pero umiling nalang si ry sa sinabi ng babae at iniwan nalang ang babae sa pwesto nito at naglakad na pero ang lalaki ay ang paningin parin ay nasa bahay habang naglalakad ito. Ang babae ay umalis na lang din pero bago iyon tumingin muna sya sa bahay at bumuntong hininga dahil nakita ko iyon dahil sa pag angat ng balikat nya at umiling pa at naglakad na paalis. Ano kaya pinag usapan nila? Sinabi nya ba? Bakit ganun nalang ang tingin ng lalaki dito sa bahay namin? Pero alam kong hindi naman ganun si el dahil may tiwala naman ako sakanya at pati ayaw nya naman kaming magkagulo! Pinagkakatiwalaan ko sya at hindi nya ako ilalaglag? Hindi ako lumabas paghapon at hanggang gabi kahit may ingay akong naririnig at medyo malapit lapit lang ito. Nanatili ako sa bahay at naglinis o di kaya kumain at kapag natulala nanaman ako at naalala ko yun inaabala ko ang sarili ko sa ibang bagay upang libangin ang sarili ko at wag isipin ang bagay na iyon dahil nawawala ako sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD