Chapter 13

3181 Words
"Kanina ka pa tahimik." Bumaling naman ako kay tine na tinapik ako dahil ata kanina pa ako balisa sa pagkauupo sa sofa ng bahay nila nash. "May-iniisip lang." Tumaas naman ang kilay nya sa sinabi ko at ginawang unan ang kandungan ko. "Anong iniisip mo." "Bat ko sasabihin sayo." Tumampal nya naman ako doon kaya natawa ako ng mahina. Wala dito ang iba dahil nasa sala kami at nasa kusina at nasa dining table pa ang iba naming pinsan, kinakabahan ako kaya mas gusto kong mag-isa pero dumating si tine sa tabi ko kaya hindi na ako nagulat dahil alam kong susunod sya sakin. "Tabi tayo mamaya." Tumango nalang ako sa sinambit nya bumangon naman sya at umupo nalang at tumititig sakin. "May problema ka naman ba?Tumawag na ba si tita?." Umiling nalang ako sa sinabi nya,kita ko sa mata nya ang pag-alaala kaya ngumiti ako. Nagbuntong hininga naman sya doon! "Wag kang mag-alaala cous!Tatawag yun." Ngumiti nalang ako at umiling sakanya. Iba ang nasa isip ko ngayon! Sanay na ako kay mama, sa subrang sanay ko minsan hindi ko na inaasahan pa, bata palang ako ganun na sya. I have a broken family minsan naiingit ako sa iba kong pinsan dahil kompleto sila at magkakasama. "Levi saan na ang parents mo nagsisimula na ang opening remarks." My teacher told me. Graduation ko ng grade 6 sabi ni mama uuwi sya pero hindi naman dumating naka suot ako ng pink dress at sinabayan ng magandang sapatos at binigay na din sinosuot sa graduation. Naka upo ako sa upuan kong saan ako dapat at lahat ng parents nandito na ang iba papunta palang malapit ng magsimula pero ako nakatingin sa pinto kung saan papasok ang pupunta sakin. Alas kwatro na at kompleto na nagsisimula ng magsalita ang teacher para sa opening remarks ng graduation day pero sa upuan n dapat sa parents ko ay bakante. Ngumiti nalang ako at tumingin ulit sa huling pagkakataon kong darating ba kahit sino man lang kahit si lola o si tito nalang. May mainit na lilig ang namumuo sa aking mata bago ako tumingin sa unahan kong saan nagsasalita ang guro. "Walang pupunta sayo." Tanong ni tine at tumingin din sa aming likod. Ngumiti nalang ako doon! "Hi-ndi ko alam! Baka na late lang." Tinapik nya lang ang balikat ko at ngumiti sakin pero nakita ko sa mata nya ang awa pero ngumiti ako upang ipakita na ayus lang. "Kung wala si mama nalang." Umiling nalang sa sinabi nya dahil umaaasa ako na darating iyon kahit si lola hindi iyon papayag na wala sakin pupunta. "Wag na darating yun si lola pa." Naka ngiti kong sambit. Tumango nalang sya sakin at nakinig na tumingin ulit ako sa likod pero ayun wala parin at nakabakante parin ang isang upuan na dapat sa parents ko man lang! Tinatawag na ang mga kaklase ko at kaunti nalang malapit na ako pero hindi ako mapalagay tudo lingon ako kung sino ang darating para sakin. Kahit sino basta meron! "With honors Lenniana Vienne Salazar." Dahil sa tawag na iyon doon ko natanggap ang pagkabigo at pagsuko na walang pumunta para sakin. Umakyat ako sa intablo na nakayuko dahil sa luha na kanina pa namumuo sa aking mata na nagbanyang tumulo at umagos na. Pagka-akyat taas noo akong ngumiti at tinanggap ang parangal na dapat sakin nakita ko naman kong pano luminga ang mga tita ko sa upuan ng dapat nasa parents ko. Lalo lang ako umiyak ng tumayo si tita lexie ang tita ni el upang pumunta sa intablo para sakin. "Ako ang sasabit ng medalya para sakanya! Pamangkin ko yan." Bumuhos lang ang luha ko at ngumiti sakanya, ng makalapit sya sakin yinakap nya ako at sinuot ang medalya na dapat ang parents ko dapat nandito pero iba pa at tita ko pa! Si mama dapat to! "Naintindihan mo naman sila anak! Ipagpatuloy mo baka sa susunod si mama mo na ang nandito." Tumango nalang ako kahit nanlalabo na ang mata ko at sinuot na aking medalya at dimpolo at ngumiti ako sa photographer. "Congratulations you deserve that." "I'm so proud of you Ms. Salazar." Tumango lang ako at tinanggap ang kanilang mga kamay. Naghiwalay na kami ni tita dahil sa kabilang gilid sa baba ako naman sa gitna. Pinunas ko ang luha sa aking mata at lahat ng mata ay nasa akin. Kinaaawaan ko ang sarili ko! Yinakap ako ni el at tine at tina pagkadating ko sa upuan at ang iba naman na kaklase ko ay ngumiti salon kaya ngumiti ako pabalik. Tumingin ako sa banda ng mga lalaki nag tumbs up sakin ang iba at ngumiti din. Tumingin ulit ako sa upuan at ngumiti nalang at bumuhos ulit ang luha ko! Sabi nyo nandun kayo sa graduation ko! Kahit graduation nalang sa susunod kahit yun lang! Ginawa ko lahat sabi ko sa sarili uuwi si mama dapat galingan ko dahil sya ang pupunta sa aking graduation para sa aking unang pagtatapos sa elementarya kaya I do my best para maging with honor at maging una para maging proud sya sakin kapag umakyat sya. Pero nabigo ako! Para sainyo to eh! Umaaasa naman ako pa! Sana sa susunod tuparin mo naman ma! Nagsimula ang gruaudation songs at nasa kalahati na at magbibigay ng bubulak kapag nasa chorus na ng kanta pupunta kami sa tapat ng parents naman at ibibigay ang red roses upang ibigay sa kanina at sabihin ang gustong sabihin. Lalo lang lumakas ang kaba ko dahil doon na wala parin. ? Yung upuan! Ngumiwi nalang ako at ngumiti ng mapait at dagdag ng bigat sa aking damdamin. Dumako ang tingin ko sa may pintuan at nakita ko doon si lola na kumaway sakin at hila ng kababata kong kapatid . Kasabay ng agos ng luha ko isang silay na ngiti ang binigay ko sa kanila at tinaas ang bulaklakan na ibibigay ko Mamaya. Nakangiting upo si lola sa upuan na bakante kanina kaya lahat ng atensyon ko napunta sa kanya habang may luha at sakit na nadarama. May dumating! Masaya na ako kahit huli basta meron! "Sala-mat lola! Sa-bi ko na hindi mo ako hahayaan mag-isa eh! Pero bakit ang ta-gal!" Sabay yakap ko sakanya umiiyak na din sya sa sakin. "Pasensya na apo! Sumakit ang ulo ni lola na high blood eh." Ngumiti nalang ako doon! At tumango sakanya. "Natagal kami ate eh! Pero narinig ko pangalan mo kanina kaya tumakbo ako pa punta dito pero sa gilid lang ako ng gate at pinanood kita bawal ako eh." Ngumiti nalang ako doon at ginulo any buhok nya! "Bumalik ka na doon." Tumango nalang ako at yinakap ulit silang dalawa at isang mainit na yakap ang binigay ng mga pinsan ko at nag iyakan kami Awit ni inay! " Ibigay mo nga to kay nash levi." Natauhan naman ako doon dahil sa kalabit ng babaeng sa aking likod hindi ko alam na medyo mabasa basa ang mukha kaya pinahid ko muna ito at bumaling sakanya. "Bakit hindi ikaw." Sambit ko kaagad! "Dali na maliligo ako eh." Tine Umiling nalang ako doon at kinuha bowl na may lamang junk food. Kinabahan tuloy ako! Umiwas ako diba! "Nash-oh." Abot ko kahit medyo malayo pa ako. Kumunot naman ang noo ng mga lalaki kaya umirap ako at diretsyong linigay sa lamesa nila. "Ano ka si lastic man." Sambit ni Ethan kaya inirapan ko naman sya dahil doon. Nakita ko naman na nakatingin samin si ry kaya umiwas ako dahil kinabahan ka agad ako doon kahit nakatingin lang sya sakin. "May tampuhan ba kayong dalawa! Ayus palang kayo ah ngayon hindi nanaman." Sambit ni Cyril. Pinsan namin na sa maynila nakatira umuwi pala kaya kami nag overnight. "Ewan ko dyan." Sabat ni ian na naka higa sa mahabang sofa. Kumunot naman ang noo ni ry at tumingin sakin at tinaasan ako ng kilay kaya hindi ko sya pinansin at bumampot nalang pagkain na dala ko. "Wala lang-kasi wala naman kaming pag uusap kaya ganun." Sambit ko nalang! Tumango nalang ang iba at ngiwi nalang ang binigay ni nash na akala mo hindi sang ayon sa sinabi ko. At bumaling pa talaga ito kay ry at sakin at umiling nalang at natawa ng bahagya. "Iniiwas mo ba ako." Ganun nalang ang gulat ko at dali daling umiling dahil sa tanong ni ry sakin kaya ang mga paningin ng mga kasama nya ay nasa akin na! "Ba-t naman kita iiwas." Matapang kong tugon. Hindi nalang sya sumagot at nag kibit balikat nalang at tumingin muna sakin. "Tss." Yun lang sinabi nya at parang galit na dinampot ang bowl ng pagkain at kumain doon habang masamang nakatingin sakin. Dali dali naman akong umalis doon at walang atubiling naglakad paalis at hindi pinansin ang mga nakatingin samin dahil sa kaba na nararamdaman ko at takot na din. Kahit hindi ko nakikita ang sarili ko pero ramdam ko ang panginginig at mainit na nararamdaman sa aking mukha kaya sapalagay ko para na akong sisilaban dahil doon. Jusko po! Simleng tanong lang iyon pero nanginginig na ako at kaunti nalang mahihimatay na ako doon! May mastitindi pa pala sa problema ko! 13 years old girl ganito na agad ang nararamdaman ko! Noon pa to eh mas lumalala lang ngayon dati wala pa akong pakialam dito pero parang tumatagal iba na ah! Magbabago pa ba to! Dapat lang? Dahil mali at maling mali to may utak naman ako at may honor pero paran bobo ako pagdating dito! Mas lalo? At blanko ko ang utak ko pero ang puso ko subra subra ang laman! Sabi nila hindi puso lagi ang pairalin dahil may utak tayo at dapat mas pinapairal natin ang utak natin, pero kaya nga ginawa ang din ang puso para gamitin pero hindi lagi itong masusunod dahil may utak din! Puso! Utak! "Ang lalim lagi ang nasaisip mo." Sambit ni tine. Kaming mga babae ang nandito dahil sa may veranda dahil nasa sala ang mga lalaki. "Pano mo nasabi." Sambit ko, natawa naman si el dahil doon. "Laging tulala! Laging nasa malayo ang tingin! Kung ano man nyang nasa isip mo! Sabihin mo naman ako ang na momoblema sayo eh." Umirap naman ako doon. "Pati ako problema mo na din." Sambit ko sakanya, binatukan nya naman ako doon kaya napakamot ako sa ulo! "Kumusta ka tine." Sambit ko kaagad. Kumunot naman ang noo nya dahil doon. May na isip lang! "Ayus nama-" "Ni kendrick gusto ka na ba." Binato nya naman ako ng unan pero nasalo ko iyon kaya natawa kami ng bahagya. "Hindi siguro! Ay ewan ko." "Ahm-tanongin mo para makasigurado ka." Sambit ko ulit kaya natawa ang kaptid nya doon. "Tanungin mo na ate para sure na." "Tumigil ka tina." Sabay irap sa kaptid. "Nakita ko iyon kanina." Sabat ni el, kaya napabaling naman kami sa kanya lalo na si tine. "Nakita mo." Pasigaw na tugon ni tine "Tsk-ikalma mo." Pamang-asar na sambit ni el, mag sasalita pa sana si tine pero dinugtongan na ni el. " Natural magkasama kami eh! Kabahan kana." Hinapamsan naman sya ng unan ni tine kaya lalo lang kaming natawa lahat dahil sa mukha nya na kaunti nalang uusok na sa subrang pula nito. "Galaw galaw ate mahirap na." Parinig ng kaptid. "Ahm-lizard ka at linta ka lang tine! Pano ba yan ahas yan si el naku kakabahan ka talag-" "Puta ka levi." Tine "Demonyo ka." El Sabay sambit ng dalawa kaya ngumiti ako at humagalpak naman ng tawa si tina dahil sabay akong minura ng dalawa imbes na magalit ako dahil minura ako tawang tawa pa ako! Tanga! "Tsk!" Yun nalang ang nasabi ko pero nakangiti parin sa kanila at umiling iling pa! Pikon! " Murahan pa kayo." Dahil sa boses na iyon napalingon kaming apat sa likod ni tine! Si nash! Ngumisi nalang ako dahil wala naman akong maibibigay na reaksyon sa kanila! Dahil nandito na naman ang pakiramdam na hindi na ako mapakali dahil nakatitig ang lalaki na dapat iwasan ko talaga dahil buong katawan ko ay hindi na naman alam ang gagawin! Umupo sila sa tabi ni tine dahil doon lang naman may malawak na pwesto dahil saakin at sa dalawang kasama kong babe ay wala na sakto lang sila sa pang isahan na sofa pero dalawa silang nakaupo doon. Ako naka sandal ang dalawang siko ko sa gilid ng sofa kaya sarili ko lang ito at naka dekwatro pa! Tumaas naman ang kilay ko dahil sa dalawang nakatayo sa likod pa ni tine at nash lalo na si Ian. "Saan kami." Napangisi nalang ako at pinigilan ang tawa dahil sa nakangusong tugon ni Cyril. "Ako dyan." Nagulat naman ako doon at kaunti nalang mapapatalon na sa gulat dahil sa pagbato sakin ng unan ni ry. "Nakita mong nakaupo ako dito! Pati ako ang nauna." Galit ko tugon at pinulot ang unan sa sahig. "Kahit na gusto ko dyan umupo eh." Lumaki naman ang mata ko doon dahil naka cross arms na ang kamay nya sa kanyang dibdib, na akala mo nakikipag tarayan sakin. Padabog nalang ko tumayo at inirapan sya dahil kung hindi ako aalis baka isapak ko lang itong unan sa pagmumukha nya.bwiset! Lumalayo na ako ito tapos lalo lang lunalapit ang lalaking to! "Parang bata." Natatawang tugon ni nash kaya inirapan ko nalang at umupo nalang sa sahig. "Laging bangayan ang dalawang to." Ian. "May galit ba kayo sa isa't isa noon pa yan ah." Tugon ni Cyril wala naman nagsalita samin at nakatingin lang samin ang mga pinsan namin, pasalit salitan. "Ewan ko dyan sa dalawang yan akala ko noon ayus na pero minsan laging nag aaway at worst pa dun hindi talaga nag papansinan." Tina Tumingin naman sakin el kaya nagkatitigan kami pero umiwas din kaagad sya. "Hayaan mo na may ganun talaga." Sambit ni el kaya napatingin nalang ako sa kanya. "Sabagay! Magiging ayus din yan! Pangit kasi sa pagpipinsan na hindi magkakasundo at nag iilangan ano nalang sasabihin ng magulang natin." Tugon ni ian tumango nalang ako doon dahil natamaan ako doon. Pero kailan eh! Pangit nga ang ganun! At pina mumukha sakin na dapat kong agapan ang pisteng nararamdaman to! Masisira lang lalo ang pamilyang to! Magpinsan talaga kami! Sana hindi nalang! "Ewan ko dyan iniiwasan ako." Lalo lang lumakas ang aking kaba dahil sa tugon na iyon ni ry at nakatingin sakin. "Hindi kita iniiwasan noh!." Sambit ko pero matinding kaba ang dulot nito. "Bakit hindi mo ako kinakausap at galit na galit ka sakin! May problema ka ba sakin huh!" "Wa-la! Baka ikaw ang may problema sakin dyan?" Pa sigaw kung tugon. Ako may problema wag mo naman ipamukha! "Ako pa talaga tsk!" Yun lang sinabi nya at nakadekwatro nalang sa upuan at inirapan ako! "Ipag-untog ko kayong dalawa dyan eh." Sabat ni Cyril at binatukan ako si ry naman binato ng unan pero nasalo naman nya. Bumaling ulit sa akin pero umiwas din agad pero ang sama ng tingin. Bumaling naman ako kay el na pa salit salit ang tingin samin ng lalaki ng makita na nakatingin ako sa kanya umiling nalang sya at nginisihan ako. Pinigilan nya pero kita naman sa bibig nya na kinakagat na ang labi dahil sa pagpipigil. "Ry kailan ang balik nila tita." Basag ng katahimikan ni Cyril! Nagkabit balikat muna ang lalaki bago sinagot ang tanong ni cy. "I don't know baka sa next year pa." Sambit nya at tumingin sa gawi ko pero umiwas din agad dahil inirapan ko sya. Masisira ang mata ko dito kakairap! "Dito kana mag aaral hanggang senior high." Sabat ni el. Tumingin naman ako sa kanya pero umiwas din kaagad si el sa tininganan namin. Tumango lang ang lalaki at nagkagat labi kaya lalong namula ang labi nya dahil doon. Hindi ko alam pero may excitement akong nararamdaman doon sa sagot nya pero kanina kabado ako sa sagot nya sa tanong ni el pero nung tumango sya ganun nalang ang buntong hininga ng dibdib ko! "Oh! Easy baka mag away naman kayo dahil sa samaan nyong tingin." Sambit ni ian. Hindi ko napansin na kanila pa pala sya sinasubaybay ang tinginan naming dalawa. "Hayaan mo na ian LQ yan." Sabat ni el at humagikgik pa akala mo hindi ko mahalata. "LQ? Love quarrel! Ano sila lover." Gulat na tanong ni tine. Kinabahan naman ako doon pero humagalpak lang ng tawa si el at umiling nalang. Hinampas na sya ni tine sa hita pero hindi nag patinag at tumawa pa. "Bakit sa lover lang yun pwede." Natatawang sambit ni el. " Oh sya! Ahmm-Love pinsan quarrel nalang hahahhaha." "Gago." Cyril "Saraulo talaga." Tina "Wag nyong pansinan ry and levi! Ibang lahi yan hindi natin pins-" "Pakyu ka nash." Sigaw ni el. Natawa nalang ang lalaki pero binato ng unan ang babae dahil ang sama na ng tingin nito. "It's ok LPQ hahahaha." Kinabahan naman ako doon nakangisi nitong tugon at umiling iling pa at nakatingin sakin. Sa palagay mo magandang biro yan LPQ kagaguhan! Sinamaan ko nalang sya ng tingin pero ngumisi lang ang luko at kinuha ang unan at yinakap ito. Ganun nalang ang ngisi ko ng sinipa sya sa tagiliran ni ian. "Ano yan pinsan stro-" "Bobo! Family stroke yun." Sabat ni Cyril binatukan pa si Ian napakamot ulo nalang ito. "Pano mo nasabi." Sabat ni ry at tumingin sakin na seryoso pero umiwas din naman kalaunan. Seryoso naman ang lahat at nagulantang ata sa sinabi nya pero walang nagsalita at iniba na ang usapan ni Cyril at nag kwento nalang ito tungkol sa Buhay nya sa maynila. Hindi ako makasabay sa kwentuhan nila dahil sa simpleng sinabi nyang iyon. Pano mo nasabi! Eh! Anong ibig sabihin non. Parang may mali eh! Pero mahirapan na baka mag overthink pa ako tapos mali naman pala! Pano kapag hindi kami mag pinsan pero lumaki kami at alam ng lahat mag pinsan kami pero mag pinsan parin kami non! Kahit hindi man o oo wala parin magagawa nun! Tingin ng iba mag pinsan parin! Asa ka pa! Pinsan mo sya anak sya ni tita beatrice ! Anak sya ni tito Zion at pinsan ko sya kaya walang talaga. Mag pinsan talaga kami! Pero pano! Bakit ang gulo! Ampon ba ako! Nasa totoong Buhay tayo na at wala tayo sa teleserye. Kapapanood ko to kahit ano na ang na iisip ko! Mali naman may sira na ata ako sa ulo daig ko pa ang baliw dito eh! Pinsan mo gusto mo! Gusto ko na ba! Pinsan mo crush mo! Naguguluhan lang ako! Tama tama! O kaya baliw na ako. Pero wala yung lukso ng dugo eh! Kakaiba talaga ang nararamdaman ko sakanya! Baka ako lang itong nagkakaganito. Bakit naman kasi ang perfect ng anak mo tito Zion eh! Pati tuloy ako naapektuhan! Gwapo naman sila nash at Ethan at ian si Cyril pero bakit ganun hindi naman nag kakalayo ang mga gwapohan nila pero bakit sa kanya ko lang nararamdaman to! Sira ang puso ko! Yung tingin nya kanina nung sinabi nya iyon may kakaiba dun pero baka ako lang ang naggagawa ng aksyon at motibo doon. Tumigil kana! Kailangan ko ng agapan to! Pa, ma baliw na ata ako! bulong ko sa sarili ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD