"nauna na sila kanina pa eh!Hindi ko nga alam kung nasaan na ang mga iyon." Sagot ni tine sa tanong ng kapatid ko tumingin ulit ako baka sakali makita ko yung hinahanap ko pero nabigo parin ako.
"Hoy! May hinahanap ka." Tapik ni tine sa aking balikat umiling nalang ako at ngumiti ng tipid pero hindi ko sya na kumbinsi at tumingin din sa paligid at tumingin sakin at hindi na nagsalita pa.
"Tara na guys doon daw tayo sa room ni sir magtipon." Sigaw ni kyla samin nauuna na pala kasama si dessa kumaway pa sya samin tumango nalang ako at senyasan na susunod nalang ako at pati na rin si tina.
"Sige na pumunta na kayo dun!Pupunta muna ako sa room dahil ako ang president ng aming room kailangan ko din asikasuhin ang mga kaklase ko." Sambit ni tine samin tumango naman ako at yumakap sya sakin." Pero wag kayong mag-alala ako ang photography nyo Mamaya sasabihin ko kay sir na hindi ako sasama sa aming pila at ako ay kukuha ng picture sainyo." Sambit nya binigay ko naman ang bag ko dahil kinukuha nya ito.
"Ako na dito sige na mauna na kayo." Sambit nya at kinuha din ang bag ni tina tumango nman ang kaptid at nag paalam din sa kanyang ate.
Umakbay na sakin si tina at inakbayan na ako bago ako tumalikod tumingin muna ako sa gawi nya at kumaway ngumiti naman si tine at kumaway rin.
"Ayus ka lang may hinihintay ka." Ganun nalang ang gulat ko dahil sa tanong ni tina sakin na ngayun seryosong nakatingin sakin habang naka akbay parin.obvious ba talaga na may hinahanap ako.
"Ah-wala naman." Hindi ko alam kun bakit ako nautal at kinakabahan doon kahit normal na tanong lang iyon tumingin naman sakin at tumango nalang at seryosong tumingin nalang sa daan.
Hindi ko alam pero sa bawat lakad ko at papalapit namin sa senior building lalo lang lumakas ang aking kaba at feeling ko nanlalamig na ako dahil dito buti nalang at kumalas na sa pag-aakbay ni tina sakin. Nagdadalawang isip ako na wag na lag tumuloy at may nagsasabi din na tumuloy ka dahil meron dito na magbibigay sayo ng ibang pakiramdam.
"Tine,le-vi." Ganun nalang ang gulat ko dahil at kaunti nalang mapapatalon na ako sa aking kinatatayuan kaya napa baling sakin si tina at kumunot ang kanyang noo dahil doon. Pero umiwas din naman
"Nash ano."sambit ni tina
Hindi ko alam pero kahit alam kong si nash lang ito pero may parte dito na hindi ko maintindihan na akala mo may nagawa akong mali at ganito nalang ang takot ko
Umiwas nalang ako ng tingin dahil ayaw ko makita kong sino ang susunod na pakikita ko dyan kaya tumingin nalang ako sa paligid at tumingin sa may puno ng acacia.
Ry
Ganun nalang ang gulat ko sa mata at dahil sa hindi ko inaasahang magkatitigan kami at ganito nalang kalakas ang pintig ng puso ko at rinig na rinig ko ito hindi nya inaalis ang tingin sakin .
"Oh ry-" hindi natapos ng lalaking ag sasabihin nya at sinundan ang tingin ni ry hanggang sa dumapo sakin at kumunot ang noo nito at tinagilid ang ulo upang magmasdan ako.Ganun nalang ang gulat ng ng harangan ni ry ng kanyang palad ang mukha ng lalaki at malakas ito at tumingin sakin at papalapit ito sakin kaya ganun nalang ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa subrang kaba na nadarama.
"Sumali ka pala." Natauhan nman ako dahil doon at umayos ng tayo at matapang na tumingin sakin.
"Ah-oo sinali nila ako ay ano-sumali ata ako." Kinurot ko naman ang palad ko sa aking likod dahil doon, kaya napakagat labi nalang ako.
Bigla naman lumapit ang lalaking nasaktan nya kanina at tumingin sakin at ngumiti at kumaway pa ng kaunti.
"Nandito ka na pala ry." Sambit ng nasa likod ko at alam ko namang si nash ayun at pumunta sa pwesto ni ry at tumingin sakin.
"Nakita ko din ang maganda kong pinsan." Sambit ni nash at hinawakan ang aking ulo ngumiti naman ako dahil doon.
"Pinsan mo nash." Tanong ng lalaki na kasamahan ni ry tumingin naman si nash sa lalaki at tumango,pero si ry ay nasa akin parin ang paningin.
"Ganda noh." Sambit ni nash tumango naman ang lalaki at tumingin sakin at linahad ang kanyang kamay kaya parehas kami ni ry na napatingin doon.
"Acxel nga pala." Sambit nya ilalahad ko na sana ang aking kamay pero bigla nalang nahawi ni acxel ang kanyang kamay dahil nasuko ito ng baywang ni ry dahil may pinulot ito sa baba kaya ang nahawakan ko ang kanyang buhok na nahawi.
"Ah levi ang pangalan nito." Turo sakin ni ry ng hawak nyang ballpen ito ata ang pinulot nya kanina, wala ng nagawa ang lalaki at tumango nalang at ngumiti sakin.
Bigla naman inakbayan ni ry ang lalaki." Tara na may gagawin pa tayo." Sambit ni ry sa lalaki kumunot nman ang noo ni acxel at tumingin sa binata ng nagtataka pero wala ng nagawa ang lalaki dahil inakay nya na ito.Pero bago yun may inabot muna sakin ni ry habang sa kanila nyang braso ay naka-akbay doon ki acxel at pilit na linalayo ito.
"Tubig mo." Sabay lahad ng tubig na mineral water kaya lumunok muna ako at inabot ang tubig, tapos tumingin sakin at ngumiti pilit na naman kumakawala si axcel pero hinali nya na ito bago pa makalapit sakin.
"Wag na yan tara na." Pilit hila ni ry sa braso ng lalaki wala nman nagawa ang lalaki at sumunod nalang, umiling nalang si nash at natawa sa reaksyon ng dalawa at bumaling sakin ng pa iling iling at tiningnan ang tubig na hawak ko at ngumisi.
"Naku pahirap to." Sambit nya at ginulo nalang ng mahina ang buhok ko at ngumiti sakin." Nakahinga kana." Nagulat naman ako sa tugon nyang iyon kaya napabaling ako sakanya at kumunot ang noo at ngumiti nalang sya sakin."Pero baka hindi naman masyado pa naman na maaga baka nagkakamali lang ako." Bulong nya pa.
"Maagang ano." Naguguluhan kong tugon sakanya tumingin nalang sya sakin at umiling nalang.
"Maaga pa para mag boyfriend ka sabi ko." Lalo lang ko lang sya kinunotan ng noo kaya napahalakhak sya. "Pumasok ka nalang doon, nandun na si tina hinahanap ka non."sambit nya at hindi na ako hinintay na pagsalita pa at naglakad na paalis at umiling iling pa.
Pumasok na ako sa silid kong saan kami magtitipon lahat sila nakatingin sakin pagpasok ko maya nabalot tuloy ako ng hiya dahil may mga istudyante at mga ibat ibang grade ata sila.
"Yan ba yung pinsan ni tina." Tanong nong babaeng naka pang senior high na uniform tumango nman yung kasama nya at lahat sila ay dinomog ako.
"Ako pala si georgia." Sambit ng babae na subang pula ng lipstick nakipagkamay naman ako.
"Wag mong pansinan yan pasikat lang yan dahil crush yan si nash." Sigaw ng babae na nagsasalamim sa gilid binato naman sya ni georgia ng eraser pero naka ilag ito at tumawa. Natawa naman yung ibang istudyante na kasama namin.
"Don't mind them! Your pretty huh." Sambit nya at linagay ang takas ng kanyang buhok sa likod pero dahan dahan ito.
"Sipsip"
"Nagpapalakas."
Bulungan ng mga babaeng kasamahan nya lalo lang lumaki ang mata ni georgia at ng bumaling sakin ngumiti sya kaya ngumiti nalang ako ng tipid.
Lumapit na din ang mga lalaking kararating lang at pumunta sa pwesto namin upang maki usisa na din.tsismoso!
"Hi! Nice to meet you baby girl." Kamay ng lalaking mestizo at subrang tangkad felling ko tuloy taga kili kili lang ako kapag tumayo ako.
"Hoy child abuse amputa." Sabat ni Zoe sa likod ng lalaki kakarating lang at medyo tinulak ang lalaki upang makadaan sya.
"Epal mo!." Sambit ng lalaki umirap lang si zoe at binigyan ako ng juice.Tinanggap ko lang ito.
"Pinsan mo si danica." Sambit ng isang lalaki na naka akbay sa lalaking kanina na nagtatanong. Tumango nalang ako dahil yung pinsan namin iyon na hindi ko masyadong close dahil hindi ko din alam.
"Bakit crush mo." Matapang kong sagot natawa naman ang mga babae at lalaki sa sinabi ko at tinapik tapik pa nito ang braso ng lalaki, kita kita ko kung pano unawang ang labi nya doon.
"Ahmm---hindi tanong lang." Sambit nya kaya natawa nalang ako dahil obvious naman binatukan naman sya ng lalaking naka akbay sa kanya. Kinamot nya nalang ang batok nya at ngumisi sakin kaya ngumiti nalang ako dahil a reaksyon nya ngayon.
"Tanong lang ba talaga." sambit ko ulit natawa naman si zoe dahil doon tumango nalang ang lalaki sa sinabi ko nahihiya na ata." Ok ikaw bahala tutulungan pa naman sana kita." Lumaki naman ang mata dahil doon at lalo lang humagalpak ng tawa ang katabi ko ang mga babae ay naghihikdan na dahil sa pagtawa. Napula naman doon.joke only
"Sana pala hindi na ako nagtanong." Mahinang sambit nya pero narinig ko naman kaya natawa nalang ako.
"Mahina ang manok ko."
"Puta-mahiyain."
" Mahiyain daw pero ang kapal ng mukha na lukohin ako." Sigaw ng babaeng nasa tapat ng pinto kaya lalo lang natawa si georgia sa harap ko at si zoe na umiling iling ang mga lalaki naman na tinatapik tapik ang braso ng lalaki pero may ngiti sa labi. Naku!
"Felicity-bakit ngayun ka lang." Sambit ng babaeng nagsasalamin kanina.
Kita kita ko ang katawang ng babaeng ito hubog na hubog ito at ang ganda ng pagkakubra at makinis din ang kutis nito at naka jeans na fit sakanya kaya kita kita ang hubog ng katawan nya at naka fit na damit at magkateam pala sila nila ry kung ganun at ang buhok nya na hanggang balikat lang at naka curl ito sa babae kahit hindi na sya mag make up maganda na talaga sya at naka pumps sya sa tansya ko nasa 4 inches ang takong nya at naka shoulder bag lang sya at kung sa madaling salita mukhang syang modelo na pang international ang ganda at tindig nya ang tangkad nya naman.
Ganito ang mga tipo ng na babae ang gusto siguro ni ry sabi nya kasi Hindi ganito sakin ang type na lalaki ni kiel ganun din siguro sya sabagay kung ako din naman ganun din.
Kung naging senior high na sya kaya kapag naging second year at third year na sya katulad na din sya ng mga ganitong lalaking nasa harap ko ngayon ang ganda ng mga tindig kung si ry ang maging ganyan baka subra pa at hindi nya na kailangan pang panligaw dahil baka sya na ang lapitan ng mga babae at syempre ang magiging gusto nya mga ganito ni felicity.
Kapag naging ganyan na ako ka edad sa kanya ganyan din siguro ako diba?
Pero ang iba nga hindi parin eh pano na kaya ako ngayon palang nga eh wala na akong panama sa mga ka edad ko.
Kung ikukumpara mas maganda nga ang katawan ni tina at tine saakin eh ako Kasi ang payat ko at hindi ako gaano katangkadan.
Syempre iba nga namin kaklase at ka batch may mga nobya at nobyo na si ry kaya may nagugustuhan na sya o kaya natitpuhan na babae!
Syempre meron na yon! Ang daming may gusto sakanya eh kahit nga first year palang kami kalat na pangalan nya eh.
"Bakit ang haba na ng nguso mo dyan! ." Natauhan naman ako dahil sa sinabi ni Zoe sa may banda tainga ko." Kanina ka pa nakatingin kay feli." Sambit nya ulit natauhan naman ako doon at tama nga sya kaya umiwas nalang ako at tumingin nalang sa iba at igala ang paningin.
Pero ganun nalang ang laki ng busangot ko ng makita ang lalaki at ang babaeng nag-uusap at may mga kasama pa sila nakita ko sila sa may bintana pagkalingon ko.
Ry
Nagtatawan sila at sa tabi ng lalaki ang babae kaunti nalang nagkakadikit ang kanilang balat sa lapit nila.
Pinagmasdan ko naman ang babae kita kita ko tumingin ako sa may mukha nya ang ganda nya masasabi kong perpekto din sya ang ganda ng balat nya at bagay na bagay ang buhok nya sa kanyang mukha itim na itim ito at straight ito at ang ilong nya na medyo manipis ang butas at matangos at ang pilik mata na may kahabaan kung titingnan mukha syang koreana dahil doon at ang pula ng labi nya yun ang nakita ko sa kanya nag mukha tuloy syang mataray pero kapag ngumiti naman mukha hindi sya nakakabasag ng pinggan.
At may nakalagay na Shash sa kanya at kahit medyo may kalayuan sila nakita ko parin kung ano iyong nakasulat vice president pala sya ng student council.
Hindi ko alam pero may parte sakin na nasasaktan kahit wala namang dahilan at lalo lang ako nanghihina at tinatamad at hindi ko alam pero pero subrang lakas ng t***k ng puso ko na may parte sakin may mawawasak pero pinipigilan ko kaya lalong lumalala ang bighati nito.
Gusto kong umiyak! Yan agad ang gusto iparating ng aking mata pero hindi ko pwedeng ilabas to dahil natatakot ako kung saan na patungo ang lahat ng nararamdaman ko.
Subrang bigat! Hindi ko alam kung kaya ko pa!
"Ayus ka lang." Bumaling nalang ako sa babaeng tumapik sa aking balikat tumingin sys sakin at tumingin sa tinitigan ko kanila pero umiwas din sya at bumaling sakin, ngumiti nalang ako ng tipid at tumayo na. Nagulat ko ata sya dahil tumayo din sya.
"Hanapin natin si tine." Pati boses ko parang mababasag pero inayos ko tumango nalang sya sinabi ko at sumunod nalang saakin.
"Ayus ka lang." Tumango lang ako dahil hindi ko kayang sumagot sa sinasabi nya dahil ako hindi ko din alam kung ayus lang ba talaga ako? Bakit ganito? Ayus naman ako noon pero ngayun ako pa ba to?
Tahimik akong naglakad habang sya nasa likod ko lang pero nakatitig sya sakin dahil nakikita ko sa gilid ng aking mata. Kita ko na gusto nya magsalita pero pinipigilan nya lang.
Hindi ko din alam kung gusto ko syang kausapin at sagutin ang mga tanong nya dahil ako hindi ko din alam ang sagot ng mga yan!
"Nagsisimula na ang parade." Sigaw ng isang istudyante sa may hagdanan.
"Wag natin hanapin si tine! deritsyo na tayo sa pwesto natin para sa parade." Malamig kong tugon, dali dali namn syang tumango doon at tumalikod na ulit ako upang naglakad na ulit.
Naglakad na kami medyo mainit na pero hindi pa naman masakit sa balat dahil maaga pa naman.
Marami kaming nakasalubong na mga istudyante at at gulo pa ng kanipang pila dahil nag halo halo ang mga kulay dahil hindi nila maintindihan kong saan sila pwepwesto at pupunta.
Nagpatuloy lang ako sa lakad at hindi na pinansin ang mga nakakasalubong namin at ang mga nakatingin ng medyo papalapit na kami naanig ko nman ang mga kasamahan namin na ang iba ay nakapwesto na.
Nakita ko naman na tumigil na si zoe kaya tumigil muna ako at hinarap stay tumango nalang sya saakin at nagsenyas na doon na sya kaya tumango nalang ako sa may banda likod pala sya saming mya marjuret tinawag na naman ako ni tina gamit ang kanyang baton kaya tumango nalang ako.
Sa unahan si kyla at ngumiti sakin ng makita ako medyo malayo ang pwesto nya samin dahil sya dapat ang mauna at kaming tatlo naman nila chesca at tina ang sunod ni kyla sa gitna si tina at parehas kaming nasa gilid ni chesca.
Sa likod naman naming tatlo sila cassie at fina at isang kasamahan ni the na kanina. Sa likod si zoe at rosie at may sa likod pa nila. At mga lire na ang sunod na naka helira.
Ang mga istudyante ay sa labas pa ng mga classroom nila ang iba at ang grade 7 naman na ka batch namin at sunod sa drummers at ang grade 8 nasa labas ng kanilang room at nakapila na rin at ang iba pang grade luminga naman ako sa gilid at doon ko nakita si tine kasama ang guro nila ata at may isang lalaki na kasama din na kaklase nya ng tumingin sya sakin kumaway sya at tinaas ang camera para kaya tumango nalang ako sa ginawa at kumaway na rin at ngumiti, nakita ko naman na nakatingin samin ang lalaki at nakakunot ang noo. Umiwas nalang ako doon at tumingin nalang sa unahan. Espose kami?
Luminga ulit ako at tumingin sa mga room ng mga grade level pero wala nabigo ako at bumagsak nalang ang aking balikat at nakabusangot na tumingin sa unahan.nandon parin ata sys sa vice president na iyon.
Ngumiwi nalang ako doon at inayos ang damit ko dahil ang ikli talaga ng aming palda. Kaya pilit kong binababa pero hindi na kaya ganun na talaga ito.ngumiwi nalang ako at umayos ng tayo dahil nandyan na sir yung nagtuturo samin.
Tinaas na ni kyla ang dalawang kamatmy hbang hawak ang dulo ng baton at tinaas ang tinaas ang bintuturo ng kanyang kamay na isa at sabay pito at biglaang binababa ang kanyang kamay at nagsimula na ang lire na at drummer na magpatugtug at umayos ng tindig si kyla at ganun na din ang ginawa namin. At nagsimula ng mag martsa ang aming paa ng nasa tyempo na kami ng tugtug syaka lang kami gumalaw ng tudo kasabay ang mga kamay at baton na hawak naming at tinapat sa aking dibdib ang baton.
Nakita ko naman kung pano lumapit si tine samin at inayos ang kanyang camera kasunod ang lalaking kasama nya. Ngumiti sya sakin at tinuro nya ang kanyang bibig na nagpapahiwatig ngumiti ako kaya wala na akong paki sa mga iniisip ko at ngumiti nalang at nag pukos sa aking ginagawa.
Nakakunot noo lang ang kasama nya at nakatingin lang sakin pero hindi ko ito pinansin dahil nag usap na sila ni tine nakita ko naman na lumapit si ry sa kanila kaya ganun nalang ang gulat ko pero hindi ko maalis ang aking tingin ng tumingin sya sakin ng seryoso at nag apiran sila ng lalaking kasama si tine at tumingin sakin kaya nagkatitigan kami at kinausap sya ng lalaki kaya naalis ang kanyang tingin saakin at nagusap sila at tumingin saakin.
"Ry." Lalo lang lumakas ang aking kaba ng may tumawag sa pangalan nya kaya bumaling ko ganun nalang ang nguso ko ng makita ko ang tumawag sa kanya.chantal.
Bumaling sa kanya ang lalaki kaya umiwas nalang ako ng tingin sa kanila at ngumuso nalang.