Chapter 09

1631 Words
"Hoy!tingnan mo tong mga picture cous ang gaganda nyo." Kulit ni tine samin sumabay sya samin pagkatapos ng parade pawis na pawis ako dahil doon dahil nakakapagod at ang init na kanina dahil anong oras na din. Nakaupo kami ngayon sa isang bench dito sa may tapat ng acacia kaya medyo makulimlim at marami din istudyante ang naglalakad at nakaupo din dahil break time muna kasi pagkatapos ng parade at mamaya magsisimula na ang ibang competition at palaro. "Mamaya na ang competition sa ms.Intrams at mr.Intrams sa palagay ko mananalo nanaman iyong si chantal." Sambit ni chesca na nguya ng nguya ng fries tumango nman si zoe doon at sinubo ang isang pirasong fries sa kamay nya at nagdekwatro. "Sus! Lagi naman." Mataray nyang sambit. "Sinong chantal ba yan." Sambit ko at dumampot ng fries sa may kamay ni tina hinayaan nya lang. "Sino pa ba yung vice president ng student council yung grade 10." Kumunot naman ang noo ko dahil doon.nairita Naman ako dahil yun pala iyon tsk! "Sino don." Sambit ni tina, ngumiwi nalang si zoe dahil sa tanong ng pinsan ko." Kilala mo levi." Tsk sino naman hindi makilalala iyon sya ang dahilan kung bakit ako kanina na sasaktan. Parang may nagawa syang ikapapangit ng araw ko kanina pa. kapag naririnig ko na ang pangalan nya ngayun parang pinipiga ako. "Hindi." patigas kong sambit hinampas naman ako ni chesca kaya napabaling ako sakanya. "Problema mo."natatawang sambit nya at ngumisi pa sakin umirap nalang ako at umiling nalang. "Galit na galit doon bakit may nagawa ba syang masama huh." Sabat ni Zoe tumango naman si chesca at si tina,si tina naman na nakakunot ang noo sakin,si tine na nakatingin na sakin ngayun na kanina na busy sa kanyang camera kanina. Hindi lang masama muntik na akong umiyak at gusto kong umiwi dahil doon. "Wala malamang-ang akin lang kung ako din naman ang nasa sitwasyon ng mga nasa competition eh magagalit talaga ako kasi bakit pa sya sasali eh sumali na pala sya noon pa,dapat iba naman para mapgbigyan din yung iba na gusto din sumali." Palusot ko Napa ahh Naman sila doon at tumango tango sa sinabi ko ngumiti naman ako doon dahil ang galing ko. galing mong nagpalusot ah! Marami ka ng nalalaman ngayun parang dati lang napakahonest mo! We! "Bakit?Gusto mong sumali at kunin ang titulo nya." Sambit ni tine ngumiwi nalang ako doon. "Tsk! whatever." Mataray kong sambit Tumawa Naman ang katabi ko at hinampas ang braso ko kaya ngumiwi nalang ako. "Bitter." Iling iling na sambit ni chesca lol? "Excuse me-ayaw ko naman talaga sumali sa mga ganyan eh." Sambit ko nagulat naman sila sa sinabi ko. Ngumiti nalang si tina at zoe sa sinabi ko at umiling nalang ang dalawa pa. Inayos ko nalang ang buhok ko at tumingin nalang sa mga istudyanteng naglakad at nag uusap usap at nagsisigawan at sa may banda senior building nman ang tahimik at may mga naglalakad na mga istudyante couple ! Umirap nalang ako doon! "Tine." Bilis naman napabaling ang leeg ko dahil sa boses na iyon.excited Umirap nalang ako ng magkatitigan kami at tumingin nalang sa babaeng tinatawag nya kanina.ano naman ginagawa nya dito punta sya don sa chantal na yun! "Bakit ry." Tine Nakita ko naman na kaunti nalang mababali na ang leeg ni Zoe dahil sa pagtingin sa lalaking kaharapin namin pati na rin si chesca na akala mo ngayon lang nakita ng ganitong mukha. "Saan kayo magluluch." Sambit nya! Pakialam mo! At bumaling sakin, kumunot naman ang noo ko dahil doon at inirapan sya binaling ko nalang ang tingin sa akin pagkain. "Kahit saan na siguro!Sasama ako sa kanila pakisabi nalang kay el!." pahayag ni tine, tumango naman ang kanyang kapatid na si tina nakasandal ang ulo sa balikat ko. Tumango lang sya at tumingin pa sakin kaya inangat ko ang ulo ko para magtama ang paningin namin pero ganun nalang ang gulat at awang ng bibig ko dahil inirapan nya din ako at umalis lang bigla kahit ganun parin ang itsyura ko dahil sa pagkabigla. "Problema mo." bulong bulong ko at inirap pa sya kahit nakatalikod na at medyo malayo na samin. Gago! "Anyari sayo! Bulong ka ng bulong dyan." Sambit ni tina sabay angat ng tingin sakin! Hindi na ako sumagot at tumingin nalang sa mga kasama namin na nakatingin din pala sakin. Tinaas ko nalang ang kilay ko kaya umiling nalang sila kaya kinain ko nalang ang natitirang pagkain sa kamay ko. "Pinsan nyo tine! Ang gwapo ah." "Oo nga mas gwapo sya kay nash! Perfect na." Tangong tangong sambit ni chesca at nag apiran pa sila ni zoe na akala mo kinukurot ang singit nila dahil sa mga ngiti nila. Kumunot nalang ang noo ko dahil doon at tumingin nalang sa kanila, ngumiti si tine at umiling lang. "Pasungit yun." sambit ni tine, tumango naman ako dahil sang-ayon ako doon. "Maganda nga yun eh." Muntik na akong mabilaukan dahil doon.kingina! "Anong maganda doon! Hindi naman gwapo!" Sambit ko sabay irap sa kanila tumingin naman sila sakin ng seryoso at si zoe na akala mo disappointed sakin. "Isus tine basta ako gwapo nya." Sambit ni chesca kaya lalo lang akong umirap sa sinabi nya. "Bakit crush mo." Tina Lalong lang umirap ang mata ko sa sinabi ng pinsan ko dahil doon. Linigay naman ni Zoe ang takas ng buhok nya sa kanyang leeg ay ngumiti .pabebe amputa! "Hin-di ah-." Tskk! Hindi daw kaya pala namumula na! "Type ko." Sambit naman ni chesca. "Type ka ba?" Tugon ko. Lumaki naman ang ngisi ni tine sakin pati na rin si tina at nagulat naman si zoe sa sinabi ko si chesca na nakatingin sakin na akala mo pinagsukluban ng langit at lupa dahil doon. " Sakit ah." sambit nya at humawak pa sa dibdib nya. Umiling nalang ako dahil doon. "Hindi ka type non iba ang gusto nyang babae hindi ganyan." Sambit ko ulit sa tina at tine na nakangiti kanina sakin ngayun nakabusangot na at si zoe na hindi parin nagbago ang istyura si chesca na namumula na ang mata. "Hoy! Gra-be ka naman sis pano mo nasabi?" Nauutal na sambit ni Zoe sakin. "Oo nga cous hindi ko nga alam din eh kahit close ko iyong si ry." Sambit ni tine sakin. "Hindi porket close mo alam mo na lahat hindi lahat sasabihin nya syempre may tinatago iyon kanya ganun." Mataray kong sambit. "Eh" tine "Pano mo nasabi na iba ang type nyang babae." Sambit ni zoe "Nakita ko sya kanina with chantal." Dahil sa sinabi ko napatayo si chesca at lumapit ng kaunti sakin. Pati na din ang tatlo pa na gulat na gulat sa nangyayari. "Ano saan." Tarantang sambit ni zoe kaya ngumiwi ako doon. "Doon sa likod ng senior building kanina bago ang parade magkatabi sila." Sambit ko Napatawa naman si tine doon at hinampas ang hita ko pero mahina lang iyon. "Yun ba yung tinitigan mo." Sambit ni zoe dali dali naman akong tumango doon. "Malay mo may pinag uusap lang sis." Sabat ni chesca.talaga ganun ka dikit! "Tsk! Ganun na rin yun ganun ang mga type nyang babae malaki ang bukid non." Sambit ko binatukan naman ako si tina kaya sinamaan ko sya ng tingin pero tinas nya lang ako ng kilay na akala mo naghahamon pero hindi ako nagpatinag kaya tinaas ko din sya ng isang kilay at inirap. "Gaga! Grabe to judgemental." Natatawang sambit ni zoe. "Totoo naman nakita ko pa ngang lumalayo si ry sakanya dikit naman sya ng dikit na akala mo sikip na sikip." Sambit ko pa! "Sus ganun talaga yun si chantal papansin." Tugon ni zoe at nakikiapir pa kaya umapir ako sakanya. "Anong pinaglalaban mo." Tugon ni tina sakin.oo nga Anong pinaglalaban ko!! Hindi ako makasagot kaya tumingin nalang ako sakanya. "Wa-la akin lang kilalan muna ni chesca si ry baka kasi masaktan lang sya malay mo may type na palang iba si ry tapos baka umasa sya dina?" Sambit ko umiling nalang si tina at natawa nalang si tine sa sinabi ko at si zoe na umiling nalang at nagtitigan sila ni chesca at ngumiti. "Wala naman akong sinabi na aasa ako eh!" Sambit ni chesca. Nagulantang nalang ako sa sinabi nya.oo nga noh! "Type nya lang hindi nya naman syosyotain."sambit ni zoe at tumango pa silang lahat. Umirap nalang ako dahil nakakahiya ang mga pinagsasabi ko.bat naman kasi ganito ang nararamdaman ko eh pakialam ko ba kung may nagugustuhan na sya. "Ganun na din yun." Palusot ko nalang tumango nalang sila at hindi na nagsalita pa." Sinasabi ko lang para alam mo." Sambit ko pa ulit "Yeah!alam ko concerned ka masyado eh." Sambit ni zoe tumango naman si tine at ninisian ako kaya kumunot naman ang noo ko dahil doon na akala mo kasi may pinapahiwatig ang kanyang ngiti.umiling nalang ako! "Tara magluch." Yaya ni zoe ang bumasag sa katahimikan namin kanina pa. "Saan tayo magluluch mga sis."sambit ko nakabit balikat nalang si chesca at tumingin sakin at ngumiti kaya ngumiti ako pabalik. "Sa labas na bibili din ako fishball." Tugon ni tina kaya tumango naman ako doon. "Wala akong baon na pagkain." Malumanay na sambit ni zoe kaya humarap naman kami sakanya kaya nagulat sya na nakatingin kaming lahat sakanya." Bibili nalang ako." Sambit nya ulit at kinuha na ang bag nya. "Wag na mag share nalang tayong dalawa." Bilis kong tugon. "Oo girl akin ang ulam." "Kanin sakin kung sakaling kulang. "Akin nalang ang kutsyura dahil nadalawa ang dala ko." Sambit ni chesca kaya natawa nalang kaming tatlo dahil alam na namin! "Sabay na nalang tayo kila fina malapit lang bahay nila dito eh." Tugon ni zoe at nakatingin sa may likod namin kaya tumingin naman kami nakita naman ang iba naming kasamahan na palabas ng room at si fina nakatayo sa may pinto. Nagkakita nya kami kumaway sya at nag sign pa na hintayin nmin sya kaya tumango naman kami. "Lagi ka bang walang baon sis." Tanong agad ni tina, tumango nalang si zoe doon at ngumiti pero alam kong hindi iyon ang gustong ipahiwatig ng kanyang damdamin. "Oo eh-kasi walang magluluto pati anong oras na din ako minsan nagigising." Mahinang pahayag nya pero sa unahan ang tingin hindi samin. "Bakit?" Tugon bigla ni chesca, tumingin nalang si zoe samin pero seryoso ang kanyang nukha pera mala anghel naman ito kung tumingin kaya hindi makikita mataray syang kung tumititig. "Madami akong ginagawa." Tugon nya. Yun lang sinabi nya gusto ko sana magtanong pa pero pinipigilan ko na dahil mukhang ayaw nya namang pag usap at sabihin ang lahat kaya hindi ko nalang tinuloy, nakita ko naman na kinurot ni tine sa tagiliran si tina at sinamaan ito ng tingin. Alam ko din na gusto din nilang magtanong kaso pinipigilan din nila! Kita sa reaksyon nila eh. "Ahm-sasabihin ko din sainyo pero hindi muna sa ngayun." Biglaan sambit ni zoe Ganun nalang ang gulat naming tatlo at nagtitigan kami. Tumingin sya samin at ngumiti hindi ko alam kung ngingitian ko ba sya pabalik o wag na na! "Maghihintay kami." Malumanay kong sambit tumango naman ang mga kasama ko dahil doon. "Sabihin mo lang kung kailan makikinig kami sis." Sambit ni tine tumango naman ang dalawa kaya tumingin kami nila zoe kila tina at chesca na patango tango lang. "Wala akong masabi eh! Pero sang-ayon ako." Kamot ulo ni chesca at nag thumbs up pa kaya lalo lang kaming natawa doon. Si tina naman na nakatingin lang. "No comment." Sambit nya binatukan naman sya ng kanyang ate kaya napakamot sya sa ulo. "Ang masasabi ko lang naintindihan ko lahat ng sinabi nyo kaya sang-ayon din ako." Lalo lang kaming ngumiti lalo na si zoe na umiling nalang at napakamot sa kanyang ulo ganun na din kami.seryosohan yun eh! Kumaway na si fina samin at nagpapahiwatig na sumabay na kami sa kanila kaya naglakad nalang kami at nauna si tina at zoe kaming tatlo nman sa likod. Tinakip ko naman ang palad ko sa aking mukha dahil sa araw na tumatama sa aking pisngi. " Pwede akong makiligo sainyo fina." Bungad agad ni chesca sa mga kasamahan namin. Natawa nalang si fina at dali daling tumango na wala man lang bakas ng pag alinlangan sa sinabi ng dalaga. "Oo naman kayo din! Pawisan eh dahil sa parade! May mga extra naman kayo siguro no?" Sambit nya. Meron ako pero pantalon at t-shirt lang wala akong panloob alangan nman yun ulit ang suotin ko pwede naman pero parang nakaka ilangan naman kung ganun! "Paghihilamos nalang siguro dahil pagod na din ako eh." Sambit ni tina sumang-ayon namin kami pero si chesca hindi. Naglalakad na kaming lahat. "Bhe may pulbos ka." Kalabit sakin ni kyla tumango naman ako doon at kinuha ang bag kong nakasabit sa aking likuran at kinuha ang aking pulbos. Nagpupulbos sya habang naglalakad kami bigla naman tumabi si zoe samin at nakisiksik sa gitna at kinuha ang pulbos kay kyla. "Pahingi ah." Sambit nya habang naglalagay ng pulbos sa kamay.nagpaalam pa nakakuha na nga eh. Tumango nalang ako doon at ngumiti nalang. Nagpasapasahan na ang pulbos ko hanggang nakarating sa unahan sa mga kasamahan pa naming marjuret kanina. Tinaas naman ng babae ang kamay nya habang hawak ang pulbos ko at tumingin sa banda namin. "Kanina pulbos to." Sigaw nya "Kay ano yan levi." Sigaw ng babaeng kasamahan nya. Napatingin nman sya sakin at ngumiti at naglakad papalapit sa aming pwesto. "Salamat ah.". Sambit nya tumango nalang ako at kinuha ito ngumiti muna sya akin bago umalis at bumalik sa unahan.ang layo ng narating ng pulbos ko ah! Tumalikod nman ako upang ibalik ang pulbos sa bag ko pero sa pag angat ko. Grupo nila chantal ang nakita ko! Katabi nya sa gilid si ry nasa gitna ito.nagiisa lang syang babae! Natalikod parin ako at nakatingin parin sa kanila. Tsk! Nakatingin sya sa babae at nangiti naman ang babae habang nagkwekwento. Kaya tumalikod nalang ko at naglakad nalang pero malikot ang ulo ko at gustong talaga tumingin doon sinabir ko ang braso ko sa braso ni tina upang makabaling ako sa likod namin upang makasabay akong maglakad sa kanya kahit ang paningin ko sa likod. Ganun parin ang ang posisyon nya pero nagulat ako ng bumaling sya sa harap at nakita agad ako. Tinaas nya ako ng kilay kaya umirap ako at tumingin nalang sa unahan ulit. "May liptint ka levi." Tanong ni Zoe sakin bumaling pa sya likod dahil nasa likod ako. Umiling nalang ako kaya nagulat sya bigla. "Eh bakit wala?" Sambit nya na akala mo disappointed sya. "Ako meron." Sambit ni tine sabay kapa sa bulsa ng kanyang palda. Nakita ko naman na kulay pula iyon. "Eh! Dapat meron ka nito kasi kailangan natin to bhe." Pakita ni Zoe sakin ng liptint na hawak nya. "Naku bhe?" Iling na iling na sambit ni kyla. Nakita ko naman kung pano ilagay ni zoe at itapat ito sa nguso nya. Maganda bagay sakanya! "Lalo kang gaganda levi sadyang kissable lips na ang labi mo at pink na kapag nababasa pulang pula lalo na siguro kapag nag liptint ka." Sambit nya kahit nagliliptint pa. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipin ko at dali dali akong lumingon sa aming likod at tumingin sa kanila at nakita kong nag-uusap Naman ang babae at si ry Napako ang tingin ko sa babae at sa kanyang labi. Ngumuso ako doon! Maganda ang labi nya at pulang pula ito at medyo nag pipink ang kanyang pisngi. Hindi ko inaasahang nakatingin na pala sakin ang lalaki at seryoso akong pinagmamasadan habang ang babaeng kausap nya ay nakatingin parin sakanya at nagsasalita pero ang paningin sakin. Umiwas nalang ko ng tingin at bumaling nalang ulit sa mga ksama ko. Pero nakanguso padin nakita kong lahat sila nakalip tint na. "Anong bagay sakin lip tint." Sambit ko ka agad napabaling naman agad si zoe sakin pati na din ang katabi. "Ahm-bagay naman sayo lahat eh." Sambit ni chesca habang nakatingin sakin na akala mo nag-iisip ng mabuti. "I think pink."sambit ni tina, umiling nalang bigla si tine na akala mo hindi maganda ang sinabi ni tina. "I think orange pink kasi bagay iyon sayo sa kutis mo and then your lips ofcourse! You look like a K-pop or korean actress." Sambit ni zoe tumango naman kaagad ang mga kasama ko. "Sang-ayon ako sayo akala ko nga dati eh chinese sya o kaya korean eh ang laki pa ng mukha." Sambit ni chesca kaya sinamaan ko naman sya ng tingin natawa nman ang mga ksama ko at tumango nalang si tine. "i will buy color orange pink liptint then." Biglaan kong sambit. Bumaling ulit ako sa likod at tumingin sa babaeng si chantal.ang kahit ng pula mas maganda ang orange pink. Nakatingin parin sakin ang lalaki at nakakunot ang noo.bakit bawal tumingin sa babae mong mahilig liptint.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD