Prologue

2278 Words
" ilang taon din bago umuwi kayo dito sa atin levi." Salubong samin ni alin celia pagbaba namin ng sasakyan " Oo nga po eh ilang taon din nga po nagtapos muna po ako at nag board exam nakapasa naman po kaya gusto ni mama dito ii celebrate iyon." Tugon ko sa kanyang tanong tumango naman sya sa sinabi ko. Matagal tagal na ilang taon ng nakalipas simula ng umuwi ako dito sa probinsya ng nanay ko quezon province subrang ganda parin dito walang pinagbago ganun parin. " Levi tulungan mo ng mag akyat si manang ng mga gamit nakatayo ka pa riyan."Sigaw ni mama kaya bumalik ako sa ulirat at pinag lalabas na ang mga gamit namin na dala nasa balkonahe sya kaya kitang kita ko ang mukha ng mama ko. " Kumusta naman iha doon sa maynila." Manang celia,ngumiti naman ako bago nagsalita. " Ayus naman po ibang iba dito." sambit ko masyado pa akong bata mong umalis ako dito ngayon 25 na ako matagal tagal na rin. " Ahmm!Mabuti naman at naisip mong sumama sa mama mo at sa mga kapatid mo na bumalik dito." tumingin muna ako sakanya at ngumiti ng kaunti. " Syempre naman po dito ako lumaki ehh,pati maganda sa probinsya manang." nakangiti kong tugon " Hahaha sinabi mo pa iha." sabay kaming naglakad papasok ng bahay upang dalhin ang mga gamit. "Doctor kana pala eh noh." Tumango nalang ako sa sinabi nya at ngumiti na rin. Ang laki din ang pinagbago ng lugar na aming ito marami ng ma pupuntahan na mga pasyalan. Bumalik ulit ako sa labas upang kunin pa ang ibang natitira pang gamit. Nakita ko yung mga kaklase noon elementarya at high school kumakaway lang sila kaya kinakawayan ko na rin at nakikipag kamustahan na din. Iba iba na sila yung ibang ka batch ko may asawa na ang iba successful na din ngayon.May kanya kanyang trabaho na. "Pasok muna ako sa kwarto ko ma,mag-aayos lang ako ng gamit ko." tumango nalang sya sakin dahil kausap nya ang dalawang kong kapatid. Kita kong malinis parin ito at ganun parin sa ayus halatang hindi na papabayaan dahil sa linis ng mga ito kaya isa isa kong binuksan ang mga kabinet ko na alam kong walang ng laman dahil lahat ng damit noon ay dinala ko nong umalis kami dito. Isa Isa kong hinanger ang mga damit ko at linigay sa kabinet pagkatapos dito sa drawer nanaman ako. Nakita ko noon ang mga picture ko noong kabataan ko pati na rin nung pagkabata ko at sa mga dati kong naging high school classmate narin. Ang dairy ko! Tagal na ng mga ito pero isa lang ang nagbigay ng ibang pakiramdam sa akin ang picture ng lalaki na ito kung saan naging dahilan ng masasakit para sakin kinalimutan ko na pati na rin ng karamihan. Hindi ko napigilan ang malungkot dahil sa litratong ito noon kaming anim na magbabarkada at parang kapatid na ang turingan. Ang picture namin ng dalawang lalaking ang nagpapaalala sakin ng lahat kung bakit ko nalaman agad sa edad kong iyon. "Tita Levina!Si levi kasama nyo ba?" Sigaw sa labas kaya pinagliligpit ko ang mga gamit ko at binalik ulit sa lalagyan na iyon. "Nandito ako El." Sigaw ko taranta naman syang pumunta sa pwesto at hinampas ako. "Isus hindi man lang sinabi na uuwi ka girl ide sana sumama ako sa pagsundo sainyo nila tita." Sigaw nya sa pag mumukha ko hindi parin nagbabago ang isang to. "Buti nalang at hindi mo nalaman." Mapang-asar kong tugon umirap nman ang gaga at ngumiwi pa. "Maging mature kana nga hindi ka parin nagbabago no." Natawa naman ako dun sa sinabi nya at naglakad pa puntang kusina sumunod naman sya akin at umupo rin sa tapat ko. "Wala kang pasalubong sakin doc." " Bakit may sinabi ba akong papasalubongan ki-aray."Bwiset talaga kaya natawa nalang ako kahit medyo masakit ang pag hampas nya sa braso ko. "Meron Mamaya na." sambit ko ngiting aso naman sya,kaya napahalakhak nalang ako at sinubo ang tinapay na natitira sa kamay ko. "Labas tayo."Sabay sunod nya sakin humarap naman ako upang sagutin ang tanong nya. "Saan naman tayo?"Sambit ko sabay salin ng tubig sa baso ko. Umirap nman sya sa sinabi ko at umupo sa upuan na naka dekwatro. "Marami ng pasyalan dito kaya magliwaliw ka muna habang hindi pa kayo bumabalik sa maynila you need to chill muna girl."Sabay cross arms nyang ani. Umiling iling nalang ako sa sinabi nya. "Sige magbibihis muna ako." sambit ko nalang. Ayon walang tigil at sumunod parin hanggang sa kwarto ko at umupo sa sofa na akala mo sarili nya ang kwarto at linibas ang cellphone nya. "Ilabas mo na yung regalo mo sakin." Umirap nman ako doon at babatuhin nya sana ako ng unan pero ununahan ko na at tinuro sa kanya ang bag pack ko. Mananakit pa eh,arte!! Pumasok na lang ako sa cr at bahala syang kalkalin ang bag ko don. "Tagal ah." Bungad nya sakin pagkalabas ko ng banyo nakita ko kung pano nya sukatin ang mga damit na binili ko sakanya tss! Mahilig talaga ito sa mga sosyalang damit ehh. Lalo na yung labas na ang cleavage nya. "Heto ang sosootin ko paglabas natin." Turo nya sa damit na suot nya na, naka itim na pumps pa. "Tita gala lang kami."Paalam nya kay mama na ngayon ay nag aayos ng mga gamit pang iba tumingin muna sya sakin at tumango at ngumiti kaya ngumiti nman ako pabalik. " Sige mag ingat kayo." Sambit ni mama kahit ang paningin ay nasa tukador. Kumaway naman ang babaeng kasama ko,pati na rin ako at lumabas na ng tuluyan hindi ko nakita ang dalawang kong kapatid,kong saan saan na naman iyon. Sumakay kami sa sasakyan nya at nag-umpisa na syang mag drive kaya inayos ko nman ang seltbelt ko. "Haysss!Ang iba natin ka batch noon iyon ang iba ay snobber na lalo pang yumayaman ikaw namn ganun na din ." Sambit nya pero ang tingin sa kalsada parin. "Bakit ikaw." tumawa naman sya sa sinabi ko. " Syempre hindi ako magpapahuli girl." natawa nalang ako at umiling sa sinabi nya. Pinark nya nagulat akong maraming tao dito sa park at ibang iba na ito pwera noon. Lalo itong gumanda at ibang iba na. Lalabas na sana ako ng may pumaradang itim na kotse sa harap namin lalabas na sana si el kaso hinila ko sya at pinaupo ulit kaya puntik na syang mauntog sa bubung ng sasakyan nya. "Bakit ba-ahh si first love?" Babatukan ko sana sya kso tumawa lang ang babae at tumingin din sa bumababang lalaki sa itim na kotse. Malaki ang pinagbago nya masasabi kong lumaki na ang katawan nya at masasabi ko parang laging nasa gym ang lalaki ito dahil sa pangangatawan nito. "Kumusta sya." Tanong ko Tumingin naman sakin ang babae at seryosong sumandal sa upuan ng sasakyan ganun na rin ang ginawa ko at tumingin ulit sa lalaki na binuksan ang pinto sa passenger seat. Isang babaeng matangkad at maputi at hanggang baywang na buhok na itim at bagsak na bagsak ito. " Ayus lang-kasintahan nya iyang kasama nya matagal tagal na rin sila, ikaw kumusta."Sambit nya kaya lumingon naman ako sakanya. "Ayus lang." sambit ko tumango naman sya akin " Alam mo gurl sayang kayo noh, feeling ko kung hindi lang mali, feeling ko hanggang ngayon kayo parin talaga!sayang noh." sambit nya nay pa iling iling pa ngumiti naman akong tipid bago nagsalita. " Walang sayang dun tama lang desisyon dahil mali iyon el."Sambit ko tumango naman sya akin bilang pag sang-ayon. " Sabagay tama nman talaga pero kitang kita ko noon ehh kung pano kayo nagkatitigan ehh ngumiti at sayang din noon ang tropa noh kunsitedor din kami ehh."Sambit nya kaya napa ngiti naman ako don dahil naalala ko nga kung pano nila kami pagkitain at para makausap ang isa't isa. "Kung nalaman nyo kaya kaagad hindi kaya pangyayari iyon." Ngumiwi nalang ako dahil pati rin ako ay hindi ko alam ang sagot sa tanong na iyan. " Pinaglayo kayo eh kapag nandyn sya pinapaalis ka kapag nandyan ka naman sya ang pinapaalis at pinapauwi ang sakit non."Sambit nya ngumiti nalang ako at binuksan na ang pintuan ng dahil nakalayo na ang dalawang magkasintahan. "Allysa iyon diba." kumunot naman ang noo nya sa sinabi ko. "Eh stalker girl." Natawa nalang ako kilala ko iyon lagi ko iyong nakikitang nag tatag sa kanya sa sss noong nasa college palang ako at kaya nalaman ko,tagal na rin nila ahh. Naglakad na kaming dalawa at kumapit naman sya sa braso ko at kaya natawa ako saan naman kaya punta naming dalawang. Noon tumatakas kami upang maggala ehh at uuwi sermon ang salubungin namin,pero kinabukas gagawin parin namin. "Hey el." Nagulat naman kaming dalawa dahil sa boses na iyon sa likod namin na papalapit kaya humarap naman ako ganun nalang ang gulat ko. ang dalawa pala.Nakakapit sa braso ng lalaki ang babae seryoso lang itong nakatingin sa pwesto namin. Ngumiti naman ako dahil kanina pa itong nakangiti sakin kaya ngumiti nalang ako pabalik. "Nandito ka?I mean kayo pala ikaw ba si levi diba." Nakita nya ata ang reaksyon ko kaya natawa sya dahil nagulat ako na kilala nya ako. Stalker? "Oo ikaw." sambit ko na naka ngiti parin. "Allysa." sambit nya at nakapagkamayan nman ako pabalik at naka ngiti parin."Tagal mo din hindi nakabalik dito sa province ahh." Tumango muna ako at ngumiti bago sumagot sa tanong nya. "Oo eh nag graduate muna ako ng college at nag board exam na din." Tumango nman sya bilang pagsang ayon doon at ngumiti sakin. " Yeah! I heard that you are now a doctor right."Tumango nalang ako sa sinabi nya. Si El na nakatingin lang saming dalawa hindi ako makatingin sa katabi nya pero alam kong nakatingin ito sakin dahil nakikita ko sya sa gilid ng mata ko kahit sa katabi nya ako nakatingin. " Pupunta kami mamaya sa celebration sa bahay nyo your mom invited us."tumango nalang ulit ako at ngumiti na rin. " Oo naman aasahan namin kayo mamaya."Sambit ko at tumingin sa katabi nya dahil hindi ko na maiwasan dahil na iilang na ako.At ngumiti dito. "Ikaw daw kasi ang pinaka close na pinsan ng boy friend ko kaya nakikilala kita."Sambit nya hindi na ako nagulat sa sinabi nya at ngumiti nalang. " Ahh oo noon pero ngayon hindi na." Sambit ko ang nagpagulat din sakanya hah hindi nya ata alam.tanga!. "-Kasi nga kababalik ko lang matagal narin iyon." Kabadong kong pahayag. Ngumiti naman sya doon at tumingin sa lalaki na ngayon ay nakatingin na din sakanya.Hindi nya na ako tiningnan ulit pero hindi ko inaasahan na tumingin sya ulit sakin kanya tumingin na rin ako sakanya at ngumiti na rin hindi sya ngumiti pabalik at binaling na ang tingin sa babaeng kaharap nya at tinanguan sya. Ngumiti muna ang babae samin "Aalis na kami." Sambit nya kaya tumango naman ako at ngumiti nalang kumaway pa sya bago tuluyang umalis kaya tumingin naman ako sa katabi ko ngayon na nakatingin na pala sakin. Ang plastic ba? "Tara na!Wala lang sayo yun?"Sambit nya ngumiti nalang ako at nagkabit balikat nalang. "Matagal na iyon El wala na sakin yun dapat ng kalimutan ang nakaraan iyon dahil alam kong sakit lang ang dulot non samin." Tumango nalang sya sinabi ko. "Sabagay mabuti na ang ganito nalang at nakalimutan na rin ng iba ang noon."Sambit nya. Kaya tumango nalang ako bilang pagsang-ayon sa kanya. Tama lang ang desisyon ko noon pero alam ko sa sarili ko na dadalhin ko ito habang buhay at kahit anong gawin kong paglimot nandito na to at tanggap ko na hanggang doon lang talaga. Masakit hindi ko maipagkakaila dahil ang totoo masakit talaga kahit hindi ko maipakita pero alam kong mararamdam ko iyon at hihilom man ito,pero may pilat parin at hindi na iyon mabubura sa buhay ko. Isa lang iyon pangaral at isang pagsubok at hindi pwedeng ipanalo dahil walang labanan na mangyayari kundi ang tanggpin ang reyalidad na wala kami sa libro hindi lahat ng gusto natin ay makukuha natin. Hanggang doon lang kami. Kahit alam kong sa edad kong iyon hindi pa iyon ang nasa isip ko kapag natamaan ka talaga kahit anong edad mo pa wala kang magagawa. "Malapit na silang ikasal." Tanging ngiti nalang ang ginawad ko sakanya. "Imbetado ba ako." Tanong ko natawa nalang sya sa sinabi ko. "Titingnan hahaha." Umiling iling ako at bumuntong hinga bago nagpatuloy sa lakad ko, mga alaala nalang ang lahat ng iyon diba? Noon sabi ko sa sarili ko baka may mali! Baka hindi talaga kami pero hanggang tumatagal natanggap ko na hindi talaga dapat iyon nangyari dahil wala kami sa teleserye at sa libro dahil nasa reyalidad kami ng buhay na kahit kailan hindi magiging happy ending dahil walang mag papasya dahil wala saamin magdidikta dahil kami mismo ang gagawa ng sarili naming istorya. Hindi lahat ng gusto natin ay makakamit natin. Sabihin natin isang aral iyon upang malaman natin ano ba talaga klaseng pagmamahal at pag-ibig sa buhay. Para sakin wala sa bata at sa edad ang pagmamahal masasabi kong tama ang pag-ibig sa high school life dito mo malalaman ang lahat dito ang una sa lahat upang ipagpatuloy ang buhay sa hinaharap. High school life ang una sa lahat kong bakit minsan sa iba namumulat ang mga tao sa mundo. Dito ang unang aral para tahakin ang iba pang pagsubok sa buhay. Ang high school ang unang daan para sa susunod na pahina ng buhay. Dito nagsimula ang pagkamulat sa reyalidad ng buhay. Hanggang doon nalang ba iyon! Tatatanggapin ang katotohan! Kahit alam mong mahirap kalimutan. Kakakalimutan ba? Hanggang doon nalang ba? "Hanggang kailan ako iiwas?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD