Intrams yan agad ang na isip ko pagkagising ko ngayon tinatamad akong bumangon pero kailangan kong maging maaga dahil may parade na magaganap at ako pa ang ginawang taga photography ni tina kaya kailangan ko talagang maging maaga feeling ko isa din ako sa kanila dahil maaga ako upang sabay kami pumunta ni tina sa school ng ganitong oras dahil sabi daw kanilang traitor kailangan umagang pumunta upang maka pag practice pa ng kaunti kaya kailangan ko ding sumama upang may kasama sya dahil si tine hindi sa sanay sa mga kausosyuhan ng kapatid kung sabagay daw alam ko naman kaya ako nalang ang sumama.
4:10 palang ng umaga eh pero ako gising na gising na habang ang ibang istudyante tulog pa sa ganitong oras dahil alas syete pa pagsisimula ang parade.
nakakainis mabuti pang sumali na lang din ako!
Dapat daw alas singko nandun na ang mga marjuret and drumers at ang lire dapat din naka soot na sila ng kanilang costume para deritsyo na.
Kakainis lang dahil mukhang magiging yaya ako ngayon dahil alam kung maraming dadalhin ang maarteng kong pinsan para sa mga gagamitin nya sa katawan nya dahil maarte iyon pagdating sa kanyang katawan.
Pero alam kung sinasadya nya ito upang kumbinsihin akong sumali din pati ang iba naming pinsan kasabwat nila dahil hindi man lang ako tutulungan at kaming dalawa lang talaga ni tina ang makakasama ko.
Naka bihis akong itim na jeans at kilay puting sneakers na sapatos at naka blue ako dahil kulay blue ang nakuha kaya team blue tuloy ako ngayon at inayos ko ang buhok ko tinali ko itong kalahati lang at may nakalugay ng kaunti ang natirang buhok at inayos ko din ang aking medyo curly na bangs at ginilid ito dahil manipis lang naman ito.
Maputi ako yan ang totoo dahil meztiza ang aking ina as at moreno si papa. Kaya sa mama yata ako nagmana.
"Levi bumaba kana riyan nandito na si tina."Sigaw ni lola sa labas ng pinto tumayo nalang ako at kinuha na ang bag ko maliit lang ito at wala na akong dala pang mga notebook.
"Tara na." Sambit ko tumango naman sya doon kita kita ko yung mga kumikinang na hugis dyamante na naka design sa kanyang damit fit ito sakanya kaya kita kita ang magandang nangangatawan nya.
Kulay pula naman ang kanyang palda na subrang iksi at medyo pa buka ito at ang boots nya na hindi kahabaan at kulay itim ito na may 3inch na haba ng takong at may dalang dalawang baton napakaganda naman ng kanilang kasuotan.
Noon kasi sa elementarya nya kami hindi ganito ka bongga ang suot ng marjuret kaya namangha ako sa ganda.
"Bagay na bagay sayo itong suot ko levi dahil maputi ka at makinis kita kita ang balat mo dito at ang pagka mestiza mo."Sambit nya at tumalikod pa upang makita ko ang design sa likod kita nga likod nito feeling desinsyo ng damit na ito ay parang swimsuit at ang panloob nya ay kulay itim na short na fit na fit at sunod ang palda ang ayus naman ng buhok nya at may naka desinsyo na balahibo at may maliit na design na parang sumbrero na maliit kulay pula ito pero manipis at aninag ang kanyang mukha pabilog ang hugis nito na naka-ipit sa naka bun na buhok nya at alam kong gel na gel ang buhok nya dahil wala man lang nakatayong mga buhok na maliit dito.
"Ganda noh."Sambit nya at tinusok pa ang tagiliran ko kaya natawa ako at umiling sa kanya.
"Halika na tss!" sambit ko na natatawa lalo tuloy syang tumangkad dahil sa suot nyang boots at may takong pa ito.
"Levi,tina sandali." Sigaw ng sino nagulat nalang kami ng si Ethan pala ito.
ang aga Naman nitong nagising!
"Bakit naman."tugon ni tina,huminga muna si Ethan at nakapamaywang samin ang liit ko tuloy tingin dahil sa kanila.
"Nagdala kayo ng bag." Sambit nya.
Bwisit? hahaha!
Napa bungisngis maman kami sakanya dahil dun.Si tina na hindi nya na mapigilan ang tawa kaya humagalpak sa kakatawa.
"-Hoy!Seryoso ako dito magdadala kayo ng bag."
Tumigil naman ako sa kakatawa dahil seryoso nga sya.
"Oo pero maliit lang hindi na kami nagdala ng gamit dahil hindi naman kailangan."Sambit ko pero pinipigilan ko ang pagtawa ko.
Tumango naman sya doon at ngumiti samin si tina naman na patawa tawa pa sa gilid ko.
"Nagising ka dahil lang dito." Sambit ni tina natawa naman ako dun dahil tumango ang lalaki.
"Oo dahil baka kasi magdala ako tapos kayo wala naman,hindi ko natanong kila ry kahapon kung magdadala sila eh nagtratraining kasi sila ng ka team nya para sa basketball." Sambit nya.
Nagulat naman ako dahil doon dahil hindi ko alam na sumali pala sa basketball huh! Hindi ko na kasi sya natanong dahil busy din ako sa pag-aayos ng classroom hindi din kami nakakapag-usap dahil ang akward lagi ng sitwasyon.
"Ganun ba anong team ang kalaban nila sa first game."Sambit ni tina tumingin naman ako sa lalaki upang mag hintay sa sasabihin nya.
"Hindi ko pa alam kung sino ang manalo sa orange at yellow yun ang makakalaban nila." Sambit nya.
Tumango nalang kami kumaway nalang kami ni ina dahil nagpapadali pala kami para sa practice nya.
Nasa gym kami bumababa sa basketball court ng baranggay hall hindi pa sa school dahil maaga pa nman pati dito sila magprapractice ng band.
Madami ng mga kasama si tina iniwan nya muna ako dito sa benches dahil kailangan nya munang makisalamuha sa kanila at sa kanilang marjuret na si kyla daw ang pangalan sya ang pipito at leader sa kanila at sa lahat na din.
Kaya kahit saan ako nakatingin dahil maganda nga ang kanilang kasuotan na miss ko tuloy maging ganyan din si lola pa mismo ang katulong ko sa pag dadamit dahil mahirap soutin ang mga ganyan,hindi ko alam pero nakangiti nalang ako ngayon habang naka tingin sa kanila.
"Sya ang pinsan mo cristina."
Nagulat nalang ako ng ituro ako ng kanilang traitor.
"Sya nga po sir?"Sambit ng aking pinsan ganun nalang kalakas ng kalabog ng aking puso dahil lahat sila nakatingin sakin ang lalaki naman na tinawag nyang sir ay unoobserbahan ako ulo hanggang paa at tumango pa.
LAt naka lagay ang kamay sa kanyang baba na tila nag iisip.
"Ahmm-maganda at pwedeng pwede." Sambit nya at patango tango pa.
"-Pwede sya at maganda din katawan nya at haba ang mga paa pwedeng pwede!Halika dito iha." Dagdag pa nya.
Pinaypay nya ako gamit ang isang kamay at nakangiti saakin ang iba pang mga marjuret eh!
"Cous tara tawag ka ni sir."Sigaw ng akin pinsan kaya dali dali akong tumayo at linapag ang aking bag sa bench at naglakad pa punta sa kanila.
Madalim dilim pa ng kaunti dahil alas singko bente palang naman.
"Pasesnya na iha ah!Rinekomenda ka kasi sakin ng iyong pinsan na magaling ka daw sa ganito at nandun ka sa mga practice namin palagi."Sambit nya kaya dali dali nman akong tumango doon kaya natawa ang iba dahil saakin.
kinakaban Kasi ako!
"Ahh-opo ganun na nga po sir." Sambit ko tumango naman sya dahil doon.
"Mabuti naman kung ganun alam mo ba at saulo mo ba ang mga step namin."
Napa ngiti naman ako dahil doon-
"Naku sir saulong saulo po nya dahil nakita ko po nyang sa bahay nila na ginagaya ang ating step kayang kaya nya po iyon."Mayabang na sambit ni tina.
Kaya napatingin naman ako sa kanya at pinagdilatan sya ng mata kaya pinagcross nya ang kanyang kamay at nilagay sa kanyang mukha na akala mo sumusuko na sya pero nagulat ako ng ngisian nya ako at dilaan.
"Kung ganun naman pala ikaw na dahil matagal na akong naghahanap pa ng isa pero walang nakapasa sa mga nag audition." Sambit nya at naglakad pa punta sa mga baton na naka helera doon at kinuha ang isa.
"-Pero bago iyon isang sample mina."
Sabay bato sakin ng dalawang baton pero nasalo ko nman ito at napangiti Naman si sir doon.
Gumilid naman sila at binigyan ako ng espasyo pero sila naka tingin sakin kaya isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko at inayos ang baton na hawak ko at nilagay sa dalawang kamay ko tag-isa sila.
Napakagat labi ako dahil sari sari ang nararamdaman ko dahil dito napakagaan naman at hindi gaano mabigat.
Tumango si sir hudyat na magsimula na ako sa aking gagawin kaya tumango Naman ako sa kanya at inayos na
Nagmarsya ako at nakalugay ang usage baton sa aking dibdib habang hawak ko ito ng maayos at ang pagkakahawak ko at pina-ikot ang isa Naman na nasa gilid ko at pinagsabay ko pina-ikot ito sa harap at sa gilid at papunta sa aking likod at tinaas ang isang baton upang hudyat na panibagong tugtugin at step naman linagay ko sa aking likod ang isang baton at naka cross ang mga paa at ang baywang na naka kurba ng maayos at naka cheep up ang aking mukha at magsimula na ulit mag marsya ng paa pero dapat nakatagilid ang aming baywang doon at balanse nmin ang aming tindig at pina-ikot ito at hinagis sa taas ang isang baton habang ang isa naman ay nsa aking likod tinaas ko ang isang kamay upang saluhin ang hinagis na baton sa ere at sinalo ito at pina-ikot ka agad sa aking kamay.
"Magaling tama na iyon dahil alam ko at nakikita kong alam mo na nga lahat."Pumalakpak naman ang mga kasamahan ko at nginitian ako kaya ngumiti ako pabalik.
"-Magpalit kana at ngayun mismo sabay sabay kayo mag prapractice at kasama ka sa parade ngayun dahil kulang ng isa sa line nila tina."Sambit ni sir.
Tumango nman ako at binigay sakin ang damit na nasa loob pa ng plastic at box at alam ko sa loob nito ang boots at isa pang plastic upang sa aking buhok.
"Kyla at kayo girls kayo na bahala kay-what's your name again."Sambit ni sir at kinamot pa ang kanyang ulo, natawa nman ang mga band mate ko
"Naku sir tumatanda na nga tayo." Sambit ng lalaki na drummers naka suot itong parang heneral dahil sakanyang kasuotan na kulay puti at may mga parang medalya basta yung sa drummers ng band.
"Tigilan mo ako gelo."Sambit ni sir at tumalikod na upang ayusin ang mga gamit.
Pumasok namn kami sa isang dressing room dito sa barangay hall usage kwarto ito at nandito ang mga gamit nila kaya linagay ko Naman ang aking bag sa tabi ni tina.
"Omg talaga matutuwa nito si ate tine dahil sa wakas nagtagumpay ako."
Sambit ni tina na tawang tawa at naki-apir pa sa mga kasamahan namin na ngayun naka tingin sakin.
"Maganda ka nga!Anong pangalan mo ay mean yung buong pangalan mo."
Nagulat naman ako dahil na realize ko nagtanong pala kanina si sir saakin pero hindi ko na nasagot dahil tumalikod na sya bigla.makakalimutin nga sya!
"Lenniana Vienne Salazar." Sambit ko tumango naman sila dahil doon.Levi nalang para maiksi."
Lalo lang sila natawa at nag retouch ng kanilang mga mukha ganun na din si tina inaayos nman ako ni kyla at nakangiti naman sya inaayos nya ang aking mukha.
"Sige mamaya ko na aayos ang buhok mo mag bihis ka muna doon."Turo nya sa pinto alam kong cr iyon.
"-Kapag hindi mo aayos ang damit labas ka dito upang tulungan ka namin para sa likod na medyo ekis ang desinsyo." Dagdag nya pa.
Tumango nalang ako at kinuha na ang mga gamit at pumasok sa loob ng cr.
"Wow ang ganda ah."Bungad ni dessa pagkalabas ko ng cr,ngumiti nalang ako dahil nahihiya na ako dito.
"Yiehh!pinsan ko yan."Sambit ni tina at pinagmasdan ako ng mabuti paa hanggang taas ng makita ako ngumiti sakin at nag wink at kuminlat pa.
Kanya kanya naman silang retouch ng mga mukha nila,ganun nalang ang gulat naming lahat ng bigla nalang pumasok ang babaeng kasamahan din namin nag dumako ang tingin saakin ay nakita ko kung pano sya nagulat at patakbo pumunta sa gawi ko at sumingit sa tabi ni tina.
"Kapal ah." Sambit ni tina dahil hinawi ng babae ang pagitan naming dalawa hindi naman sya pinansin ng babae at tumingin lang sakin at kumaway.
"Hi! Your beautiful-I'm Josefina ang bantot ng pangalan ko hindi bagay sa personality ko masyadong sinauna magagalang pa naman ang mga babae noon just call me fina nalang." Mahabang sambit nya.
Linahad nya nman kamay nya upang makipag shake hands tinanggap ko naman ito at hinawakan nya naman ang braso ko ng isa yang kamay.
"Hoy magasgas yan."Sambit ng pinsan ko at hinampas ang likod ng kamay ng babae, natawa nalang kami lahat.
"Hoy mga bhe bilisan nyo dyan nauna na si sir wala ng practice dahil alas sais na bumababa na kayo dahil pupunta na tayong school."Sambit nya at inagaw ang salamin kay tina.
Kumaway muna sya samin at ngumiti sakin bago naglakad paalis bago pa man sya nakahawak ng doorknob hinablot na ni tina ang takas ng buhok nya.
"Bwiset ka!Ang salamin ko gaga to."
Ang brutal talaga nito nakita ko naman kung pano binigay ni fina ang salamin pero pabato ito at nanlisik naman ang mata ng pinsan ko at hahabolin nya sana ito pero tumakbo ito palabas na akala mo mag mamarothon.
"Blee."Sigaw nya bago lumabas ng tuluyon natawa nalang kami dahil doon.
Sabay sabay kaming bumababa si Dessa at cassie pala ay nasa senior high school na grade 11 na pala sila malapit na daw silang umalis si zoe naman ay grade 9 na pala at si joceline naman ay grade 10 parehas sila ni fina nakisabay na din sila fina at ang tatlo nyang kasama na babae na kasamahan din namin, ang mga drummers naman ay nasa likod at sa likod namin ay ang lire at ang iba wala dahil hindi nman sumabay saamin.
Madami na kaming nakakasabay at nakakasalubong na mga istudyante at minsan na papatingin sa gawi namin at saakin kaya lalo lang ako kinakabahan dahil doon dahil titingin sila sakin at mag uusap.
feeling ko tuloy pinupuna na nila ako.
"Cassie may liptint ka ba riyan." Sambit ni kyla tumango naman si cassie at kinuha ang bag nya sa likod at binuksan ang maliit na bulsa ng kayang bag nakita ko naman kung pan sila nagkumpolan doon at dumungaw sa bag ni cassie at ganun nalang ang gulat ko dahil nagkagulo na sila .
"May pabango ka pla."
"Mahingi naman ng pulbos."
"Hoy!ako naman uubisin mo naman eh."
" Hoy! Kyla pahiram naman ng salamin."Sigaw ng pinsan ko habang pilit na inaabot sa kamay ni kyla ang salamin.
"Hoy!fina ako naman ang pulbos ko." Sigaw ni cassie kita kita ko naman kong pano lagyan ni fina ang likod nya at sa may dibdib ang pulbos.
"Hoy!Uubisin nyo ang pabango ko!Kabibili ko lang."
Pilit na inagaw ni cassie ang pabango nya kay zoe kaunti nalang ipaligo nilang lahat ang pabango ni cass.
"Hindi pwedeng hagard ako kapag nag parade dahil makikita ko dun si pres."Malanding sambit ni Dessa at kemembot pa natawa nalang kami dahil sa reaksyon nya.
"Crush ko nga si Dexter eh."Sambit ni fina hinampas naman ni Zoe ang braso ni fina.
"Crush mo din! Ako din."
Tuwang tuwang sambit ni Zoe at lumaki naman ang mata ni fina at nag apiran sila at nagtatalon kaya natawa na din kami.
"Mabuti nman!Matagal na akong may crush doon buti naman at hindi ako nag-iisang tanga dito." Sambit ni fina.
Kaya lalo kaming natawa dahil sa sinabi nya nag tango tango naman si zoe sa sinabi nya umiling nalang ako dahil feeling ko sang-ayon nga sya.
"Ako nga eh crush ko si jerry." Malakas na sambit ni joceline.
Sabay lingon samin kita ko naman kong pani bumaling samin ang mga istudyanteng naglalakad sa harap namin.
"-Oh! Bakit bawal mag ka crush huh."
Sigaw nya sa mga ito natawa naman ang mga istudyante at kaya natawa nalang ako at natampal ang aking noo dahil doon.jusko!
Subrang kulay ng marami na kaming nakakasalubong na mga kapwa namin istudyante dahil sa mga kasuotan nila.
"Yung jerry ba ay Anong grad-"
"-Omg! Don't tell me you have a-"
"Hindi! curious lang."Pinutol ko ang sasabhin ng pinsan ko dahil kung ano nman ang isipin nito.
nagtanong lag crush na agad di pwedeng curious lang kaya minsan hindi na ako nagtatanong eh!
"Si jerry ba kamo levi-grade 10 na iyon."Singit ni joceline sa usapan namin at tumingin sakin na parang (curious-ka-lang-ba-talaga look)
Tumingin naman sya kay tina at tumango sila at tumingin sakin at ngumiti silang dalawa. Ngumiwi nalang ako dahil sa kahuhulugang tingin ng dalawang ito.
Palapit na kami sa trangkahe ng gate ng school ganun nalang ang aking ngiti ng makita ko si tine na kumakaway samin at subrang lawak ng ngiti at patakbong papunta saamin.
"Omg! Cous kasali ka na."
Nag holding hands naman ang dalawa sa taas at tumingin sakin si tine ng pababa at mataas at hinawakan ang aking takas na damit.
"-Bagay na bagay talaga sayo sabi na eh." Sambit tine habang tumatango pa.
"Ako pa ba ate."Mayabang na sambit ni tina at lumapit Naman samin ang mga kasamahan namin at nakiusisa na rin
"Kaptid ka ni tina diba?" tanong agad ni Dessa pagkalapit tumango nman ang pinsan ko at nginitian sila.
"Oo at pinsan ko to." Sabay akbay nya sakin tumango nman ang mga kasamahan ko.
"Nakakahiya naman lumapit sainyo, kung naging pinsan nyo ata ako nagkakamalan akong alalay nyo." Sambit ni fina at tumingin saming tatlo natawa nalang kami sa sinabi nya dahil doon.
Siraulo!
"Pero mas maganda parin si levi eh." Sabat ni Zoe natawa naman si tine doon at umirap naman si tina dahil doon natawa naman si zoe.
"No offend bhe totoo lang."Sambit nya at binalik ang salamin ni tina sa kanya.
"Nasaan sila nash ate." Tanong ni tina bumaling naman ang babae at tumingin din ako sa kanilang dalawa upang hintayin ang sagot nya hindi ko alam pero tumingin ako sa may gate at sa likod ko pero ganun nalang naging busangot ang mukha ko dahil hindi ko makita kung sino man ang hinahanap ng sistema ko