Chapter 06

2275 Words
Biyernes na huling araw na naman ang pasokan salamat naman. "Levi bangon na riyan malalate kana sa klase iha." Bumaling naman ako kay lola na nakasilip sa kaunting awang ng pinto ng aking kwarto, tumango nalang ko sakanya at ngumiti nalang sya saakin at umalis dahil alam nya na iyon. "Kila ry ka muna sasabay dahil sila tine daw ay nauna na dahil may gagawin daw iyon sa school kaya maaga." Bungad agad sakin ni lola pagpasok ko sa kusina.Hindi ko alam kung anong ipapakita kong reaksyon dahil sa subrang lakas ng pintig ng aking puso heto naman ang pakiramdam na gusto mo nalang wag ng pumasok pa! "Sila tito po la." Sambit ko at naupo upang mag-almusal na. "Naku iha sakahan na ngayun kaya busy ang iyong mga tito sa bukid dahil nag-aasikaso iyon ng mga nagtratrabo at nag hahanap ng iba pang trabahador dahil kulang pa daw." Tumango nalang ako dahil wala na magagawa pa kung sumunod na. ang aga naman Kasi eh! Umupo muna ako sa sofa dahil maaga pa naman at ayaw ko pang pumunta sa bahay nila Rauge Yohan Aranjuez jusko hindi pa ako nakakapunta sa kanilang bahay kahit kailan,kaya lalo akong kinakabahan eh hindi ko alam daig ko pa ang mahiyain na tao dahil dito kahit pinsan ko daw iyon hindi pa ako nakakapunta doon tanging ang mga tito at lola ko palang o kaya kapatid ko. Napalundak nman ako sa sofa at dumapa doon upang hindi ako makita ng lalaking pumasok hindi ko alam at tinakpan ang aking mukha na nakasubsub sa sofa habang nakadama ako bahala na! "Si levi po lola aalis na po kasi kami." Boses iyon ng lalaki pero alam kong malapit lang sya aking pwesto dahil rinig na rinig ko ang madiin na salita na akala mo nakadungaw sya sa akin.pumikit nalang ako at kunyaring gumalaw pero ganun parin ang pwesto ko. "Naku!nakatulog pa ata ulit." Alam kong papalapit si lola sa aking dahil kita kita ko ang kanyang anino. Napakagat labi nalang ako at basta basta nalang umupo at tumayo. "JUS-MARYOSIP KA!" Sigaw ni lola aking harap napahawak nmn sya kanyang dibdib dahil don kaya nag peace sign nalang ako at basta basta hinawi ang basa ko pang buhok at nag kunwaring seryoso na tumingin sa binata na ngayun naka ngisi saakin hindi ko sya nginitiin at tinaas lang sya ng kilay. "Umalis na tayo."Seryoso kong tugon at tinuro pa ang pinto lalo lang sya napangiti kaya ganun nalang kataas ang isa kong kilay dahil don, ganun nalang ang gulat ko ng hampasin ako ng suklay ni lola kaya tudo himas naman ako sa aking ulo at ilag sa kanya, rinig na rinig ko ang mapipilyong ngiti ng lalaki. "Papasok kang ganyang ang istyura mo pinapahiya mo ating angkan!Magsuklay ka?Tanga!" sigaw ni lola. Hahampasin nya sana ako ulit kaso hindi nya na tuluyon at binigay sakin ang suklay na padabog,mukhang galit pa! Bumaling nalang ako sa lalaking nakangiti parin pero ang paningin ay sa aking lola "Jusko iho pagpasensyahan mo na!." Sambit ni lola tumango lang ang binata at ngumiti ito at bumaling sakin na ngayon lalong lumaki ang ngiti kaya umirap ako. wag mo akong ngitian ng ganyan!bwesit ako ngayon! Humarap nalang ako sa salamin at magsuklay doon, na pa ngiwi nalang ako dahil ang tigas nito ang kunat mo naman. maghapon lang naman hindi ako nagsuklay ganito ka na agad!Baka ano pa ang sabihin nito! Kita ko nman ang prepleksyon ng lalaki sa salamin na ngayun ay naka upo na sa sofa at naka dekwatro pa. Tumingin sa sakin at tinawanan lang ako kaya lalo lang ako napairap dahil doon.saya mo ah! "May pa crush crush ka pang nalalaman!Hindi ka nga nanunuklay." Tumingala naman ako dahil doon subrang takad mo na ah bakit ganun noon sa tainga ako ngayun taga balikat na lang ko bwiset. Kita kita ko ang adam's apple nya awit bat ang ganda ng pagkakubra nito, nagulat naman ko dahil tumingin sya sakin kaya umiwas ako ka agad at nauna na dahil heto naman ang lintik na feelings na ito. Subrang akward ng katahimikan dahil wala man lang lang balak magsalita dahil doon. Dapat ko ba syang kausap pero baka naman mamaya naman maging iba nman ang panahon samin dalawa ayaw ko talaga nitong pakiramdam na ito naguguluhan ako lalo eh. "Malapit na ang intrams." Basag nya sa katahimikan kaya tumingin ako sa kanya pero sa unahan parin ang kanyang paningin kaya ganun na rin ang ginawa ko. "Oo nga may naisip ka na bang salihan." Sambit ko nakita kong napabaling sya sa aking pero umiwas din. "Hindi ko alam baka wala,busy ata ako nun." Napa baling namn ako dahil sa sagot nya nakita nya ata kaya tumingin din sya saakin. "Eh! bakit." sambit ko Nakita ko naman ang pagkagulat nya kaya na akward ako sa sinabi ko. "-ah bakit ayaw-ay hindi mo alam?" nautal kong sambit pero inayus ko parin dahil nakakahiya. "Ikaw anong sasalihan mo." Eh! Ini ba ang usapan ngumiti nalang ako ng kaunti bago sumagot. "Hindi ko pa alam."Sagot ko Natawa naman sya sa sinabi ko kaya napakunot noo naman ako. "Wag ka ng sumali sa pageant-kasi ano hindi ka bagay doon."Sambit nya kaya tinitigan ko nman sya ng mabuti pero ang mata ay malikot at kahit saan nakatingin. "Kapal mo! ganda ko nga raw eh kaya bagay na bagay ako doon."Sambit ko Seryoso naman syang tumititig saakin kaya ako naman itong umiwas dahil doon. "Tsk!" Yun lang ang sinabi nya at tumingin sa bintana.Hindi na umimik pa. "Akala ko ayaw mo ng mga pageant at contents na iyan noon." Napataas nmn ako ng kilay dahil doon pano nya naman nalaman eh sila tine at tina, Ethan,nash lang lagi ko noon nakakasama hindi naman sya. "Eh!Pano mo nasabi." Tanong ko Bumaling nman ako sakanya at tumingin saakin kaya nagkatitigan kami hindi ako umiwas at linabanan ang titig nya dahil naging interesado ang aking buong sistema. "Nagtanong ako?At alam ko!" Yun lang sinabi nya at iniwan ako sa loob ng sasakyan nila, hindi ko tuloy mapigilan ang pagkagulat sa sinabi nya dahil hanggang ngayun nakatulala ako nabingi ba ako o sadyang sinabi nya iyon. Ano raw? Nagtanong sya akin-tungkol sakin talaga noon pa napappansin nya na ako noon kilala nya na ako syempre natural taga doon din sila sainyo! tanga! Pero paano bakit! interesado na sya sa akin noon pa- Bobo! Syempre pinsan nga diba? "Syempre levi natural na iyon dahil pagpinsan nga kayo diba dapat nya lang kilalanin ang mga nakakasama nya at nakikita nya kaya ganun." Kausap ko sa aking sarili at hinawakan pa ang aking dibdib dahil kanina pa ito at tumango tango at isang malakas na buntong hininga bago lumabas ng sasakyan. Baliw na ata ako? May sakit kaya ako sa puso.! Akala ko nandito pa sya sa labas yun pala wala na hindi man lang ako hinintay ahh! "Levi." Napabaling naman ako dahil sa boses na iyon na nangaling sa likod ko kaya hinarap ito,nakangiti naman ito sa akin at kumakaway ako kaya kumaway ko na din. "Kakarating mo lang." Tumango nalang so at ngumiti sakanya dahil nagangiti parin sya!sakit sa panga pre! "Sabay na tayo." sambit nya tumango nalang ako dahil wala namn akong ksabay at loner ako kung papasok ako mag-isa pero baka ano naman ang isipin ng iba dahil dito na magkasama kaming dalawa. Hayaan mo na hindi namn ito Buhay mas kilala ko ang aking sarili kaysa sakanila! "Malapit na itrams may naisip ka na ba na sasalihan."Tanong nya habang naglalakad kami sa hallway. "Wala pa nga eh." Sambit ko natawa nman sya sa sinabi ko dahil doon. "Ako kasi sa basketball ako kasali yun lang ata." Sambit nya napatango nalang ako dahil doon. "Iyon naman magkasabay." "Ang sweet naman umagang kay inlove." "Love team ng section A-7!panlaban namin yan." "Ayiee tadhana na ang mismong may dala." "Kapag tumibok ang puso wala ka na talagang magagawa kapag tumibok ito." Natawa naman ang iba dahil sa kantang iyon,napailing nalang kaming dalawa dahil doon. Sabay na din kaming pumasok at naglakad papuntang upuan dahil sa likod ko naman sya nakaupo. "Tadhana talaga ito magkasabay kayo-" "Kasabay ko sya!Tadhanang kalokuhan sabay kaming papunta dito." Sigaw kung sino man,ng ito ay pumasok sa loob ganun nalang ang gulat sa aking mukha dahil ang lalaki palang si ry ang nagsalita pati na rin ang mga kaklase naman ay napa "oh" nalang din at natawa naman ang iba. "Pero magkasabay silang pumasok." Turan ni kate basta lang binato ng lalaki ang bag nya sa upuan at tiningnan ako ng masama. "Malamang iniwan ako dun eh." huh!Wala na sya don kanina eh bakit ko naman sya iniwan eh wala na nga sya doon. "Huh!wala ka na doon kanina kaya sumabay na ako kay kiel." Inirapan nya lang ako at hindi na pinansin.problema nito!Sya nga yung nang-iwan eh! Hindi ko tuloy maiwasan na napa-awang ang aking labi. Seryoso? Wala na talaga sya doon eh? Galit ba yon? Umupo nalang ako at nag check ng attendance. "Baka may ginawa lang hindi na natin hinintay." Turan ng lalaki sa aking likod humarap ako sa kanya at linapit nya ang kanyang tainga dahil sinenyasan ko sya na may ibubulong ako. "Hayaan mo na yan,nakapasok na naman eh!hindi iyon big deal wag kang matakot." Napa-atras nman sya dahil doon at humalakhak kaya natawa ako. "Luh!bakit naman ako matatakot." Turo nya sa kanyang sarili at mayabang na pagsambit ng mga katagang iyon. "Bakit nga ba?Kita sa mukha mo eh parang natatae ka pagkapasok nya." Mapang-asar kong tugon, Ngumiwi nalang sya at umiling iling sakin at kinuha na ang bag nya kaya tumalikod na ako. Halata naman na kinabahan sya kanina kitang kita ko nga eh kung pano sya nagulat nung pumasok si ry eh nong tumingin nga samin,bigla syang umiwas. anong kayang nangyari? "Tara na mag lunch cous." Sambit ni el pagkalabas ko ng classroom ko. Medyo mahangin kaya linilipad ang aking buhok pa punta sa aking mukha. Napatalon naman ako ng mahina dahil sa lalaking bigla bigla nalang sumulpot sa aking gilid kaya nasagi nya ang aking balikat. "Ipit mo." Tumaas naman ang aking kilay dahil sa linahad nyang man-ipit ng buhok kinuha ko nalang ito at inayos ang aking buhok na laging nakaharang sa aking mukha, tumingala ako upang makita sya pero sa hindi ko inaasahang nakatingin din pala sya saakin,kaya dali dali kong inipit ang aking buhok. "Ano tatayo nalang tayo at magtitigan kayong dalawa dyan." Sarcastic na sambit ng babae sa harap naman nauna na akong maglakad kaya humabol naman si el saakin at kumapit sa aking braso kaya wala na akong nagawa at hinayaan na sya dahil nyan ang hilig nya. "May problema ba."Tanong ko sa babae dahil kanina pa sya lingon ng lingon sa akin at ry at titingin ulit sakin at iiling. parang baliw o baliw na talaga! "Wala naman."Sambit nya at sinubo na ang fries na hawak nya kanina pa, kahit nakayuko sya umiiling parin sya at hindi ko alam kung bakit. "Mamaya hindi ako sasabay sainyo." Sambit ni tina kaya lahat ng atensyon nasa kanya na. "Eh bakit naman huh!Anong gagawin mo." sambit ng kanyang ate. "May practice kami para sa intrams sumali ako sa marjuret eh." Napa wow Naman ako dahil doon mahilig parin pala sya sa sayaw. "Wow sumali ka ulit dati sa elementarya kasali ka pati ata High school ah." Sambit ni el "Syempre gusto ko iyon hanggang sa college baka?" Tumango nalang ko sa sinabi nya. "Ikaw levi hindi kana sasali doon diba gusto mo din iyon." Sambit ni tine Jaya tumingin naman sila saakin at naghihintay ng aking sagot. "Hindi ko alam."Yun lang ang nasabi ko noon talaga mahilig kaming dalawa ni tina doon minsan sabay kami,minsan Kasi hindi na nakakasama sa lesson kami pag excuse kaya minsan hindi ako makahabol sa klase noon. Nakakapagod pati dahil yung dapat na ipapahinga mo I prapractice pa po pa kahit linggo dahil kailangan dahil may pa parade. "Naghahanap na kasi ulit ng bago dahil yung mga dati ay nasa senior na at gragraduate na." Tugon ni tina at tumingin pa sakin,alam ko na tingin na iyan. "Pag-iisipan ko." Sambit ko hinampas Naman ako ni el kaya bumaling ako sa kanya. "Sumali kana ang galing mo kaya." Sambit nya. Hindi na ako umimik pa. "Sumali ka na." Nagulat Naman ako dahil doon sa sinabi ng nasa tabi ko na ngayon ay nakatingin saakin habang kumakain ng kanyang burger pa tango tango pa sya doon. "Hindi dahil magaling ka dahil iyon naman talaga ang hilig mo noon pa." Hindi ko alam kung bakit pero sa parte ito ang Saya ko na parang nakalutang ako sa mga ulap dahil doon. "Bat naka ngiti ka dyan." Gulat naman ako dahil doon sa sinabi ni el at tinusok pa ako kaya nagising ako sa ulirat. "Susubokan ko parin." Sambit ko at pinagpatuloy ang pagkain dahil lahat sila nakatingin na saakin. Ano ba nangyayari sayo!ganun lang parang nanalo ka na sa luto ah! Nakauwi na akong bahay hanggang dito kinukukit parin ako ni el at tina at tine. Si tina na nag eensayo sa sa harap namin si el na tudo kain lang sa hinandang pagkain ni lola samin ako wala naka tunganga dahil lang sa salitang iyon na hindi na mawala sa akin isipan. feeling ko din pati sa panaginip makikita ko iyon at maiisip. Normal pa ba ako? "Basta sumali ka wag mong subukan gawin mo!" Tine Kumain nalang ako at tumingin nalang kay ry pero umiwas ito at uminom ng soft drink nya. Sasali ba ako? Pero sabi ng utak ko wag nalang? Sabi naman ng utak ko sige daw? Pinanganak ba ako na hindi sigurado ang utak ko? Nakakabobo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD