Isang buwan na simula nagsimula ang klase kaya medyo nakakapagod na dahil puro lesson na ang mga guro at puro sila project kaya minsan anong oras na ko nakakatulog,minsan naman mukha akong patay kapag pumapasok sa school. "Pinapaabot po ni kua?" Tumingala naman ako sa babaeng freshmen pero ngumiti sya kaya ngumiti nalang din ako baka sabihin mukha akong mataray. Sabog ako bhe! "Kanino galing?" Mabait kong tugon. Tumingin naman sya aming gilid kaya nakita ko kung sino ang tinitingnan nya at tinuro pa ang lalaki na nakikipagtawanan sa mga kaklase. "Sabi nya po ibigay ko daw sainyo ate ganda!" Eh! Kinuha ko nalang pero nagulat ako ng umupo sya sa aking tabi at kaya ngumisi sya. Tsismosa ka bhe? "May kailangan ka pa neng?" Ani ko at inayos ang hawak sa sobreng hawak ko. Umili

