Third person pov Gaganapin ang alumni reunion sa isang sikat na beach resort sa Estancia. Isinama nga ni nonoy si Cynthia. Ayaw sana nitong sumama pero pinilit niya para makita nito kung gaano kaganda ang lugar ng Estancia. “Nakakahiya naman bakit po ba ako sinama dito. Kung iniwan mo lang sana ako sa inyo mas maganda pa siguro. “Anong nakakahiya? Mas maganda nga para makilala ka ng mga kaklase namin. I'm happy dahil kasama ko ang maganda kong nobya.”sabi ni Julz. “Tol, kuhanan mo ng pagkain si Cynthia. Baka magtampo pa sa atin yan dahil hindi natin inaasikaso. Cynthia huwag kang mahiya dahil kaming lahat ay mga walanghiya hehehe,"si Roland. “Relax ka lang kumare, huwag kang mag-alala kami na ang bahala sa pagkain at drinks mo,”si Clark. “Ayan good job mga Tol, bisita kami dito kaya

