chapter 6

1744 Words
Call it corny pero hindi ako makatulog ng maayos kagabi kaya ngayon para akong lutang. Naalala ko palagi ang aming unang halikan. Halik na namumutawi parin ang tamis sa aking mga labi at sistema. Kung pwedi lang na huwag ng maghilamos at magsipilyo para hindi mabura. Pareho kaming hindi marunong humalik ngunit dahil sa pag-alab ng pag-ibig sinasabayan namin ang bawat isa sa paraan na alam namin. Dahil sa halikan na yon may nabubuhay down there kaya agad akong lumayo. Naramdaman din siguro ni Lheen kaya bigla namula ang kanyang mukha. “God earth to Buenvenida! Kanina pa kami tawag ng tawag sayo pero hindi ka sumagot. Ano bang nangyari sayo Noy, para kanang naengkanto. Tatawag na ba kami ng albolaryo para paspasan ka,”si Roland. “Oo nga nakakagulat na ang kanyang hitsura dahil napapangiti pero nang tinawag natin parang wala naman sa sarili,”si Clark. A-eh pasensya na mga tol, a-ano nga pala ang gusto ninyong sabihin? “Ayowwnn, lutang nga siya. Tinatanong ka namin kung ano ang susuotin mo sa coronation at party mamaya. Best in chess ka pa naman, kaya dapat gwapong-gwapo tayo,”sabi pa ni Roland. Oo nga mamayang gabi na ang event namin. Nakakahiya sa girlfriend ko kung hindi maging presentable ang kasuotan ko. Siya pa naman ang tatanghaling Ms. Intramurals of the year. Naisaayos na namin ang mga dapat gawin para mamayang gabi. May konting kasiyahan din ang magaganap dahil request ng lahat na magkaroon ng konting sayawan. “Tol, umamin ka nga sa amin. Kayo na ba ng irog mo? Para ka na kasing manyak na palaging nakamasid sa kanya eh. Tapos siya naman ay kinilig na sumusulyap sayo,”tanong ni Clark. Aaminin ko na ba sa kanila ang istado naming dalawa ni Lheen? Well, nalalaman din naman nila kaya mainam na ipaalam ko na sa kanila ngayon. “Hmmm mga tol, kami na ni Lheen. Official na ang relationship namin mula kahapon. “Wooohhhh tama ang hinala ko, halatang -halata kasi sa galaw mo Buenvenida,”si Roland. Shhhh please huwag kayong maingay baka tampulan na naman kami ng tukso at baka mainis siya. Paano ba yan mga luma na ang aking damit tol. “Huwag kang mag-alala tol, magkasing tangkad naman tayo kaya pwedi kitang pahiramin ng maisusuot,”si Clark. Maraming salamat tol, kung wala kayo wala akong masasandalan. "Ang drama mo naman tol, what's friends are for nga ba kung hindi tayo handang suportahan ang bawat isa,”si Roland. Napaka swerti ko talaga sa aking mga kaibigan na ito. Wala na akong mahihiling pa sa diyos dahil ibinigay na niya sa akin ang mga tunay na kaibigan na nariyan lang palagi para sa akin. oooOooo Hi gorgeous! Ang ganda naman ng Reyna ko ngayon ah at ang bango pa. Hmmmm pa-kiss naman queen kahit smack lang. “Tsee nambubola kana naman King. Btw, ang gwapo rin kaya dyan sa suot mo. Lumilitaw ang kakisigan mo Julz,”sabi ni Lheen. Napag-usapan kasi namin na susunduin ko siya sa kanila. Magpakilala na rin ako sa mama at papa niya na magkaklase kami. Di ko pa naman pweding aminin na magkasintahan na kami ng anak nila dahil baka magalit. Pagdating namin sa aming eskwelahan, nakita ko ang excitement ng kanilang mga hitsura. Queen, doon muna ako sa mga officers para tingnan kung ano ang maitutulong ko sa kanila. “Sige mahal, maghahanda na rin ako para sa coronation night. Dapat sa harap ka umupo para makita kita kaagad at ng hindi ako kabahan,”sabi ng aking kasintahan. Anong sabi mo? Pakiulit nga ng sinabi mo. “Ang alin? Wala naman akong sinabi ah,”natawa niyang sabi. May sinabi ka kaya, sige na sabihin mo na ulit. Gusto kong marinig ulit mula sa bibig mo ang katagang iyon. “Mahal. Mr. Julz Nonoy Buenvenida mahal na mahal kita. Happy? Satisfied?,”natatawa niyang sabi. Yes queen, very satisfied. I love you too. See you later. “Tol, binatang-binata na ang kaibigan natin. Sana all kinikilig, naglalakad na parang may kasamang encantada dahil di mapakli ang mga ngiti habang naglalakad,”si Clark pagdating ko sa gawi nila. “Oo nga tol, kaya naghahanap na nga rin ako ng maliligawan eh para naman bago ganapin ang JS prom natin magkaroon man lang din ako ng inspiration,”sagot naman ni Roland. Tseee, kayo talaga mga inggitiro, ang sabihin nyo lang ang babagal ninyong gumalaw. “Ano ba ang sekreto mo Noy at napakaraming nagkakagusto sayo?”si Roland. “Tol, hindi ipinaglihi sa makahiya ang kaibigan natin. Ipinaglihi yan ng mama niya sa Chrysopogon aciculatus(amorseko). Kaya lahat ng mga kababaihan sa kanya nais dumikit. Idagdag mo pa ang pagiging philosopher niya sa mga kasagotan hahaha,”si Clark. Kayo talaga mga tol, harap-harapan niyo na akong nilalaglag. Dyan na nga muna kayo dahil tutulongan ko muna ang mga ka-officer ko. Baka sabihin ng mga noon na wala akong ambag sa student council. “Lubos-lubosin mo na ang kasiyahan mo Buenvenida dahil malapit na ang kataposan ng iyong mga ilusyon. Nasobrahan na ang iyong paglipad at ang masaklap ay kung makayanan mo kaya ang iyong pagbagsak pakkk,”bigla sabi ni Marlon habang hinaharangan niya ako sa aking dinaraanan. Huwag ngayon Tol, hayaan mong maging matiwasay ang ating idinaraos na programa sa gabing ito. Sayang naman ang iyong pinag-aralan kung sa huling taon natin sa campus na ito tawagin kang basaguliro. Dumiskarte ka sa paraan na ma-impress mo siya. Buwag ang pagiging marahas para lang mapasayo ang isang katulad niya. Kung wala kanang sasabihin excuse me Tol. Tutulongan ko muna ang mga officers natin. Hindi ko na hinintay na sumagot pa siya sa aking sinabi dahil agad na akong umalis. Walang kwenta ang makikipag-usap sa taong hindi naman utak ang pinapagana dagdag kati lang sila sa ulo. Na harapan nga ako nakaupo para makita ko talaga ang aking reyna. Pabor din naman sa akin dahil isa ako sa sc officer. Sa kanya lang ako nakatingin palagi at minsan pigil ngiti siya kapag nag flying kiss ako. “Julz, di ba pweding pang miss Philippines ang kagandahan ni Ms. Sibayan,”our adviser asked me. H-huh? Ay oo nga ma'am kakaiba naman talaga ang taglay niyang kagandahan at atalino pa. She's a example of beauty and brain. “Recently napapansin ko na palagi kayong magkasama. Pinupormahan mo ba ang reyna ng ating classroom Julz?”mapanuksong sabi ng aming adviser. Ay grabeh si ma'am di ako na inform na may pagkamosang po pala kayo hahaha. “Hoy loko ka ah, slight lang. Kinilig kasi ako sa eye contact at sign language ninyo,"sabi pa ni ma'am. Ayownnnnnn legit nga na mosang ang aming matandang dalaga na guro. Liligawan palang sana ma'am kaso may marami din kasing nagkakagusto sa kanya. Medyo tagilid tayo sa laban kaya ako po ay nagdadalawang isip pa lamang kung maaari ko bang ituloy o hindi. “Naku Buenvenida may the best man win sa ganyan. Good luck sayo kung itutuloy mo ang iyong layunin na masasagot ang iyong irog,”she said. Alam mo ma'am huwag ka pong magalit ha. Konsetindor po kayo at sa tingin ko ipinaglihi kayo kay kupido. Kasi Si kupido walang asawa pero lahat pinapana para magka-lovelife haha. “Hahaha walanghiya ka talaga Buenvenida babawasan ko grades mo,”natatawang sabi ng matanda. “Ladies and gentlemen, let's welcome to our chess master and our responsible student council vice president Mr. Julz Buenvenida. Please umakyat ka dito sa stage at tanggapin mo ang iyong award. Magbigay ka na rin ng iyong speech para sa iyong mga kamag-aral,”sabi ng host namin. Ma'am, intramurals lang ito at bakit kailangan may speech pa. Hindi ako prepare ma'am. “Kaya mo yan Julz i-motivate mo lang ang mga kamag-aral mo.”sabi ni ma'am. Ikaw ang may kasalanan nito ma'am. Ikaw ang nag-recommend sa kanila na magbigay ako ng speech. Tinawanan lang ako sa matandang dalaga kong guro. Ligawan ko kaya siya para maranasan naman niyang magkaroon ng lovelife. “Tsee Noy, ang halay ng utak mo,”my mind said. Joke lang self, wala ng mantika yang si ma'am. Magandang gabi sa ating lahat na narito para sa isang gabi ng parangal. Salamat po dito sa award ma'am, isasanla ko ito bukas para may pang-treat ako sa mga kaklase ko. Haha kidding aside guys, kinakabahan kasi ako habang kaharap kayo. Maraming salamat sa inyong partisipasyon at matiwasay nating naidaraos ang ating Intramurals. Sa aming mga guro na sumusuporta sa amin maraming salamat ma'am and sir. Sa mga kasamahan ko sa student council congratulations sa atin dahil nagawa natin ang ating mga tungkolin ng maayos at walang aberya. Sa mga nanalo congratulations sa inyong lahat. Sa mga hindi naman nanalo salamat parin dahil pareho tayong ginawa ang mga kakayahan natin. Juniors, sophomore at freshmen good luck Sa inyo for the next year intramurals. Kaming mga seniors ay ipinapasa na namin sa inyo ang trono. For our beautiful queens congratulations sa winner. Thank you sa pagbigay liwanag sa madilim na gabi. Dahil sa inyong kagandahang taglay nagliwanag ang buong campus na tila bumababa ang mga diwata, alitaptap at tala para kayo'y masilayan. Thank you. “Pak na Pak ka tol, hindi nagkakamali ang ating adviser na isalang ka sa motivational speech of the night. Masyado mong ginalingan ah, tiyak impress na impress ang reyna mo,”si Clark. “Oo nga tol, mukhang may kinikilig ng bongga,”sigunda naman ni Roland. Oras na ng uwian at heto na kami ni Lheen nag-aabang ng tricycle para ihatid siya sa kanilang bahay. Nakayapos ang aking braso sa kanyang maliit na baywang. Pasimple ko itong mamanyakin para hindi ito makatulog mamaya. Actually pareho kaming hindi makakatulog. Ipinasok ko ang aking kamay sa kanyang loss t-shirt na suot. Hinubad niya kasi ang kanyang suot na gown. Unang dapo ng aking palad ay medyo nabigla siya. Pero agad namang kumalma ng haplosin ko ang kanyang tiyan. Tinaasan niya ako ng kilay, pero ang ginawa ko ay hinalikan ang kanyang labi. Natawa nalang ako ng silipin niya ang tricycle driver. Oh paano ba yan narito na tayo, hindi na ako papasok sa loob ng bahay ninyo dahil gabi na. Pumasok kana queen tapos aalis na rin kami kaagad ni manong para ihatid niya ako sa bahay namin. Goodnight and see on Monday. Magpahinga ka ng mabuti ha, bye.....I love you! I just mouthed I love you dahil baka marinig ni manong driver...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD