chapter 13

1623 Words
“Tol, parating na daw ang anak ni sir Lucas. Magaling daw na chef yon at nag-aaral pa sa prestigious university sa Manila.”balita ng Franco sa akin. Busy kami sa paggawa ng dough para sa mga monay. Alam mo Tol, kung babae ka lang sana ikaw na yong tinagurian nilang maretes sa kanto. Ang dami mong nasasagap na balita. Ano naman kung uuwi dito sa lugar natin ang anak ni boss Lucas. Ano naman ang kinalaman ko sa anak niya? Isa pa may nagustuhan akong dalaga. Kaso nga lang bata pa eh, mukhang child abuse ang aabutin ko. “Hiwalay kana kasi sa jowa mong parang si analing kaya baka kako intrisado ka anak ni boss Lucas.”si Franco. “Sinaulo ka pala Tol, nasa mababang istado ang aking buhay. Hindi ko pinangarap na maging isang ibon na lilipad nang napakataas. Kuntinto na ako sa kung anuman ang meron ako ngayon Tol. Narinig mo na ang pinagdaanan ko sa mga may kakayahan sa buhay. Ayokong lumipad para abutin ang matayog na ulap. Dahil ayokong bumagsak sa lupa na magiging durog. Magtrabaho kana para makarami na tayo ng monay. “Itong monay na ito expert na tayo, yung monay ng mga kababaihan kailan kaya natin matitikman Tol?”baliw na tanong ni Franco. Yung palaging nagpapa-cute sayo Tol ligawan mo na. Malay mo sinagot ka, pwedi mo nang matikman ang monay niya. oooOooo Puspusan ang insayo dahil makakalaban namin ang ibang barangay. Kailangan na maging focus dahil nakasalalay dito ang malaking pusta ni Boss Lucas. Ginanahan akong maglaro dahil may munting inspiration ako habang nasa bilyaran tuwing hapon. High school student pa yata ang babaeng ito pero napaka angas niyang humawak ng tako. “Kuya, ang galing nyo naman pong maglaro ng billiard. Paano nyo po ba ginagawa ang mga tricks ninyo? Pwedi po ba akong magpaturo? Gusto ko lang na mas may matutunan akong bagong mga tricks po. Ako nga po pala si Jenny senior high.”sabi niya. Mukha na ba akong matanda at pinu-po mo? Tatlong taon lang naman yata ang agwat ko sayo eh. Sige tuturuan kita pero may kondisyon ako. “Ano po yon kuya?” Liligawan kita... “Hala si kuya oh, hindi pa nga kita kilala eh. Hindi pa po ako pwedi sa ligawan kuya. Nakaka-stress po daw yan sa life eh,"Sabi niya. Hindi naman siguro, depende na yan sa kung paano dalhin ang relasyon. Sige tuturuan kita pero kapag nahulog kana sa akin tayo na. Ano start na tayo ngayon din? “Sige po ikaw po ang bahala,”sagot niya. Huwag mo akong po-po-in, I'm julz Nonoy Buenvinida pastries chef dyan sa harap na bakery. Call me love para komportable haha kidding aside. Nonoy nalang itawag mo para hindi ka mailang. Tinuruan ko siya kung paano hawakan ng wasto ang tako. Ang Tamang position at tamang aim sa target. Take someone who doesn't keep score, who's not looking to be richer, or afraid of losing, who has not the slightest interest even in his own personality, he's free. There's a difference between playing and playing games. The former is an act of joy, the latter an act. oooOooo “Tol, nabihag na yata ang puso mo sa isang menor de edad,”sabi ng aking kaibigan. Anong akala mo sa akin over age na? Ilang taon lang ang agwat namin sa isa't isa uy. “Tol, mas maganda ang anak ni madam. Edukada yon at may pera ang pamilya.”sabi niya. Natigilan ako sa kanyang sinabi dahil naalala ko ang aking masalimuot na nakaraan. Ang nakaraan kung saan niluko ako dahil sa aking kahirapan. Nakinabang sa aking talino, ngunit sa kabilang panig ginawa lang pala akong tanga. “Tol, ayos ka lang ba?”tanong ng aking kaibigan. A-ayos lang Tol, huwag mo na akong i-reto sa isang mayaman. Wala tayong laban dyan, minsan kailangan nating ilugar ang ating mga sarili sa kanila. Sige na matulog na tayo dahil marami pa tayong gagawin mamayang madaling araw. Balang araw taas noo akong sa mga tao ay haharap, Dahil walang mahirap sa taong may pangarap. Kailangan ko lang ng determinasyon para sa hinaharap, Maaabot ko rin ang ang aking mithiin na walang kahirap-hirap. Magiging alerto ako at hindi kukurap, Balang araw makakamtan ko rin ang tagumpay na walang kasing sarap. Kung iyong iisipin na ang pangarap ay kay hirap abutin, Ang mga pangarap na nais mong kamtin. Wala kang mapapala kung pangarap mo'y di mo kayang akyatin, Walang silbi kung sarili mo'y sa kahirapan paiikotin. Ngunit kung ito'y iyong nanaisin, Magagawan ng paraan upang ito'y maangkin. Mahirap man ay maabot mo din, Mahirap man ito'y mapasayo pa rin. Sapagkat ang taong matiyaga ay pinagpapala, Walang mahirap basta't sa sarili'y may tiwala. Maging mahirap o mayaman pangarap ay makukuha, Dahil hindi ito ipagkakait ng may likha. Samahan ng dasal ang bawat ginagawa, At maging mabuting halimbawa sa mga bata, Higit sa lahat ugaliing maging mabuti sa ating kapwa. Kinabukasan maaga nga kaming nagising para sa panibago na naman naming kayod para sa ikunomiya. Kailangan ko na talagang magsumikap para mapaaral ko ang aking mga kapatid sa kolehiyo. Di bali na kung hindi man ako makatungtong. Ang importante ay makatulong ako sa kanila at magiging matagumpay sila. Naiisip ko ang dalagang si Jenny, maganda siya at napaka-pursigedo niyang matuto ng bilyar. Nakikita kong maangas tingnan ang babaeng marunong maglaro sa paborito kong laro. Bata pa nga siya pero pwedi nang anyayahan sa larong pag-ibig. Wala rin namang nagtatagal sa akin dahil hindi ko na sineseryoso ang buhay pag-ibig. “Tol, nariyan na anak ng amo natin. Ang ganda talaga oh ang puti parang diyosa ng kalikasan.”sabi ng aking kaibigan. Nang makita ko ito hindi ako kumukurap. Totoo ngang napaka ganda niya. Para siyang artista na may malaporselanang kutis. “Tol, ang laway mo tumutulo oh. Sabi mo hindi ka intrisado, eh bakit tulalang-tulala ka?”pambubuska ng aking kaibigan. Hindi naman Tol, tinitingnan ko lang kung totoo ba ang sinabi mo na maganda. Sa nakikita ko ay average lang naman ang kanyang hitsura. “Naku hindi uso ang sinungaling, kilala na kita Tol kaya huwag mo na akong linlangin. Kung nakikita mo lang ang iyong sarili kung paano namumulalakaw tiyak na kinakabahan kana. Parang nanumbalik ka sa panahon na unang tumibok ang iyong puso. “Parang alaala na ang sarap balikan, Lumipas man ang mga sandali sana'y ikaw andyan. Isang araw ako'y nakakita Ng bulalakaw sa kalangitan, Pumikit. Humiling. Na sana bigyan ako ng pagkakataon ikaw ay makapiling. Tayo daw ay nagkakilala sa maling panahon, Ngunit kailan ba naging mali ang pagibig na totoo? Sana tayo'y pagbigyan ni inang tadhana, Tatlo, dalawa o kahit isang araw lang, Maparamdam ko lang na ikaw... Oo, ikaw na nga at wala ng iba ang sinisigaw ng puso ko sinta. Maglalakad ako ng nakuluhod, Kahit pa saan sulok, Marinig lang ang dasal ko na maging tayo. Kahit kidlat man yan o bagyo ay susuungin ko, Para lang sa iyo. Kaya sana samahan mo ako, Hawakan ang mga kama'y ko, Pangako sa'yo hindi ko bibitawan ito. Dahil alam ko at ng puso ko, Na tayo sa habang panahon. Ngunit tulad ng bulalakaw nung araw na iyon, Ikaw'y naglaho kasama ng pangako, Ako'y binitawan sa gitna ng bagyo. Ngayon isa ka na lang alaala sa buhay ko na dati ay umiikot sa iyo.”mahabang litanya ng aking kaibigan. Tumahimik ka tol, kung ayaw mong malintikan ka sa akin. Dinadaan mo pa ako sa makatahang patalastas. Gawin mo na yang trabaho mo para matapos na tayo. At tsaka baka magkamali ka pa sa pag templa ng dough. “Mga hijo, hija nais ko lang ipakilala sa inyo ang aking anak na si Anna. Galing siya sa Maynila dahil doon siya nag-aaral. Ngayon ay dito na siya mamamalagi at siya na muna ang bahalang mamamahala sa negosyo habang ako'y magbabakasyon sa ibang bansa. Paki-alalayan nyo siya hanggat hindi pa niya kabisado ang pag handle ng bakery. Anak ito si Nonoy ang magaling nating panadero. Noy, minsan turuan mo itong anak ko para matutunan niya ang tamang templa ng pagawa ng masarap na monay dito sa Iloilo.”sabi ni nanay Rosa. Sige po nay susubukan kong turuan ang anak ninyo para matuto siya. Mukhang maldita po ang anak nyo huwag niya lang akong awayin para hindi kami magkaproblema. Sinabi ko na sa harap ni nanay Rosa dahil nakita ko siya na tiningnan niya ako from head to foot. “Hahaha bakit mo naman nasabi yan Noy? Mabait itong anak ko at sanay na makihalubilo sa kapwa. First impression mo lang yan na maldita si Anna pero ang totoo kalog at mabait iyan.”sabi ni nanay Rosa. “Aba uy, maldito ka rin dahil harap-harapan mo akong sinisiraan sa nanay ko. Ka hambog mo haw, namet tuslokon na imo kalimutaw.”sabi pa ni Anna. “Nay Rosa, may aso't pusa kanang alaga. Mukhang hindi mauubos sa pagbebenta dahil mauubos sa pagbabatuhan ng dalawa,"singit ni Franco. Tol, mukhang mangiyak-ngiyak na yon ex mo sa gilid oh. Pustahan tayo aalis na yan sa trabaho.”dagdag pa niya. Sino ba ang unang bumitiw, di ba siya. Kasalanan niya yon kaya wala na akong obligasyon sa narararamdaman niya. Hayaan mo siya at huwag mo nang pansinin pa. Mas maganda yong bagong chicks sa bilyaran. Pilyong nginitian ako ni Franco. O sige kayo na ang bahala sa negosyo natin huh. Kailangan ko rin ng pahinga kaya magbabakasyon muna ako. “Sige nay Rosa magbakasyon ka hanggat gusto mo basta pag-uwi mo huwag nyo pong kalimutan ang pasalubong namin. No pasalubong, no enter your house,”pagbibiro ni Franco. “O Sige tatandaan ko yan, basta double ingat kayo dito”si nay Rosa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD