Julz pov Kahapon kinahaponan hindi man humupa ang ulan sinundo naman kami ng aking mga kapatid. Labis daw na nag-alala sina nanay at tatay kaya naisipan nilang puntahan kami sa kubo ni tatay. Nakakainis mga epal talaga itong mga kapatid ko. Kung hindi lang nila kami sinundo eh di sana sa kubo kami magpapalipas ng gabi at masusulit na rin sana namin ang malamig na panahon. Alam kong nahihirapan sa paglalakad si binibining maliit. Bukod sa maputik ang daan mahapdi rin ang biniyak kong buko. "Kuya hinanap ka nila kuya Roland at Clark. Tuwang-tuwa sila nang malaman na nakauwi ka na dito sa atin. Pupuntahan ka daw nila dito mamayang konti. Aanyayahan ka yata nilang pumunta sa Fiesta sa kabilang baranggay. May liga din daw kasi ng billiard at ang sabi nila ikaw daw ang ilalaban nila."sabi ng k

