PANIMULA

443 Words
Naglalakad ako ng diretso habang nakayuko dahil nais ko ng umuwi sa aming bahay sa di' inaasahan ay may naka bungguan akong lalaki at ako'y napaupo hindi ko mawari kung sino ito dahil sa ako'y nakayuko lamang at pinipigilang tumulo ang mga luhang nais ng kumawala dahil sa sakit at takot na baka ito'y magalit saakin. "Bata ayos ka lang? Paumanhin hindi ko sinasadya" paghingi ng paumanhin sakanya ng lalaki at agad naman niyang itinaas ang kaniyang ulo upang masilayan ang lalaking kaniyang nabangga, ng makita niya ang mukha nito tila ba huminto ang lahat pati narin ang lalaking kaniyang nabunggo tila ba tumigil ang mundo ng masilayan n'ya ang mukha ng paslit na kaniyang nakabungguan. "Paumanhin, maayos lang po ako" nakangiting turan ng paslit sakanya habang nakatingin sa binatang prenteng nakatayo sa kanyang harapan, nilibot ng binata ang kanyang tingin at ng mahagip ng kaniyang mata ang mahabang upuan ay agad niyang inalalayan ang bata "halika bata, tara at umupo muna tayo kahit saglit lamang nais ko lamang tignan kung may sugat kang natamo, paumanhin ulit" saad ng binata sa bata at inalalayan ito hanggang sa nakarating sila sa upuang nakita ng binata. Agad namang umupo ang bata na tila ba komportable sa kanyang kasama. "Ah bata, nais ko bang malaman ang iyong ngalan at kung ilang taon kana?" Biglaang tanong ng binata at agad naman siyang nakangiting tinignan ng bata "Ang ngalan ko'y Maria Cristiena Alonzo at ako'y labing apat na taong gulang, ikaw maari ko bang malaman kung ano ang iyong ngalan at ilang taon kana?" Pabalik na tanong ng batang si Cristiena sa binata "Ang ngalan ko'y Diego Mariano at ako'y dalawampung taong gulang na" Sagot ng binata sakanya, tila nabigla naman si Cristiena ngunit nabalik rin sa ulirat ng biglang magsalita si Diego "ka'y ganda mo, tandaan mo ang araw na'to at hahanapin kita pagdating ng tamang panahon, ikaw ang nais kong pakasalan at magiging ina't tagapag mana kung anong meron ako" mahabang lintaya ni Diego habang hinahaplos nito ang pisnge at hinalikan kasabay no'n ay ang pagtayo at paglisan ng binata habang si Cristiena naman ay nakatulala lamang habang pinagmamasdan ang papalayong si Diego. Nabalik siya sa ulirat ng tinawag siya ng Ina nito "Maria anak!" Tawag ng kaniyang Ina sakanya "Nay, paumanhin ho napag-isipan ko lang na umupo dahil sa pagod na akong maglakad" paliwanag ni Cristiena sa kaniyang Ina at naniwala naman ito. Author's Note: —Ipagpaumanhin n'yo ang aking mga pagkakamali. —pagkakamali ko'y maari nyong punahin ngunit ang panglalait ay hindi tama. Ito ang pinaka unang kwentong aking ibinahagi sa app na ito nawa'y inyong maunawaan ang aking mga pagkakamali iyon lamang maraming salamat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD