Binalak ng magulang ni Athena na isama nila ito papuntang Amerika lalo pa hindi pa tumitigil ang tensyon ng dalawang magkapatid. Nalaman ko kay Terylene na araw-araw sinusugod ni Athena ang kakambal nito kaya mas pinadali nina Tito at Tita ang pag-aasikaso ng pasaporte. Lumipas ang tatlong linggo, muli kong nilakasan ang loob para harapin si Athena at paamuhin ito na sumama sa akin kaya kasalukuyan na akong naglalakad patungo sa kanilang hotel na kanilang pansamantalang tinutuluyan. Ipinaalam ko na rin ito sa kanyang private secretary. Kumatok ako saka ito bumukas. Gulat si Athena nang makita niya ako. "Greige?" Bigla niya akong niyakap at di na lang ako tumanggi. "Bilisan mo na..." Binigyan niya ako ng nakakatakang tingin. "Bakit?" Nakanguso niyang saad. "Pack your things now. Mahuh

