Third Person’s Point of View Laking gulat ng dalaga nang makita ang ex-boyfriend nito. Wala siyang ka-ideya na pupuntahan siya ng binata. "Good morning." Masayang bati nito sa kanya at ginawaran din ni Althaea ng isang ngiti. "Sorry if I disturbed your sleep. I just want to see you for a minute." dagdag pa ng binata. "No, Zen. Ayos lang. Actually, nagulat ako sa biglaang pagbisita mo." "You're still the same." Nakangiting tugon nito. "Siya nga pala nakahanda na ang breakfast. Wanna join?" Pag-iiba muna ni Althaea ng usapan saka siya naglakad patungong kusina at sumunod na rin si Zen. Iniwan lang muna saglit ni Althaea ang binata para makapag-ayos ng kanyang sarili. Mga ilang minuto ay bumalik kaagad siya sa sala at napansin niyang naiinip ito sa paghintay. "Bakit hindi ka na lang

