K31- Aries Meets Marco's Father

1301 Words

"Aries, anak, bumangon ka na riyan. Tanghali na. Hindi ka pa kumakain," wika ni Aling Dolor habang kinakatok ang pinto ni Aries. Hindi ito nakapasok sa trabaho. Nang hindi ito sumagot ay minabuti niyang pumasok na nang kusa sa kwarto nito. Umupo siya sa tabi nito. Gising naman ito ngunit parang wala pa rin sa sarili. "Ano ba talaga ang nangyayari sa iyo, anak? Nag-aalala na ako sa iyo nang sobra." Hinagod nito ang likod ng dalaga. "Halika na. Bumangon ka na. Ipinagluto kita ng paborito mong ulam." Inalalayan niya patayo ang anak. Tulala pa rin itong naglakad patungo sa lamesa. Naupo ito. "Kain na, anak, habang mainit pa ang kanin," malambing na wika ni Aling Dolor. "Sige na." Tumango si Aries at nagsimulang sumubo. Ilang minuto pa lang ang lumilipas ay tumunog ang kanyang cellphone. Nar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD