"I will tour you around," wika ni David kay Aries pagkatapos nilang kumain. "Mas maganda sana sa umaga kita ilibot, pero tutal ay nandito ka na rin naman, bakit hindi na lang natin gawin?" He smiled. Aries walked beside him. Nagsimula siyang i-tour ni David sa labas ng mansyon. Napakalawak ng pool area. Nai-imagine na ni Aries ang sariling lumalangoy roon habang suot ang paborito niyang bikini. "Walang masyadong gumagamit ng pool," wika ni David. "Nagmistulan na lang siyang accessory dito. You can bring your friends here anytime. You can have a pool party, and I won't mind." Ngumiti lang si Aries. Sunod na ipinakita ni David sa kanya ang malawak na Garden sa likod ng mansyon. Gabi man ay punong puno naman ang Garden ng sangkatutak na ilaw. "Sayang at hindi mo makikitang nakabukadkad a

