Ano ang pinagchichismisan ng mga empleyado? Sa sobrang ingay nilang lahat, hindi ko na marinig kung ano ba ang topic nila," naiiritang wika ni Aries pagkapasok niya sa opisina. "Iyan agad ang itatanong mo, baks?" protesta ni Mae. Hindi ko man lang ba tatanungin kung kumusta ang first night namin ni Alex?" Actually, second night na nga, eh. Ayaw ko pa nga sanang pumasok kasi nami-miss ko kaagad ang asawa ko. Kaso ang dami naming nagastos sa kasal. Kailangan kumayod ulit para makapag-ipon." Aries rolled her eyes. "Para namang virgin ka pa. May pa-first night first night ka pang nalalaman," paungot na wika ni Aries. "Ano nga sabi ang pinag-uusapan ng mga tao?" Bumuntong-hininga si Mae at umismid. "May anak daw si boss David," untag nito. sa Napaawang ang mga labi ni Aries. "Anak? Sino?"

