K29- The Bridge

1312 Words

Ilang oras ding gumala si Marco nang walang patutunguhan hanggang sa naisipan niyang dumeretso sa tulay kung saan siya nag-propose kay Aries. Ipinarada niya ang motor at naglakad sa mahabang tulay. Madaling araw na kaya mangilan-ngilan na lamang ang mga sasakyan at taong dumadaan doon. Pumikit siya at humugot ng hangin sa kanyang baga at ibinuga iyon. Sinariwa niya sa isip ang masasayang mga alaala nila ni Aries. "Kapag nag-asawa na tayo, gusto ko ng kalahating dosenang anak," wika niya kay Aries habang nakahiga ito sa kanyang braso. Iyon ang pinakapabirito niyang ginagawa ng nobya. Ramdam na ramdam niya kasing sa kanya ito. "Huh? Grabe ka naman!" protesta ni Aries. Hinampas nito ang kanyang kalamnan. "Tatlo lang ang gusto ko. Sakto lang ang tatlo." Lumabi ang dalaga. Hindi nakatiis

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD