"What took them so long?" reklamo ko habang nakadukdok sa table.
Kaming apat nalang nina Kaz, Heira, at Aldrin ang nasa Kalasag. We are waiting for Tanya and Thalia. Naisipan nilang gumala kaya heto kami, nag-hihintay sa Kalasag kaysa pumasok sa klase.
We're excuse at the same time lazy as f**k.
Lahat ng writers ay umuwi na kasi nga pwede na. Buti nalang din at hindi nagtagal dito si Vren kanina, iniwan niya lang yung gamit niya.
He's f*****g annoying.
Napa-angat ako ng tingin nang tumawa si Aldrin.
"Baklang 'to napakabugnutin," aniya habang nakatingin sa salamin ng hawak niya.
"By the way, who's the gay you are talking to earlier, Lexi? A participant?" biglang tanong ni Heira kaya napatingin kami kay Kaz at natawa.
"As far as I remember, he said he was Vance Dascenzo," I said while looking on Kaz.
She raised her brow to me.
"Nice, let's try to search it," Heira said while facing her phone.
"Go bakla," sabi naman ni Aldrin na nasa tabi niya at nakasilip din sa cellphone.
Naka-kunot ang noo ni Heira habang nakatingin sa phone.
"Sure kayo? Gay talaga 'to?"
"Same reaction," Kaz said.
"He's handsome and hot as f**k," Heira whispered while looking at her phone.
"True bakla, kung nakita mo lang si Kaz kanina," Aldrin said, mocking Kaz.
"Legit," gatong ko. "I bet Kaz is silently praying right now for Vance to win the contest."
"Epal, sana rito nalang talaga si Vren," bawi niya.
I immediately gave her a death glare.
"Sisipain kita palipat ng English," sabi ko sa kaniya pero tinawanan lang ako.
"I don't know bakla ah pero bakit nagtaka lang siya kanina sa sinabi mo? Hindi man lang affected?" Aldrin asked.
I also wondered why? He have the guts to show up huh? Perhaps, he doesn't know the owner of the article he stole.
"Maybe, playing innocent?" I asked.
"Right," Heira agreed. "I think he will be your contender for EIC position, especially that Kreigh is on English now."
"Oo nga, dati nasa Editorial box natin siya dahil sa article mo. Pero ngayon, siya mismo ang nasa Kalasag," parang nananakot na sinabi ni Kaz.
I smirked perilously.
"I'm not threatened though, let's see his best."
Bukod sa 'kin, si Kreigh ang isa sa mga gustong maging EIC. Well, all of us wanted it, but not so persuasive unlike me. Ever since it's my dream.
Napatingin kaming apat nang biglang bumukas yung pinto. Magkasunod na pumasok si Tanya at Thalia.
"Finally," Heira said.
"Saan tayo mga bakla?" tanong agad ni Thalia nang makalapit sa 'min.
"Oo nga?" Kaz asked too.
Nagtaas ng kamay bigla si Tanya. "Sa foodpark malapit dito. May promo raw sa isang samgyupsal doon!"
We all agree to Tanya's suggestion. Walking distance and there's promo.
"Lakarin nalang natin mga bakla. Malapit lang naman dito sa Gorostiza 'yon," suggest ni Aldrin.
"Alright, it's just three in the afternoon," I said while we're walking outside.
Lumakad na kami palabas ng Gorostiza High. Senior high palang ang mga nag-uuwian ngayon kaya hindi pa masyadong marami ang estudyanteng nagkalat.
May mga tumitingin sa 'min tapos biglang nagbubulungan. Maybe they know us? Well, writers kami dito kaya siguro. Si Tanya naman ay suki sa mga pageant dito. While Thalia is a member of our dance troupe here.
"Thalia!" someone called.
Thalia waved her hand to her. She looks like a running councilor.
Nang makalabas ay nagtatluhan kami sa daan dahil masikip. Nasa unahan namin nina Heira sila Thalia, Aldrin, at Kaz. At kami nga nasa likuran.
"Buti nalang hindi masiyadong mainit. Hindi ako mahahaggardo versoza!" ani Aldrin na pumipilantik pa ang daliri.
May mga iilang estudyante kaming nakasabay. May napapatingin pa sa gawi namin dahil ang ingay ng tawa ni Kaz at Aldrin.
I turned to Tanyan when I suddebly remembered something. We began talking in the midst of the walk.
Dahil may pinag-uusapan kami, hindi namin napansin na biglang huminto sila Kaz sa unahan namin. We bumped on their back.
"What?" reklamo agad ni Heira.
Imbis na magpatuloy ng lakad ay humarap sila bigla sa 'min na mukhang kabado. Nagtaka ako sa itsura nila kaya napatingin ako sa unahan.
My brows furrowed when I saw five boys. May mga dala sila tubo at kahoy, mga tipikal na pariwarang kabataan.
Biglang pumunta sa likod namin sila Aldrin at kami ang iniharap. Naglakad palapit sa 'min yung mga lalaki. Itinulak pa 'ko nila Kaz sa harap.
"What the heck Kaz. Akala ko ba gusto mo magpulis tapos takot ka riyan agad," sabi ko na natatawa.
Tiningnan niya 'ko ng masama.
"Gago ka ba? May mga tubo kayang dala!"
Napatingin ako kay Aldrin na mas takot pa kay Kaz. "Ano baks, sayang naman 'yang espada mo. Pagtanggol mo kami."
"Bahala ka na bakla! Malaki ka na, kaya mo na 'yan," aniya at bahagya pa 'kong tinulak.
Napalingon ako ulit sa mga lalaki na ka-edad lang ata namin.
Tinuruan kami dati ni Kuya Miro at Lucien na lumaban. Siguradong kaya ko silang lima kahit may tubo pang dala.
"Ang gaganda mga pre, tiba-tiba na!" sabi nung isa na hindi ko alam kung naliligo pa ba.
Napatingin ako sa isang lalaki na tumawa.
"Sakto mga pre lima yung mga babae. Yung bakla iwan na 'yan!"
"Aba, ang kakapal at ang papangit!" bawi ni Aldrin.
"Just shut up, Aldrin," masungit na sabi ni Heira.
"Let Lexi," Thalia added.
Ngumisi ako sa kanila.
"Tingin niyo ba sasama kami sa inyo?" tamad na tanong ko.
"Syempre kami pa ba. Kung ayaw nila, kahit ikaw nalang sa 'ming lima ngayon gabi?" mayabang na sabi nung isa.
I looked at him with disgust swept on my face.
"Buti kung papatol ako sa inyo. Baka nga pati mga bakla manghinayang sa 150 nila kung sa inyo lang mapupunta."
"True 'yan," sang-ayon ni Aldrin.
"Sumama ka nalang Lexi. Kami nalang ang magsa-samgyup!" natatawang biro ni Kaz.
Tiningnan ko siya ng masama.
"Tama yung singkit. Sama ka na sa 'min babe!" sabi nung isa at medyo lumapit sa 'kin.
I saw him groping something on his pocket.
I stepped closer to him.
"Okay, sure."
"What the hell?" I heard Tanya's curse.
Hinakawan ko nang marahan kunwari yung kabilang kamay niya habang nakatingin sa kaniya. Halata namang nadala siya kaya hinigit ko nang mabilis 'yon.
Pinatalikod ko siya habang hawak ang kamay niya. Tsaka ko sinipa sa likod ng tuhod niya para mapaluhod siya.
Kinapa ko agad yung bulsa niya at nakuha ang punyal tapos may sachet pa ng droga. Binato ko sa sahig yung sachet tsaka pinaglaruan sa kamay yung punyal habang nakatingin sa kanila.
Nakita ko sa gilid na pinulot ni Aldrin yung sachet na 'yon.
"Ano 'to? Tawas?"
"Ay journalist ka? Bobo shabu 'yan!" sagot ni Kaz at kinuha 'yon tsaka tinapon sa kanal.
Naalarma agad yung mga kasama niya.
"Putangina?"
Akmang susugod na sila kaya naghanda ako pero biglang nagsalita yung hawak ko.
"Teka 'wag! Nakita ko sa ID, Levesque siya!"
Natigil sila sa pag-sugod kaya nagtaka ako. I was about to ask when I heard a familiar voice behind.
"Hoy ano 'yan?" tanong ng magaling kong kapatid sa mga lalaki.
At her back was Azea.
Nagulat siya nang makita ako na may hawak na lalaki. I glared at her immediately.
"Nag-cutting na naman kayo?" tanong ko sa kanila ni Azea.
"Anong ginagawa niyo Jonas?" tanong ni Leuxia sa isang lalaking malapit sa kaniya.
Kabado 'yon na nakatingin sa kaniya.
"Ikakama raw nila ate mo Leuxia!" natatawang sumbong ni Kaz.
"Kung kaya niyo," nakangising sabi ni Azea.
"Ka-kapatid mo siya L-leuxia?" nauutal na tanong nung Jonas. "Kaya pala..."
"Umalis na kayo bago ko pa kayo lumpuhin isa-isa, mga tarantado!" sigaw sa kanila ni Leuxia tsaka sinipa si Jonas.
Patulak kong binitawan yung hawak ko.
Agad ko silang nilapitan ni Azea tsaka binatukan.
"Bakit nag-cutting na naman kayo?"
"Ate," reklamo ni Leuxia na nagkakamot ng ulo.
"Boring," ani Azea na nakahawak sa ulo.
Bahagyang lumapit si Kaz sa amin.
"Hi Azea!" bati niya kaya napatingin ako at tinaasan siya ng kilay.
"Hello ate Kaz," balik ni Azea at ngumiti ng tipid.
"Ay Ate. Okay lang 'yan Kaz," ani Thalia habang inaalo siya kunwari.
"Gago ka?"
Napalingon ako sa paligid. May iilang estudyante palang nakatingin sa 'min kanina pa. Buti hindi natuloy yung suntukan at yari kami nito.
"Saan ba kayo pupunta?" Leuxia asked in a sudden.
"Sa foodpark Leux," Heira answered her.
Naglakad na kami ulit sabay-sabay papuntang food park na parang walang nangyari.
Nang makarating kami ay tinuro agad ni Tanya kung saan. Pagpasok namin ay nagtinginan ang mga taong kumakain doon. Halos lahat ay taga-Gorostiza at naka-uniform pa gaya namin.
Isa pa kaya kilala ako sa Gorostiza ay dahil sa mga katarantaduhan ng kapatid ko at ni Azea. Minsan ay ako pa ang pinagbalakan abangan sa gate, mga tanga.
Buti nalang at may bakante pang table na sakto kaming walo. Umorder na kami ng marami syempre, tsaka promo naman. Habang nag-iihaw na si Tanya ay may biglang lumapit sa table namin.
"Excuse po, pwede po bang magpapicture kay ate Tanya?" tanong ng isa sa dalawang Junior high na lumapit sa 'min.
"Ah sige," ngumiti si Tanya at tumayo.
"Mga bakla gawin nating puhunan si Tanya," bulong ni Aldrin na natatawa. "Junior may bayad kada shot!"
Nagtawanan kami sa table. Nang matapos ay akala ko ay babalik na yung mga JHS. Pero biglang siyang lumapit kay Aldrin at inabot ang cellphone.
"Ah kuya, pwede po bang papicture kami kila ate po."
"Kuya?!" takang tanong niya na napipilitang tumayo. "Kuya talaga?"
Nagtawanan sila bago ngumiti para sa picture. We are used to it, Tanya in particular. Well, she's a part-time model and always a winner on our pageant contests here.
"Thank you po, ang gaganda niyo po!" sabi nila nang matapos. "Thank you rin kuya!"
Inirapan siya ni Aldrin.
"Kuya ka nang kuya kanina pa. Sasambunutan kita riyan? Batang 'to," pabiro niyang sabi.
Tumawa lang yung junior high.
"Thank you ulit kuya, pogi mo!" aniya bago umalis.
"Gaga! Maganda ako!"
Buti ay wala nang sumunod na nagpapicture kasi nagsimula na rin kaming kumain. We shared some stories with each other while eating.
"Guys, let's take a picture!" ani Heira na nilabas na ang monopod niya at itinaas 'yon.
We smiled before we continued eating again. We enjoyed the time with each other. Sayang lang at kulang kami ngayon.
Pagtapos kumain ay sabay-sabay na kaming lumabas. Nauna nang umuwi sila Heira kasabay sina Tanya at Kaz. Si Thalia ay sinundo na rin at sinabay si Aldrin.
Ako nalang ang naiwan sa food park dahil babalikan pa raw nila Leuxia yung motor nila kung saan nila iniwan.
Hinihintay ko sila at kay Leuxia na 'ko sasabay para hindi na magpasundo pa kay Kuya Norbert, driver namin.
Habang naghihintay ay napatingin ako sa dadaan sana sa harap ko. Si Vren at may kasamang babae. Napatingin siya sa 'kin at bahagyang nagulat.
Umiwas nalang ako ng tingin habang naghihintay kay Leuxia.
"Levior..."
Tinaasan ko lang siya ng kilay. Nakita kong nakatingin ng iba sa 'kin yung kasama niya.
Maganda yung kasama niya. She got the jetblack straight hair and morena skin. Can pass as his girlfriend... maybe?
He chuckled.
"Grumpy?"
I rolled my eyes and didn't mind him. Wala ba talaga siyang alam huh? He looked stupid mocking me.
Nakahinga ako ng maluwag nang makitang magkasunod na dumating sina Leuxia at Azea.
"Tagal mo," bulong ko kay Leuxia habang umaangkas.
Nagtataka niya 'kong tiningnan.
"Hindi naman?"
"Have a good night Levior!" sigaw pa ni Vren bago humarurot si Leuxia.
Narinig ko ang tawa ni Leuxia.
"Crush mo 'yon? Gwapo."
Hinila ko yung buhok niya dahil nasa likod ako.
"Shut up."
Narinig ko ang busina ni Azea kaya napatingin ako. Kinawayan ko siya bago makaliko sa daan pauwi sa kanila.
Nang makarating sa mansion ay naabutan ko si Mako sa labas at mukhang kakarating lang. Pagkababa ko sa motor ni Leuxia ay agad ko siyang nilapitan at binatukan.
"Akala ko ba sinabay mo si Leuxia kanina?"
"Aray gago!" reklamo niya. "Oo nga sinabay ko siya. Hindi mo naman tinanong kung nag-cutting eh."
Tiningnan ko siya ng masama.
"Dumb shit."
Napatingin kami bigla sa pinto nang magsalita si Lola Lia.
"Aba't nagmumurahan na naman kayo riyan?"
I faked a laugh.
Pagka-mano ko ay diretso kutos siya. Ganoon din ang ginawa niya kay Leuxia at Mako. Kasing lutong ng mura namin yung kutos niya sa ulo.
"Pumasok na kayo sa loob mga apo," malumanay na sabi niya.
Kaming apat lang ang naka-tira sa mansion na 'to. Lahat ng relatives namin nasa Estados Unidos. Pati ang parents namin.
Kami ng kapatid ko at pinsan lang ang kasama ni Lola dito bukod sa mga katulong at guwardiya.
I immediately go to my room and took a bath. Bago maligo ay binuksan ko na ang aircon kaya paglabas ko bathroom ay ang malamig na.
Dumiretso ako sa walk in closet para magbihis. I'm wearing a pair of gray pajamas as I wen t out.
Napatingin ako sa pinto nang may biglang kumatok.
"Ma'am Lexi yung uniform niyo po?" sigaw niya sa labas.
"Wait," sabi ko at kinuha sa bathroom ang uniform.
Kinapa ko ang bulsa ng skirt para kuhain yung cellphone ko. Binigay ko agad yung basket kay ate Rhea, kasambahay namin.
Umupo ako sa reclining chair tsaka binuksan yung cellphone ko. Ang daming notification. Binuksan ko muna yung gc namin sa Twitter para mag-update na naka-uwi na kami.
Sunod kong binuksan yung f*******: dahil ang daming notif. Isa na ro'n yung post ng nagpapicture sa 'min kanina. Nagbasa ako ng ilang comments na puro 'sana all' lang.
I rarely open this app.
At sa Twitter kung saan kami nagkakalat. Sa gc namin sa Twitter kami nag-uusap ng kung ano-ano. Doon din nilabas ni Heira yung picture namin kanina. We don't know why but we prefer Twitter more than f*******:. And sometimes IG.
Natigil lang ako sa pagce-cellphone nang may kumatok na naman.
"Ma'am, dinner na raw po sabi ni Madame!" dinig ko ang matinis na boses ni Mariana.
Kasambahay din namin na halos ka-edaran ko lang.
Maaga siyang nagtrabaho dahil sa kahirapan, wala naman na sigurong ibang dahilan. Binuksan ko ang pinto at tinanguan lang siya. Nasa likod ko lang siya at nakasunod.
Huminto ako ng lakad tsaka siya hinarap.
"Mariana, do you want to continue your studies?" I asked her.
Ngumiti siya sa 'kin.
"Kung may pera lang Ma'am baka pati araw ng bakasyon ay nag-aaral pa rin ako," sagot niya pabiro.
I glared her.
"I'm serious here, Mariana."
"Syempre Ma'am. Kaso nag-aaral po yung kapatid kong bunso at ako ang tumutustos," she slowly said.
My brows furrowed at her confusedly.
"Why?"
Bumuntong hininga siya.
"Wala na po kasi si Mama, si Lola lang kasama niya sa bahay. Si Papa naman ay sumakabilang bahay, wala nang pake sa 'min."
"Sorry," I said and she just nodded. "Pag-aaralin ka namin."
Gulat siyang tumingin sa 'kin. "Talaga po? Pero yung trabaho ko Ma'am?"
"It's okay, I'll talk to Lola later. Ie-enroll kita sa Gorostiza, public naman 'yon. Gamit at allowance nalang ang kailangan. At kami na ang bahala roon."
Tumango siya sa 'kin at ngumiti.
"Thank you po Ma'am."
Pumasok na 'ko sa dining pagtapos ng usapan namin. Nakita kong naghihintay na sila Lola roon. Gusto niya kasing sabay-sabay kaming kumain apat hangga't maaari.
Habang kumakain kami ay in-open ko ang topic tungkol sa gusto ko na pag-aralin si Mariana. Agree naman sila Lola sa sinabi ko. Pagtapos kumain ay hindi muna ako umakyat.
Dumiretso ako sa kwarto ng mga kasambahay. I knocked twice on their room's door. She's with Manang Flora inside, our mayordoma.
Kinausap ko siya at hiningi ang birthcertificate niya. Tinanong ko rin ang track na gusto niya dahil grade 11 na siya.
Aniya'y TVL daw para pagka-graduate ng highschool ay magte-Tesda siya para mabilis nalang daw kaysa sa college.
Umakyat na 'ko sa kwarto pagtapos ay nagpahinga. May klase na kami bukas kasi hindi pa kami excuse. Hindi pa namin training.
Days passed quickly. Na-enroll ko na rin si Mariana, pumapasok na siya. Sana lang ay makatulong kami sa kaniya at sa kapatid niya.
Papunta kami ni Kaz ngayon kay Ma'am Devi para kuhain yung excuse letter namin para bukas at sa susunod na araw.
Tomorrow will be the awarding day for the winners of our School Level PressCon. Then next day will be the meeting for school paper.
"I-photocopy niyo 'yan sa Kalasag tapos ipamigay niyo sa iba," ani Ma'am Devi nang makarating kami sa faculty.
"Noted po Ma'am," kinuha ko agad 'yon at hinila na si Kaz papunta sa Kalasag.
Sinalpak ko agad sa xerox machine yung excuse letter namin pagkarating namin sa Kalasag. Kami lang ni Kaz yung tao kasi nga may klase. Napukpok ko pa kasi nagloloko nung una.
"Hay nako, lilibot na naman tayo sa mga building na parang nangangampanya at nagpapamigay ng flyers sa mga room nila," reklamo ni Kaz habang nakatapat sa aircon.
I shook my head.
"Buti nalang mas konti na tayo ngayon."
Nang matapos na yung paghihintay namin sa bulok na xerox machine ay agad din kami lumabas. May klase pa kasi kami, nagpaalam lang saglit.
Malapit na kami sa building namin nang bigla naming makasalubong ang isa naming kaklase.
"Saan ang punta mo?" tanong agad ni Kaz.
"Cr lang, dalian niyo at may quiz tayo ngayon." Grace said, one of our classmates.
Nagkatinginan kami ni Kaz.
"Paghatian na natin," suhestiyon ko.
Tumango siya at ngumisi.
"Ikaw na rito sa mga writers sa HUMSS tapos STEM. Ako sa ABM, TVL at sa isang JHS."
I just nod off her smirk and started walking through the STEM building. Medyo marami sila kaya uunahin ko na. Tsaka section ko lang at ni Heira ang sa HUMSS para diretso na 'ko sa room.
Fool decision Kaz, siya pa napalayo.
Una kong pinuntahan yung 4th floor ng building, huling floor. Section nila Mako, Aaron, at Owen. May teacher sa loob kaya nag-excuse ako.
"Good afternoon po. Excuse po 'kay Mako."
"Bakit Lexi? Nag-cutting na naman sila?" Mahina niyang tanong nang makarating.
"No, excuse letter niyo para bukas," untag ko at binigay yung letter saka nagpaalam.
Sunod kong pinuntahan ang katabing room noon. Room nina Pricus at Aoki. Sakto naman na vacant nila. Nakita ko si Aoki na malapit lang sa pinto.
"Aoki," tawag ko, tumingin naman siya agad. "Excuse letter niyo."
Nang kuhain niya ay lumakad din agad ako paalis.
Bumaba na 'ko sa 2nd floor. Last room to go. Room nila Jethro, Zairo at Davin.
Pagliko ko agad sa hagdan ay bumungad si Jethro na may hinaharot na namang JHS, grade 10 naman. Mukhang wala rin silang klase.
Hindi niya ako napansin dahil kaya tinawag ko.
"Jethro..."
Napatingin siya sa 'kin at ngumiti pati yung grade 10 ay tumingin din.
"Oh Lexi?"
"Excuse letter niyo," sabi ko at bumaling sa grade 10. "May klase kayo diba? Huwag ka na magsayang ng oras kay Jethro. Naglilibot sa junior high 'yan."
Napaamang naman si Jethro. "Lexi, journalist tayo diba? No to fake news."
"And that's why," I smirked.
Lumakad na 'ko pabalik ng building namin. Buti nalang at last na yung room ni Heira. 3rd floor lang ang room ni Heira, 4th yung amin ni Kaz.
May teacher sa loob kaya bahagya akong kumatok. "Good afternoon po Sir. Excuse po kay Heira."
Napatingin siya sa mga kaklase ni Heira.
"Kakalabas lang ni Francisco Para saan ba 'yan?" masungit na tanong niya.
"Excuse letter po, related on Campus Journalism, Sir," sabi ko at bahagyang ipinakita yung xerox copy.
Magsasalita pa sana siya pero may sumingit na.
"Ako na po Sir. I'm a Campus Journalist too."
Napatingin ako roon at agad na nagsalubong ang kilay. Bakit hindi ko alam na magkaklase pala sila ni Heira?
Tss. I almost forgot that I don't care. I hid my surprise face with a bored look.
He's effortless handsome while walking towards me with a smirk plastered on his face.
"Thank you," he said.
I looked at him, he's the only one who thanked me for delivering their excuse motherfucking letter. But that doesn't mean my anger will be fired off.
I rolled my eyes at him.
"Thank you Sir," I said and before walking away.
I even heard Vren's chuckle before we parted.
#