*Windy POV* Nagising ako sa mumuntinng hampas ng hangin sa aking buhok at ang pagdampi ng sinag ng araw sa aking pisngi. Napabalikwas pa ako ng makita ang sarili na payapang nakahiga sa kama dito sa isang.. Yate. Paano ako napunta dito? Suot ko rin ang tuyong damit at nakita ko pa ang braso't napansin rin ang benda sa aking ulo. "Gising ka na pala," napalingon pa ako sa gawing iyon kung saan nakita ko si.. Si Leonidas, isa siya sa mga naging sub Butler ng Casino noon, minsan nakikita ko rin siya na nagiging janitor o minsan naman ay tour guide. "Ikaw.. Ikaw ba ang tumulong sa akin?" halos paos na boses ko habang nakatitig lang sa kanya. Ngumiti ito at marahang tumango. "I saved you from drowning..Crizzy called me and bring Poseidon to saved you underwater," sabi pa niya na

