*Windy POV* "Cheers! " sabi pa ni Don Romero sa aming lahat habang hawak hawak ang baso na may lamang alak. Nandito kaming lahat sa campfire at heto't masayang nagkakasiyahan. Habang ako nama'y prenteng naka upo lang sa gilid ni Cloud at nakikiramdam. Tagumpay naming nairaos ang Lunar Fest at ang malawakang pagdefuse nila Cloud at nang iba pang crew ng isla para maisalba ang nanganganib naming mga buhay noong nagdaang sandali. Ngayon lang kasi namin nalaman na may bomba pala ang bahaging iyon ng Cabin Area at sa Southcoast. Kaya pala nagmamadaling umalis si Cloud noon, dahil may nangyayari palang hindi maganda sa mga oras na 'yon. "Hey, you fine? " untag pa ni Cloud sa akin habang marahang inabot ang braso ko at himasin iyon. Marahan lang akong tumango at napalunok ng laway.

