Luna's PoV
Kinabukasan ay hinatid na'ko ni Patatas sa bahay.
"Tao po!! Dito po ba bahay ni Mader Nami? Maniningil po ako ng pautang!" Tawang tawa ako sa sinabi ko.
Hindi niyo kasi natatanong na ang aking Mama ay pala-utang kahit may pera naman siya.. Hahaha..
Maya- maya pa ay lumabas ang isa kong pamangkin sa bahay.
"Pasok daw po kayo." Mukhang hindi nila ako nabosesan. Hahaha
Hindi rin nila ako namukhaan dahil sa nakasuot ako ng cap ni Patatas at hindi pa din naman nila nakikita si Patatas kaya nagmukha talaga kaming maniningil.
Pumasok kami sa bahay at nakita ko ang Mama na tutok sa CP niya at nanunuod.
"Ahh..Mader maninigil lang po sana ako.." bungad ko sa kanya.
" Ay ano nga iyon? Sa pagkakatanda ko ay nabayaran ko na lahat ng utang ko." Sagot naman niya.
Natatawa na talaga kami ni Jorge sa may pinto. Kaya sumagot na'ko.
"Maninigil po sana ako ng yakap at halik Mader." Sabi ko habang inaalis ang cap ko.
Napalingon bigla ang mama ko sakin.
"BUNSO??!! Ikaw ba yan?" Gulat na tanong niya. Saka dali daling yumakap sakin.
Mangiyak- ngiyak pa nga siya tapos ang daming sinasabi na hindi ko halos maintindihan. Hahaha
"Ariel! Halika dito. Pasaway ka talaga hindi mo man lang nakilala ang tita mo.!" Sigaw niya sa pamangkin ko.
"Luh! Naka cap kaya Mommy!" Sagot pa nito.
Binato siya ni Mama ng tsinelas pero si Jorge ang tinamaan. Hahaha
"Aww.." Daing nito.
"Oh?! May kasama ka pala?" Intriga na naman si mama.
"Hala siya Ma? Kanina pa iyan nandito ngayon mo lang napansin?"
Hindi ako pinansin ni Mama at diretsong pumunta kay Patatas.
"Pasensiya ka na totoy ah. Masakit ba? Alisin mo nga yang sumbrero mo at napakainit." Inalis naman ito ni Jorge. "Aba at pakagwapo naman nito. Sino ka ba? Bakit kasama mo tong pangit kong bunso" Usisa pa niya.
"Ganda ko kaya." Singit ko.
"Manahimik ka."
"Ahh ehh.." utal utal na sabi ni Patatas.
"Ihh oohh uuhh??" Pilosopong sagot ng Mama ko na nagpatawa kay Jorge.
"Oh alam mo na saan ako nagmana? Hahaha.."
"Haha.. Tita Neil Jorge nga po pala. Hehe.. Boyfriend po ni Gab." Mabait na pakilala naman niya.
"Boyfriend?! Ikaw ang boyfriend ng Panget na'to?! Hala?!" Panic na sagot ng Mama ko. Tatawa tawa naman tong Jorge na'to.
"Aba Mama parang sinabi mo na wala ako karapatan jowain siya ah?" I retorted.
"Biro lang syempre Bunso..haha.. Neil anak, Mama na itawag mo sa'kin ah? Kelan niyo ba balak pakasal?" Sabi ng nanay kong may saltik.
"Ahh ehh hindi pa po namin napagu-usapan yung kasal kasi ngayon lang po ulit kami nagkita.. hehe.." Naiilang na sagot niya. Halatang hindi alam maghandle ng tao.
"Ma paupuin mo nga muna kami. Ariel! Bili ka softdrinks oh." Sabi ko sabay abot ng 50pesos kay Ariel.
"Naku Neil anak dito ka na matulog at magi-inom tayo. Pero ayos lang ba wala kaming room dito." Naku alak is layp talaga nanay ko.
"Aba oo naman po! Wala pong problema sa'kin. Bonding na din po." Pakabait sa nanay ko pero super arte sakin. Naku talaga..
"Ma, Iidlip muna ko.. Bahala ka na muna sa Patatas na yan." Sabi ko sa mama ko kasi pagod pa talaga ako sa ginawa namin kahapon.
"Sige 'nak."
"At Mama if you need anything wag nyo ko gisingin..Sinabihan ko na yan si Jorge na bigyan kayo ng pera pangkain."
"Sige 'nak. Ikaw Neil hindi ka ba iidlip muna?" Tanong ng mama ko.
"Ok lang po ba? Antok pa po kasi ako..hehe" Awkward na pagkakasabi niya.
"Aba oo naman..sige tabihan mo muna si Luna sa kama."
"Salamat po 'Ma. Eto po pala pambili ng alak at pagkain. Gusto ata ni Gab ng kahit anong luto ng baboy." Sabi niya.
"Isang libo talaga Neil?" Sabi ng mama ko..pakalaki kasi.
"Opo. Hehe.. Pambili din po kasi ng alak mamaya."
"Ahh..sige sige.. Salamat."
Neil's PoV
Pumasok na'ko sa kwarto may lock naman ito.
"Mahal??" Tawag ko.
"Hmm??" Antok na antok talaga siya.
"Patabi ako ha? Kelangan ko pa kasi mag recharge."
"Cge lang."
Tumabi na'ko sa kanya saka nakatulog na din maya maya.
5hrs later...
Nagising ako at mahimbing parin ang tulog ni Panget.
Bumangon na ko para lumabas. Hindi ko na siya ginising kelangan niya ng pahinga.
Nabungaran ko naman sila mama sa sala.
"Oh gising ka na pala..Asan si Luna?" Mama asked.
"Tulog pa ho eh. Napagod siguro sa biyahe."
"Mukha nga.. Kumain ka na jan at mamaya ng konti eh tatagay na tayo." Sagot ng tingin ko eh ate niya.
"Sige po..Salamat.. Kayo po kumain na?"
"Ay oo..haha.."
Umupo aq sa mesa at biglang kumalam sikmura ko sa nakahain. Ngayon nalang ulit ako makakakain ng lutong bahay.
Pagkatapos kong kumain ay nagpunta ako sa sala.
Naghahanda na sila ng iinumin namin.
"Oh tapos ka na? Lika na dito." Tawag ng ate ni Panget.
Lumapit naman ako agad at nakiupo.
"Nabanggit na siguro sa'yo ni Bunso ang tradisyon namin tuwing may bagong mamanugangin ano?" Tanong ng mama.
"O-opo Ma." Kinakabahan ako.
Akin ang unang tagay. Shucks..
"So the first question is..."
Putol na salita ng Mama niya.
"Paano mo nagustuhan ang anak ko?
Hmmm..paano nga ba?
A/N
Daily update po ang story na'to. Medyo pagod ang Author dahil alam niyo na.. hihi..
See you tomorrow guys.. Labyuu..
#SendingBluehearts????