Luna's PoV
Hi! Ako nga pala si Luna Gabrielle Rigor. And yes pure Pinoy po ako. 24 years old. From the beautiful Province of Cavite.
I graduated Education, had two years experience in teaching and two years experience as Quality Management System Staff and Quality Assurance Trainor.
Anywayssss.. As of today resign na po ako at waiting sa aking flight. Where to? In Kingdom of Saudi Arabia. What job? Housemaid/Nanny.
Yes po. Mangangatulong ako sa ibang bansa. Alam ko madaming magtatanong bakit? Eh kasi nga curious ang ate nyo??.
"Bunso kain na. Para makatulog ka ng maaga. May flight ka pa bukas." Malungkot na sabi ng Mama ko.
"Opo Ma, wag ka ng malungkot. Babalik din naman ang maganda mong bunso?" Pang-asar kong sagot sa kanya.
"Mukha mo Luna. Manahimik ka diyan."
"Labyu na agad. haha"
Matapos kumain ay naligo na ako at nahiga sa kama ko.
Naisip kong buksan ang f*******: messenger ko. May message ang crush kong Mechanical Engr. sa last company na pinasukan ko.
"Panget!!" Unang chat ni Sir Neil.
"Chat tayo!! Miss ko na kapangitan mo. Walang maasar sa company..haha" Sunod pang chat niya.
"Naku. Mukha mo Patatas ka talaga Neil. Namimiss mo kamo kagandahan ko. Dami mo kayang kaasaran sa company. Bakit di mo i-chat Jowa mo?" Reply ko sa chat niya.
"Alam natin pareho na di ko gusto yun Gab."
"Hindi daw pero naka-iskor ka na..haha"
"Naghubad siya sa harap ko pero never kong tinikman yun. Ni hindi nga tumayo Dragon ko sa kanya."
"Pero sakin oo?? Naku Jorge wag ako. Crush kita oo pero alam mong may Boyfriend ako."
"Alam ko.. Pero alam ko din na di mo siya mahal at napilitan ka lang dahil siya ang nakauna sa'yo."
"Wag mo ng ipagdiinan Jorge."
"Bakit kasi hindi nalang naging tayo."
"Pareho tayong may karelasyon."
"Alam ko. Kaya humihiling ako na sana dumating yung panahon na magkalakas tayo ng loob para palayain ang mga sarili natin."
"We'll see Patatas.. We'll see.."
"Sige na matulog ka na.. May flight ka pa bukas."
"Sige..Nytnyt Patatas"
"Sweet dreams Panget."
Saka ichinarge ko na ang cp ko. Malayo layo pa ang lalakbayin ko.