"Huminto ka! Huwag kang tumakas kung talagang matapang ka. Harapin mo ako," sigaw ni Clarisse sa kaaway niya. Nagkahabulan silang dalawa.
Nasa kalagitnaan na siya ng daan ng may kotseng paparating. Natumba siya. Lumabas mula sa sasakyan si Kalel. Ano kaya ang nakain nito bakit siya pumunta sa set ng taping nina Mayumi.
Subra ang kaba ni Mayumi. Galit na galit siyang binalingan ang lalaki ng makatayo na siya. "How dare you!"
Tumawa lang ang lalaki. "Well, nasaktan ka ba?" Puno ng pangungutya ang boses nito.
Lumapit si Bunny kay Mayumi. Shock din itong tinulungang makaupo sa silya si Mayumi. "Halika muna. Ayos ka lang ba?"
Huminga muna ng malalim si Mayumi saka nagsalita. "Okay lang ako. Ano siguro ang nakain niya? Bunny, ganito rin ang ginawa niya ng nakaraan. Talagang sinasagad na niya ang pasensiya ko!" Nakakuyom ang mga palad niya.
Nasira ang taping nila. Huminto muna sila ng pagso-shoot dahil wala na sa magandang momentum ang lahat.
Ngingisi-ngisi lang si Kalel na umupo sa bakanteng umupuan na katabi ng director na si Manny. Nagtaka si Manny kung bakit iyon ginawa ng lalaki.
"Sir Kalel, bakit mo iyon ginawa kay Mayumi? Magagalit ang Daddy mo nito?"
"Why? Anak niya ako, aber namang kakampihan niya si Mayumi?"
Napanganga ang director. Tumango-tango na lang ito. Wala siyang magawa baka masisante pa siya pag nagkataon.
"Ituloy niyo na ang shooting niyo. Don't wastes the time. Mahal ang mga sweldo ninyo kaya magpatuloy na kayo. Am I clear?"utos nito.
Napalunok ng laway si Manny. Lumapit naman si Bunny.
"Hindi muna si Mayumi mag-so-shoot. She's not fine."
"At bakit? Wala namang nangyari sa kanya ah. Nag-iinarte lang iyang alaga mo!"
"Yeah, Kalel is right." Sumulpot bigla ang bruhang Briana.
Nanggalaiti sa galit si Bunny. "Aba! Isa ka pa! Siguro plano ninyo itong gawin ano?"
"Wala kaming plano. Mali iyang iniisip mo! Dapat lang iyon kay Mayumi. Masyadong pabida." Dugtong pa ni Briana.
"Hoy, kahit kailan hindi ka magtatagumpay sa mga binabalak mo! Tse! Ikaw ang pabida at asyumera. Ikaw ang insecure sa sarili mo kaya huwag mong pagbintangan si Mayumi."
"Anong sabi mo? How dare you! Ako pa?"
"Oo, alam mo para kang linta. Sumisipsip ka kahit wala ka namang makukuha. Sige magsama kayo ni..." naputol ang sasabihin niya ng magsalita si Mayumi.
"Bunny, tama na iyan. I'm fine. Itutuloy na natin ang shoot. Wala iyon. Alam mo nakaka-excite ang ganuong nangyari. Isn't it Kalel?" mataray na sabi ni Mayumi ng balingan niya ang lalaki.
"Well, ayan naman pala eh. Go on Manny. You heard it right?"
Biglaang natauhan si Manny na naguguluhan habang napanganga sa kanilang mga sagutan. " Sige sir," sagot nito.
"Good luck," wika ni Kalel saka umalis na. Pumasok ito ng building. Nandito din kasi si Sebastian, gusto niya itong kitain.
"Ow? Anong pakiramdam Mayumi?" wika ni Briana na may halong pangungutya.
"Well, exciting! Bakit ano ba ang pakiramdam mo sa nangyari? Masaya ka ba o dismayado dahil buhay pa rin ako?" Mataray na wika ni Mayumi.
"Argh. How dare you! Sana namatay ka na."
"Sorry ha. Malabong mangyayari iyon. At kapag nangyari iyon. Ikaw ang sisisihin." Tinaasan niya ito ng kilay.
Sasampalin sana ni Briana si Mayumi ng sumigaw si Manny.
"Tama na iyan. The shooting is resumed. Magsi-handa na kayo. Tama na ang away niyo."
"Bye! Galingan mo ha, mamaya makaka-eksena kita. Sampalan iyon. Tatagan mo ang loob mo at ihanda mo na ang mukha mo baka mamaga. Bye," wika ni Mayumi saka umalis na.
Naiwang inis na inis si Briana. Lumapit si Pushy. Kakarating lang nito.
"What's wrong? Parang hindi maipinta ang mukha mo ah, anong nangyari?"
"Shut up! Bakit ngayon ka lang?"
"Sorry, na trapik ako eh. Tara na nga. Maghanda ka na dahil mamaya ay makaka-eksena mo si Mayumi. This is it. Sampalin mo ng tudo at nang matauhan ng husto." Gigil na sabi nito.
"Talagang gagawin ko iyan! Humanda siya." Humalakhak pa siya.
Kakapasok lang ni Kalel sa room kung saan si Sebastian.
"Good morning Dad." Umupo siya sa bakanteng upuan sa harapan ng mesa nito.
"Anong katarantaduhan ang ginawa mo kanina ha?" Untag nito agad sa kanya.
"What? Anong ibig mong sabihin Dad?" Paamaang niya.
"I tell you frankly. Bakit mo iyon ginawa kay Mayumi? Nakita ko iyong ginawa mo. Tapatin mo nga ako. Ano ang kasalanan niya sayo?"
"Well, maraming-marami. Ayaw ko sa babaeng iyan. Kung pwede nga lang na tanggalin ko siya sa teleserye na ito. Ano ba ang nakita mo sa kanya Dad?"
"Huwag na huwag mo ng ulitin ang nangyari. Huwag mo na siyang saktan ulit!"
"Bakit? May relasyon ba kayo kaya niyo siya ipinagtatanggol? Tell me, why?"
"How dare you na pagbintangan ako ng bagay na iyan. Kahit kailan hindi ko inisip na makipagrelasyon sa iba, lalo na sa kasing edad mo. Parang anak na ang turing ko kanya."
Napabuga ito ng hangin. Kinakalma ang sarili.
"Don't do it again. Ako ang makakalaban mo. Bakit ba ayaw mo sa kanya? Mabait siyang babae, kasing bait ng Mommy niya."
"Wow? Kilala mo ang mommy niya? Baka naging karelasyon niyo rin iyon Dad? Sabihin niyo sakin hindi naman kita ipapahiya. Di ba chick boy ka noong kabataan mo, hindi ba?"
"Estupido! Umalis ka na nga. Ayaw kitang pagbuhatan ng kamay dahil anak kita. Kaya please umalis ka. Nakiki-usap ako huwag mo na ulit saktan si Mayumi. Kung ano man ang hindi niyo napagkasunduan ayusin niyo na iyan. Sige na alis na. Huwag nang sumabat pa. "
"Okay, but I can't promise. Bye Dad, siya ang pagsabihan mo na huwag nang makipagkita sakin dahil sa tuwing magkikita kami ay mamalasin talaga siya sakin." Tumalikod na ito at lumabas.
Napabuga naman ng hangin si Sebastian. Kinalma ang sarili at umupo sa swivel chair niya. Hindi siya makapaniwala na sasabihin iyon ni Kalel sa kanya. Hindi totoo ang ipinagbibintang ni Kalel sa kanya.
"I'll find the real reason why Dad is protecting that stupid woman not now but soon. Humanda ka Mayumi," wika niya saka tuluyan ng lumayo mula sa room na iyon. Lumabas siya at tinungo ang kotse niya.
Sumakay na siya at dumaan saglit sa set. Nasa kalapit lang ito ng building kung nasaan ang Daddy niya. May opisina din kasi ito dito.
Napangisi siya ng makitang sinasakal ng kaaway niya si Mayumi. Parang gusto tuloy niyang sakalin ito sa mga kamay niya. Hindi nga niya maintindihan kung bakit galit na galit siya sa babae. Siguro nasaktan ang pride and ego niya noong una sila magkita.
"Cut!" sigaw ni Manny. "Ano ba? Wala sa script na sakalin mo siya ng tudo."
Naubo si Mayumi. Lumapit si Bunny at nagdala ng mineral water. "Are you okay?"
Tumango siya. Pinasadahan niya ng masamang tingin ang kotse ni Kalel. Kilala niya ang kotse nito.
Umismid lang si Kalel saka pina-andar ang kotse niya. "Dapat lang iyon sa kanya."
"Ano ba? Puro kamalasan ang nangyayari ngayong araw. Ihinto na natin ito. Bukas na lang ulit!" Galit na wika ni Manny. Naiinip na rin itong baklita.
"No! Naka-ready na ako," singit ni Briana.
"Let's continue. Okay lang ako. Mabuti namang tutuhan para maganda ang palabas," wika ni Mayumi.
"Are you sure na okay ka lang?" Si Manny. Nakaramdam na rin ito ng awa sa kanya.
"Sure," sagot niya.
"Sorry Mayumi. Nadala kasi ako sa eksena." anang ka-eksena niya kanina.
Okay lang iyon. Good job!"
"Talaga lang ha. Humanda ka!" Pabulong na wika ni Briana.
"Do your best," panghahamon pa niya sa babae.
Tinaasan niya ito ng kilay. Nginitian ng nakaka-asar.
"Okay, humanda ang lahat. Pwesto mga actors. Pagkasabi ko ng cue simula agad ha!" anang Manny. Samantalang nagtataasan ng mga kilay sina Bunny at Pushy.
"Lights camera action!" sigaw nito.
Isang malakas na sampal agad ang pinakawalan ni Mayumi sa mukha ni Briana. Tiyak niyang masakit iyon.
"Alam ko na kung sino ka Rhea, isa ka sa mga spy na ipinadala ni Don Gustavo. Akala mo maloloko mo ako?"
"How dare you, Clarisse. Bakit mo ako pinagbibintangan?"
Isang malakas din na sampal ang pinakawalan ni Briana, as Rhea.
Natawa si Mayumi, as Clarisse. "Well, ipagkait mo hanggang kaya mo." Sinabinutan niya ito sa buhok. Masakit iyon kitang- kita sa reaction nito.
"Aray! Tama na! Ayoko na. Masakit na! Stop this!" pagmamaka-awa niya.
"Ano masakit? Sabihin mo na kasi ang mga nalalaman mo tungkol sa matandang iyon kung ayaw mong masaktan ka ng ganito."
"Wala akong sasabihin." Isang sampal ulit ang pinakawalan ni Clarisse. Napangiwi naman si Rhea.
"Wala nga eh. Kung gusto mong malaman, tanungin mo si Gustavo, punyita ka Mayumi. Bwesit. Ang sakit-sakit na. Mga bwesit kayong lahat. Akala niyo ba drama pa ang ginagawa naming dalawa? Sakitan na ito oh, mga tanga!" Nagsusumigaw sa galit si Briana.
"Cut! Tama na ang araw na ito. Malakimg malas. Ano ba ang nangyayari? Bakit ganuon? Mga bwesit kayong lahat!" sigaw ni Manny. Napamura na talaga ito.
"Sorry Manny," wika ni Mayumi.
Umalis sa set si Briana. Sumunod din si Pushy.
"Tama lang sa babaeng iyon! Ayos ka lang ba Yumi?" tanong ni Bunny.
"Ayos lang ako. Lalagyan ko lang ito ng ice pack mamaya. Okay na ito bukas."
Lumapit si Manny. "Mag-usap nga tayong dalawa."
Nag-usap nga sila si Bunny ay ipinatawag ni Sebastian. Nakarating kay Sebastian ang nangyari. Inusisa siya nito. At tiyak na lalabas iyon na malaking isyu pag nagkataon.
"Anong away mayroon kayo ni Briana at sir Kalel? Naguguluhan ako."
"Wala akong kasalanan sa mga bitter na iyon. Si Briana ay inggit at insecurities ang pinapa-iral kaya ganuon siya sakin. Si Kalel, may hindi lang kami pag-uunawaan, iyon lang naman."
"Naku, ayusin niyo iyan. Maapektuhan ang career niyo kapag magpatuloy pa ito. I'm concerned with you, okay ka lang ba? Baka mamaga iyang mukha mo bukas. Pahinga ka muna. Ang ilang set at artista muna ang mag-so-shoot bukas. Pwede nga one week kang magpahinga para hindi kayo magkita ni Briana. Talagang ang sama pala ng ugali ng babae na iyan, akala ko noon chismis lang. Totoo pala. Nasira na ang face ko, sige mauuna na ako. Basta one week kang magpahinga. Okay ba?"
"Sure. Salamat."
"Sabay na tayong lumabas."
"Okay," tipid nitong sagot. Nakasalubong nila si Bunny.
"Uuwi na ba tayo?" tanong niya Kay Bunny.
"Hindi muna, gusto kang maka-usap ni sir Sebastian," wika nito.
"Sige Manny, mauna ka. Bye," baling nito sa baklita.
"Sige. Kailangan ko nang magpahinga. Stress na ang face ko sa malas na araw na ito. Bye, see you next week Mayumi," paalam nito saka umalis na.
"Next week?"
"Yeah. Next week na lang daw akong mag-so-shoot ulit. Binigyan niya ako ng break. Mabuti nga at hindi kami magkikita ni Briana."
"Tama. Mabuti iyon. Wala na pala ang mga bruha. Galit na galit na umalis ng set si Briana. Namaga kaya agad angg mukha niya. Ang pangit niya pala kapag ganun." Natawa pa si Bunny.
"Forget them. Let's go. Gusto ko nang makauwi kaagad after this. Pumasok na sila sa opisina ni Sebastian.
"Sit down!" anang matanda.
Umupo siya.
"Bunny, iwan mo muna kami. May pag-uusapan lang kami ni Mayumi. Mabilis lang ito."
Tumango si Bunny. " Sa labas lang ako."
"Sige."
Lumabas na ito.
"I'm sorry," agad na wika ni Sebastian. " Pagpasensiyahan mo na ang anak ko sa ginawa niya kanina. Ayos ka lang ba?"
"Why are doing this? Concerned ka ba talaga sa akin Mr. Sebastian?" wika ng utak niya. "I'm fine. Don't worry wala po iyon, sir."
"Nag-away na ba kayo noon? Bakit galit siya sayo?"
"Well, sasabihin ko na ang totoo, siguro paniniwalan niyo naman ako."
"Siyempre, tell me."
"Last month, he almost killed me by his carelessness. Muntik niya akong mapatay ng binangga niya ako sa parking area ng Ayala Entertainment. Siya pa ang galit na galit that time. Hindi namin kilala ang isa't-isa kaya umabot sa point na binato ko siya ng magazine sa mukha. I admit, I was wrong with my actions pero nagalit na rin ako eh. At siya iyong nagpakulong sakin."
"What? Nagawa iyan ng anak ko? Hindi ko na talaga alam ang gagawin sa kanya. Ang spoiled na niya. Pagpasensiyahan mo na ulit. Sana mapatawad mo na siya. Ako ang hihingi ng tawad sa ginawa niya sayo."
"Don't worry, wala ka namang dapat na ihingi ng tawad kung hindi kayo mismo ang gumawa noon. Sige po. I'll go. I'm tired. Bye."
"Sige . Ako na ang bahala para magkalapit kayo. Sige bye. Ingat ka," paalam nito.
Ngumiti siya saka lumabas na. Huminto siya sa labas at nagsalita.
"Humihingi ka ba ng patawad sa ginawa mo noon, hindi dahil sa nagawa ng anak mo ngayon? Asa pa kayong mapapatawad ko kayo."
"Let's go."
"Okay." Inihatid siya ni Bunny sa Condo unit niya at ginamot muna ang namaga niyang mukha bago ito umalis. Awang-awa ito kay Mayumi. Gusto tuloy niyang sisihin ang sarili niya sa mga nangyari. Parang ayaw na niyang i- renew ang contract nito sa Ayala Entertainment next time.