"Babe, mag-o-grocery muna ako ha. Huwag mong pabayaan ang anak natin. Nasa labas na ang mga mare ko." Paalam ng asawa niya. Tumango lamang siya bilang pagsang-ayon. Nasa kusina kasi siya at nagpresinta na maghugas ng plato since busy si Sima sa labas. Nakaalis na ang asawa niya't natapos din siya sa ginagawa. Naghugas siya nang maigi sa kamay niya at tinanggal ang suot na apron tsaka pumunta sa sala. "Kleinder? Tang-**a, ilagay mo sa crib ang baby ko. Put him down!" Umuusok na ang ilong na ani ni Xander habang kinukuha ang pumped na gatas ng anak niya. "Napaka-oa mo bro, malaki na rin naman ang baby Miza ko. Gamay na gamay ko na ang pag-aalaga ng bata," giit na ani ni Kleinder at nagsilapitan pa ang mga pinsan niyang parang ngayon lang nakahawak ng baby. "Ang cute-cute mo baby,
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


