Nginitian lamang siya nito at hinalikan ang gilid ng labi niya. Natutulalang nakatitig lang siya sa binatang naglalakad palayo sa kaniya. A snap wakes her up from thinking.
"Hey Ms. Min are you okay?" tanong ng katrabaho niya sa kaniya.
"I'm fine, pagod lang ako," aniya at bumuntong hinga. Naglakad na siya patungo sa kinaroroonan ng iba niyang katrabaho at umupo sa assigned table. Patuloy naman sa pagsasalita ang host ng party at ilang saglit lang ay nagsitayuan na ang lahat at pumalakpak. Naguguluhan man ay nakisabay na rin siya sa palakpakan.
"Thank you everyone. After 6 years of being away finally natapos na rin ang paghihirap ng company natin. We've already did an expansion towards Russia and India. All thanks to my son who makes our plans possible. And I would like to have this opportunity to finally introduce my son as the new, chairman and CEO of LunBas Group of Companies," ani ng Ginang na kilalang-kilala niya. She missed her sweet and genuine smile. Agad namang napatingin ang ginang sa gawi niya't nanlaki ang mata at ngumiti nang pagka laki-laki. Tinugonan naman niya ito ng ngiti.
"Uy! Kilala ka ba ni, Madam?" tanong ng katrabaho niya.
"Nginitian ka Tressha, kilala mo siya?" Ngumiti lamang siya bilang tugon sa mga tanong ng mga kaibigan niya.
"Please welcome my beloved son, Alexander Sebastian Abbas Lundqvist." Agad namang natuon ang pansin ng lahat sa lalaking papunta sa harap. A perfect face, he looked like a swedish god. Perfect squared jawline, aristocratic nose that shouts domination and pinkish lips na para bang hinulma nang maigi para bumagay sa perpekto nitong mukha. At ang mga mata nitong kulay abo na parang hinihigop ang buong pagkatao niya. Kinikilig na nagsi hagikhikan naman ang mga babaeng nasa tabi niya. Kung alam lang nila ang totoo.
"My pleasure to be here. Please enjoy the night. Tack sä mycket. God kväll." A baritone voice lingered on everyones ears and he smiled. Pagkatapos ay bumalik na ito sa table nila. Papunta siya sa buffet table nang may biglang yumakap sa kaniya. A soft hand caressed her hair. How she missed those caring touches.
"Umma," mahinang usal niya at hinila siya ng Ginang papunta sa sulok.
"Anak na-miss kita. Si mama mo asan?" nakangising ani nito habang inaayos pa rin ang buhok niya. Na-miss niya ng sobra ang Ginang kaya napayakap siya rito.
"Umma, bakit ngayon lang kayo bumalik? Nakakainis kayo. Pati tuloy si mama nalulungkot kasi ang tagal mong bumalik." Himutok niya sa mother in law niya.
"Sus! Talaga 'yang mama mo. Na-miss talaga kita anak. Nga pala puntahan mo 'yung asawa mo. Hindi na nagbago babaero pa rin. Naiinis na talaga ako riyan ang sarap kutusan," aniya ng Ginang at halata ang inis sa mukha nito.
"Sana pinalo niyo ng tsinelas ma," ungot niya rito na siyang ikinatawa nilang dalawa.
"Puntahan mo na sigurado akong na-miss ka nu'n," ani ng Ginang at natatawang pinuntahan niya ang asawa niyang may kausap na magandang babae. Kinuha niya ang isang baso ng alak sa pagkakaalam niya'y champagne lang iyon. Napasimangot siya at tiningnan ang iba pang alak. Napapalakpak siya nang makitang may margarita sa gilid niyon. Tinungga niya ito at nilapitan ang binata. Nakangiting binalingan naman siya nito nang tumikhim siya. Napairap naman siya ng mga mata niya nu'ng makita kung paano ngumiti nang malagkit ang babae at kinindatan pa ito ng binata bago umalis. Nag-sign pa ng "call me".
"Hey wife," ani ng binata habang ang mga mata naman nito ay busy na humahagod sa buo niyang katawan. Tinitigan lamang niya ito nang masama at inirapan.
"Oh! Your breast looks bigger now. Nice ass still so delectable," ani ng binata na nakangisi. Nginitian naman niya ito at tinuhod buti na lang at nasalag ito ng paa nito.
"Still so sadist my love. Huwag ganiyan, don't you miss your beloved husband?" tanong nito at nanunuyang nakangiti sa kaniya.
"Pervert," aniya at kinuha niya ang dala ng waiter na mga alcoholic drinks.
"Ba naman to! Pati mga alak walang lasa," reklamo niya nang matungga lahat ng inumin. Manghang napatingin naman ang binata sa kaniya. A playful smile appeared on his lips.
"I know a place wife," ani ng binata.
Tbc
Zerenette