Gulat ang dalaga nang makitang naka kandong na ang anak niya kay Xander. Agad niyang tiningnan ang ina niya at napalunok. Nagkibit balikat lamang ito at pumunta sa kusina. "What are you staring at? Am I not allowed to carry your son?" Malamig na tanong nito. Ni hindi niya mahagilap ang tamang salita. Umiling lamang siya. Ang anak niya naman ay parang komportable pang nakaupo sa kandungan nito. "Ahm, magbibihis muna ako." Paalam niya at ngali-ngaling pumanhik sa taas ng kuwarto niya. Nang makapagbihis ay bumaba na siya sakto namang tinawag silang lahat ng umma niya para kumain. Nagmamasid lamang siya sa ikinikilos ng binata. Ang anak naman niya todo pakarga kay Xander. "A-anak halika dito kay mommy. Baka nabibigatan na sayo si Xander." Aniya at akmang kukunin ang anak nang yumak

