12:00 AM
Wade: May good news ako.
Ano?
Wade: Talo si Yvo! Wala na siyang jokes kaya by default ako panalo. Iba na talaga magaling.
Wade: Kaya ililibre niya kami ng dinner sa Vikings NIU sa Friday.
Wade: Galing ko talaga.
Tapos ka nang magpadala ng mga corny jokes?
Wade: Gusto mo pa ba?
HINDI.
Capslock para dama mo.
Wade: Hahaha. Oo tapos na. Wala na rin naman akong maipadala. Naubusan.
Wade: Kapogian ko lang naman hindi nauubos, eh.
Wade: HAHAHA!
Saka kayabangan kamo.
Wade: Uyy
Wade: Sumang-ayon siyang pogi ako.
Wade: Shet.
Wade: Nahiya ako bigla. Hahaha!
Argh!
Ewan ko sa 'yo!
Wade: Hahahaha!
Wade: Musta na?
Same.
Wade: Wala ka nang sapi? Aba, nagulat ako sa 'yo bigla ka na lang nag-open kahapon.
DI BA SABI KO WAG NANG BABANGGITIN 'YON?!?
Wade: Sabi ko nga maganda ang araw ko. Hindi masyadong busy sa office. Hahaha!
Wade: Malapit na pala birthday ko, hindi mo naitatanong.
Pakialam ko sa birthday mo.
Wade: Sama talaga ng ugali nitong si MM.
Wade: Hindi mo man lang ako babatiin? Hay.
Happy birthday. Masaya ka na??
Wade: Susko. Advance?! Sa November 1 pa, oy.
HAHAHAHA!
Seryoso ka?
Wade: Oo
Wade: Si Hel, November 2.
BAGAY SA 'YO BIRTHDAY MO HAHAHA
Wade:
Wade: Bakit ganyan siya.
Wade: Na-realize kong guwapo lang talaga kaya mong ganyanin, Joyce Ann. Unfair. #SelfLove
LOL.
Wade: Ano kinain mo?
Pagkain, malamang. Ano bang tanong 'yan, Yozon?
Wade: Tanong pangmatalino, malamang. Hahaha!
Wade: Di nga. Baka mamaya nood ka nang nood tapos hindi ka kumain. Paano ka gagaling, MM.
Concern?
Close tayo?
Wade: Aba, ayokong mawalan ng daily entertainment.
Gago!
Wade: Hahahaha!
Wade: Ano. Sinabihan mo na ba pamilya mo?
Hindi nga. Napakakulit nito.
Wade: Sabihan mo na kasi. Hay.
Wag na nga. Nakauwi na ako.
Wade: Tigas ng ulo. Daig pa lalaki. Hahaha!
Gago!
Wade: Saka nagpapagaling ka, di ba? Dapat tulog ka na ng ganitong oras.
Wade: O wag mong sabihing hindi ka natutulog kasi hinihintay mo chat ko?
Wade: Kelegs.
Wade: Hahahaha!
WOW.
ANG KAPAL NG MUKHA.
HINDI BA PWEDENG SANAY AKONG GISING NG GANITONG ORAS?
HINDI BA PWEDENG NANONOOD KASI AKONG ANIME?
KAILANGAN IKAW AGAD DAHILAN????
Wade: Kalma, MM.
Wade: Napaghahalataang defensive, eh.
Wade: Ayos lang naman. Sanay na ako
ARGH.
WHATEVER!
Wade: Kelegs talaga. Si MM nagdadalaga na.
Lintek ka!!!
Wade: Hahahaha!
Magkwento ka na nga lang para may mapala naman ako sa 'yo!
Wade: Uyy. Ayaw mag-goodnight.
Wade: Gusto pa akong kausap
AYAN SAKSAK MO SA NGALANGALA MONG LINTEK KA
Wade: Chill, MM.
Wade: Ito nga may kwento ako. Mainit-init pa. Hahaha!
Ayoko na.
Nawalan na ako ng gana.
Wade: Awtsu. Nagtampo pa MM ko. Hahahaha!
Seen, 12:45 AM
Wade: Tapos dinaan na ako sa seen. Kelegs. Hahahaha!
Tukmol ka talaga!
Wade: Hahaha!
Wade: Kwento ko sa 'yo exes ko?
Wow. May nagkamali? May nabulag ka???
Wade: For your information, habulin ako ng babae
Baka kasi may utang ka?
Wade: Aba, Joyce Ann, marunong ka nang sumagot???
Hahaha!
Sige na. Kwento mo na exes mong imagination lang.
Wade: Hindi nga imagination! Tanong mo pa kay Doc Jaq.
Wade: Kaya lang most of the time tuliro 'yon kaya 'wag na pala.
Wade: Nong college kami ni Ekis beybeh, nagka-gf 'yon kaya lang obsessive at possessive.
Selos ka naman.
Wade: Aba, Joyce Ann. Nung ikaw nagkwento tahimik ako.
K.
Wade: Potassium.
Wade: Hahaha!
Wade: Ayon nga. Nagka-girlfriend si Ekis beybeh. Nainggit ako kaya naghanap din ako. Naging kami ng 2 weeks.
Wade: May sumunod. Umabot kaming 3 weeks.
Wade: 'Yong sumunod umabot ng 1 month.
Wade: Iba 'yong sumunod. Graduating na kami. Umabot ng 5 days
Playboy ka???
Wade: Grabe siya. Ako nga iniwan, eh.
Bakit?
Anong mali sa 'yo?
Wade: Hindi raw ako marunong magseryoso? Puro biro?
Wade: Saka mas type daw nila si Ekis beybeh. Hahaha!
Oh.
Wade: After graduating, I had few exes. Maswerte na 'yong aabot ng 2 months.
Wala man lang bang tumagal?
Wade: Meron.
Ilang buwan?
Wade: 3 years.
Wow.
Anong nangyari?
Wade: Life happened.
Wade: Hahaha!
Last girlfriend mo 'yan, no?
Wade: Tumpak.
Mahal mo pa?
Wade: Hahaha!
Wade: Bakit naging Tito Boy ka bigla? O Tita Krissy? Hahaha!
Lintek ka!
Pero grabe. May mga nagkamali talagang pumatol sa 'yo?
Wade: Sama mo magsalita.
Wade: Perfect boyfriend material kaya ako.
Wade: Gwapo. Matalino. Mabait. Mayaman. May abs. May pangarap.
Gago. Hahaha!
Wade: Saan ba ako nagkulang? Saan ako nagkamali?
Wade: Ibinigay ko naman ang sarili ko.
Wade: Subalit kulang pa rin.
Wade: Katawan ko lang talaga habol nila.
Wade: Saka sperm cell ko,
Gago ka talaga!
HAHAHAHAHA!
Wade: Hahahaha!
Wade: Ikaw ba?
Ano?
Wade: Ilan ang sumubok sa kasungitan mo, MM?
Apat.
Wade: At hindi mo itinangging masungit ka HAHAHA
Lintek
Wade: Marami rin pala kasi more than one.
'Tong ganda ko?
Wade: HAHAHAHA!
LINTEK KA!
Wade: Nahahawa ka na sa 'kin, MM.
Wade: Lagyan mo na rin hashtag #SelfLove
Wade: We are the #SelfLoving #TeamSelfLoving
Wade: Hahahahaha!
Lintek. Hahahahaha!
Sagwang pakinggan ng #SelfLoving.
Wade: Hoy. Inosente 'yan!
Wade: Green-minded.
Wade: Hinahawahan mo ako. Inosente ako por pabor. Hahahaha!
Gago!
Hahahaha!
Walang inosente sa 'yo!
Wade: Akala mo lang wala!
Wade: Pero wala talaga yata?
Wade: Hahahaha!
HAHAHAHA
Wade: May napansin ako.
Ano na naman?
Wade: Napapadalas na tawa mo sa chat.
Wade: Kelegs.
Wade: Ako ba dahilan?
Wade: Mahal TF ko.
Ewan ko sa 'yo.
Para ka kasing pet.
Wade: Anong klaseng pet?
Petchay.
Wade: HAHAHA JOKE BA YAN?
Hindi.
Hahahaha!
Wade: I therefore conclude na nakakahawa ang kayabangan at kakornihan susko.
Hahahaha!
Matutulog na nga ako.
Goodnight, Yozon.
Sana magtino ka na.
Wade: Malabo 'yan kaibigan. Hahahaha!
Wade: Goodnight.
Wade: Dream of me.
How about never?
Wade: Awtsu.
Wade: Hahahaha!
Seen, 1:34 AM