12:00 AM
Wade: Buhay ka na ba?
Grabe ka! Ang dami mong messages!
Wade: You're back!
Wade: What happened?
Wade: Masyado kang nagpa-miss
Wade: Ano na nangyari? Bilis!
Nagkasakit ako. Wag ka ngang OA. Hindi ako nakapag-cellphone dahil may sakit ako
Wade: Magaling ka na ba ngayon?
Pahinga na lang. Tatlong araw akong hindi nakapasok sa work. Buti na lang may mga naipon akong sick leave.
Wade: Dapat nagsabi ka! Akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo
Paano magsasabi, may sakit nga?
Masyado kang clingy!
Hindi naman tayo
Wade: Aguy. May pait ba sa tono ng mensahe mo? Hahaha!
Wade: Hindi ba pwedeng worried bilang kaibigan? Aguy si Joyce Ann, malawak ang imagination.
Wade: Hahaha!
Ewan ko sa 'yo! Parang magkakasakit ako ulit dahil sa 'yo!
Wade: HAHAHA!
Wade: Ano ba naging sakit mo?
Appendicitis.
Wade: Susko.
Wade: Naoperahan ka???
Oo.
Wade: Nasa ospital ka pa?
Yep. Monday pa labas ko.
Wade: Saang ospital ka ngayon?
St. Luke's.
Wade: Ah. Okay ka na ba?
Oo. Wala naman complications na nangyari. Pahinga na lang. Recovery, gano'n. Saka iwas sa mga bawal na pagkain.
Wade: Akala ko umiiwas ka sa pogi kaya ka biglang nawala
Nasaan ang pogi?
Wade: Ito, kausap mo. Hahaha!
Wade: Pero ayos ka lang ba talaga? Okay lang bang nagpupuyat ka ngayon? Sino kasama mo? Makakapasok ka ba sa work?
My God! Chill!
Wade: Wow. Nabaligtad tayo. Ako na sinasabihan mong chill. Que horror. Hahaha!
Wade: Answer my questions, Joyce Ann.
Ayos na ako. Dude, stop worrying jeez. So annoying. Kagigising ko nga lang. Wala akong kasama. Kailangan kong magpahinga ng one week bago ako makapasok sa work.
Wade: Umuwi na bantay mo?
Wala akong bantay.
Wade: What?
Wade: Family mo?
Nasa Batangas.
Wade: Hindi ba nakaluwas?
Hindi ko sinabi.
Wade: What the f**k?!
Dude, ang OA mo.
Wade: Bakit hindi mo sinabi? Sinong kasama mo dyan?
Me, myself, and I.
Malaki na ako, hello? OA. Kainis.
Wade: Annoying.
Mas annoying ka!
Wrong emoji
Wade: Dapat sinabihan mo sila.
It's not a big deal. Maliit na bagay lang 'to. Hindi na sila dapat pang pag-alalahanin.
Wade: Susko. Ang tigas ng ulo
Argh! I'm fine! I can do this alone. I can live alone! I can take care of myself just fine!
Wade: Kaya pala nasa ospital ka ngayon.
Whatever!
Wade: Pikon na naman. I'm just saying my opinion.
Nobody asked you to.
Wade: Hay.
Wade: Pahinga ka na. 'Wag kang magpuyat.
Wade: As much as I know how BADLY you want to talk to me, your recovery matters most.
Wade: Hindi naman ako mawawala.
Wade: 'Wag mong pahalatang na-miss mo ako.
Wade: Hahaha!
Oh my God! Magtigil ka! Lintek na 'to! Bubuka pa yata tahi ko dahil sa 'yo!
Wade: Hahaha! Oo na. Pahinga na, Joyce Ann.
Wade: Get well soon.
Yeah.
Thanks.
Wade: And please, think about telling your family about this.
Wade: Hindi masamang mag-alala sila. They're family.
Whatever.
Wade: Pahinga na, Joyce Ann.
Yeah, yeah.
Wade: Joyce Ann...
Ano???
Wade: Na-miss ko pagsusungit mo.
Wade: I'm glad you're fine.
Lintek.
Wade: Hahaha!
Wade: Tulog na.
Oo na!
Wade: Expire na 'yong joke ko. Ire-reheat ko muna baka sakaling bumenta pa.
Kahit 'wag na!
Goodnight.
Wade: Rest well.
Wade: Gagaling ka na. May naka-chat ka ng pogi, eh.
Wade: #SelfLoveNiWade ang mabisang panggamot sa sakit.
Wade: Proven and testes 'yan.
Wade: *tested
Wade: HAHAHAHAHA Susko
HAHAHAHA LINTEK KA HAHAHAHA MY GOD ANG SAKIT NG TAHI KO HAHAHAHA
Wade:
Wade: Pahinga na! Susko. Hahaha!
Ito na nga. Goodnight!
And thank you.
Wade: No problem
Seen, 12:45 AM
9:34 AM
Ikaw nagpadala nitong yogurt and chicken soup?
Seen, 9:45 AM
Wade: Rest well
Stalker
Wade: Hahaha!
Thank you.
Baka may gayuma 'to?!
Wade: Itong guwapo kong 'to??!!!
Wade: Ako nga ginagayuma, eh. Hahahaha!
Wade: Kain na. Saka pahinga.
Yes.
Thank you ulit, Self Love.
Wade: Anytime.
Wade: Nangongolekta na kasi akong good points para kapag namatay ako, diretso langit kaagad. Hahaha!
Leche hahahaha!
Wade: Kain na.
Oo na nga! Ito na!
Salamat ulit.
Wade:
Seen, 9:54 AM