"Wear my hoodies and this boxer—" "Ayoko," tanggi ko agad. Paano ko gugustuhing suotin ang hoodies na 'yon kong parang bistida na sa haba tapos sobrang init din ng panahon. Nakahinga ako ng maluwag ng matapos na ang pagligo namin kanina pero heto kami ngayon nagtatalo sa damit na susuotin ko. Ang sabi ko iyong damit kong sinuot noong mapadpad ako rito na lang ang suotin ko basta labhan nila. Pero ang ginawa niya ay pinunit niya iyon at tinapon sa labas ng veranda. "Ganiyan ba talaga katigas ang ulo mo at ayaw mo sumunod sa akin?" Aniya. Pero ang baliw nakangisi pa habang nakatingin sa akin. Close ba kami at kailangan siya masunod? Tatay ko nga hindi ako napasunod siya pang asawa ko lang sa papel? "Kong hindi mo sinira ang damit ko edi sana may naisuot ako! Mas maganda pa iyon kaysa

