"Anong gagawin ko? Kailan ba siya babalik sa katinuan niya?" Kausap ko sa sarili ko habang patuloy sa pagngatngat ng mga kuko ko.
Tatlong araw ng nag-aastang bata si Caiden at tatlong araw na niya akong pinepeste. Naging instant mommy tuloy ako ng wala sa oras. Lakad pa ako ng lakad back and forth tapos paminsan-minsan nasasabunutan ko na rin sarili ko.
Narito ako ngayon sa loob ng rest room kong saan ako gumising tatlong araw na ang nakakalipas. Nagpaalam lang ako sa kaniya dahil sabi ko gusto kong magbanyo. Nangulit pa nga siya na samahan ako kaso sabi ko huwag na. Ang mas lalong pinangangambahan ko pa na baka bigla siyang pumanhik dito at katukin na ako.
"M-Mommy..." mahinang tawag niya kaya napakislot ako ng wala sa lugar.
Sinasabi ko na nga ba at susunod siya rito.
"Mommy ko..." Ulit pa niya.
Hindi mo ako mommy okay?! Wala kong anak na mas malaki pa sa akin at ni braso niya hindi ko mai-angat.
"Mommy ko are you hearing me? I want ice cream po," may halong lungkot sa boses niya.
Wala akong nagawa kong hindi lumapit sa pintuan ng banyo at dahan-dahan binuksan. Sumalubong agad sa akin ang asul niyang mga mata at medyo nakatingala ako dahil hindi din biro ang height ng isang 'to.
Matiim at seryoso ang bawat tingin ipinukol niya sa akin bago ako nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko talaga palagi akong hinihila ng mga asul na 'yon parang sobra kong magbigay ng kakaibang pakiramdam sakin.
Dahan-dahan na akong lumabas ng banyo at naglakad paharap patungo sa kaniya. Una kong napansin ang isang libong papel na nasa kaliwang kamay niya. Napansin ata niya ang pagtitig ko roon kaya inabot niya sa akin 'yon.
"Para saan?" Pagtatanong ko matapos ko itong abutin.
"Bili tayo ng ice cream," mahinang sabi niya sabay kamot niya sa likod ng ulo.
Matiim ko rin siya tinignan ngayon dahil saan kami bibili ng ice cream? Don't tell me...
Hindi ko na siya pinagsalita pa at mabilis na hinila palabs ng kwarto. Pero sa paglabas namin sa may living room naabutan namin si Daxel na nagkakape. Ang hilig talaga ng mga ito sa kape. Nagtaka sila sa amin at bago ko pa maitago ang isang libo nakita na nila iyon.
"Saan kayo pupunta? Don't tell me sa labas? Hindi siya pwede lumabas ng ganiyan," may diin na pagkaksabi ni Daxel.
"Bibili lang kami ng ice cream babalik din kami agad,"
"No." Matigas parin niyang sagot.
Nakaramdam ako ng inis dahil pagkakataon kona ito para makatakas.
"We will buy ice cream so shut the hell up," baritonong sabat ng lalaking kasama ko.
Awtomatiko akong napabaling ng tingin kay Caiden at seryoso ng mga tingin ipinukol niya sa tauhan niya.
Bumalik na siya? Iyan ang unang tanong ko sa sarili ko pero bago pa ako makabalik sa wisyo naramdaman ko na lang ang paghila niya sa akin. Nagpatianod naman ako at wala sa sariling naglakad habang tangan niya.
Napansin ko na lang ng tuluyan na kaming makalabas ng mansion. Unang bumungad sa akin ang kakahuyan na sinubukan kong pasukin noon. Pero hindi kami doon dumaan sa tamang daanan na pero napapalunok ko sa bawat tauhan niya na madaanan namin. May mga malalaking armas kasi silang tangan at talagang marami at nagroronda sila.
Wala pala talaga akong takas dahil pagdating namin sa mismong gate ng lugar ba ito napanganga ako sa nasaksihan. Malalaking pader at sa ibabaw ng pader na iyon ay may mga tauhan niya na nagroronda rin. Sa sobrang taas ng pader na 'to imposible siyang akyatin. Idagdag mopa itong gate nilang sobrang kapap ng bakal.
Pinagbuksan naman kami ng mga tauhan niya kaya nakalabas kami. Paglabas namin sa malaking gate high way na agad.
"let's go," dinig kong wika niya ulit.
Mahigpit ang tangan ko sa isang libo sa kaliwang kamay ko habang papalapit kami sa isang stole ng ice cream. Maraming tao roon dahil hindi iyon simpleng ice cream dahil isa iyong small ice cream shop.
Humanap kami ng bakanteng upuan dito may bandang sulok. Una na akong umupo at siya naman ang dumiretso sa counter. Pinanood ko lang siya kong paano siya kusang kumuha ng malaking bowl at spoon. Saka siya sumandok ng ice cream sa mga stole. Limang minuto rin ang tinagal niya bago bumalik kong na saan ako nagulat ako sa inilapag niya. Strawberry flavor kasi iyon pero pinalibutan niya ng syrup at fresh strawberries.
Wala din sa loob kong binalingan ng tingin ang kaniya at nakita ko ang isang ube flavor na puno naman ng cheese.
"Do you like it? Mommy please eat," parang bata paring sabi niya.
Hindi ko na siya pinansin basta ko na lang nilantakan ang ice cream na nasa harapan ko. Wala pang dalawang minuto at naubos kona iyon pero nagpaalam siya na kukuha pa kaya tumango ako. Dito ko na sinamantala ang pagkakataon ko. Tumungo ako papuntang banyo upang kunware na magbanyo pero gusto kong palakpakan ang sarili ko ng makita ang design ng bintana. Gawa kasi ito sa kahoy at kasiya ako roon. Tumapak ako sa inidoro para makalabas ako rito.
Paglabas ko sa mismong banyo nandito na ako sa kabilang daan pansin ko na short cut pala ito? Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at nanakbo na ako palayo sa demonyong 'yon.
Takbo lang ako ng takbo pero hindi ko namalayan ang tatlong lalake na kanina pa pala nakasunod sa akin. Mistula silang nagjo-jogging pero nagtaka ako ng maghiwa-hiwalay sila. Isa din malaking pagkakamali ang pagtakas ko dahil napansin ko na wala na akong madaanana. Isang malaking pader na ang nasa harapan ko.
Anong nangyayare? Pagtataka ko.
"Miss? Bago ka dito? Hindi ba nasabi sayo na sa kanang parte ang daan?" Sabi ng lalake na may kapayatan sa akin.
Nahihintatakutan ko naman siyang tinignan at tinignan ang likuran nila. Tama siya doon ang tamang daan. Pero ng subukan ko ng maglakad at lagpasan sila bigla na lang humarang ang isang lalake na may katabaan.
"Huwag naman mabilis miss ganda. Narito ka narin naman gusto mo ba mag-enjoy?" Nakakadiring sambit ng matanda sa akin.
Tatlo sila at mukhang mga manyak. Pinilit ko parin dumaan ng biglang hawak ako ng payat na 'yon.
"Huwag mo akong hahawakan!" Sigaw ko sa lalaking nangagas na hawakan ako.
"Matapang pare!" Sabay tawanan nila.
Nag-umpisa ng mangilid ang mga luha ko dahil akmang hahawakn na namn nila ako ng umupo at biglang magtakpan ng mukha gamit ang mga kamay. Doon ako nakarinig ng mga mahinang hiyaw.
"Who the f*cking f*ck touched my wife!" Umalingasaw ang nakakakilabot na sigaw na 'yon sa paligid.
Pagbukas ko ng mga mata ko sumalubong sa akin si Caiden habang naka-angat gamit ang pagkakasakal sa lalaking kaninang humawak sa akin. Mas natakot ako dahil galit na galit ang mukha niya at handa siyang pumatay.
"Wala kang karapatan na hawakan ang pagmamay-ari ko!" Muling sigaw niya at basta na lang binalibag ang kawawang lalake.
Tumama ang ulo ng lalake sa semento kaya dumugo ito. Nagtakbuhan din ang dalawa pa dahil sa takot. Gusto kong maawa sa kawawang lalaki pero ng bumalik ang tingin kay Caiden nakaramdan ako ng matinding takot.
"Hilig mo talaga ang tumakas no? Nawala lang ako saglit nakapuslit kana agad. Anong gusto mong gawin ko sayo wife? Ayaw ko pa naman sa lahat ang makulit na asawa," sabi niya at pinaulanan pa ng tingin ang suot ko.
"F*ck! Sino bang nagsabi na magsuot ka ng damit na ganiyan? D-Do you even wear a bra under that ugly shirt?" Naiiritang tanong niya na nagpasupil sa bibig ko.
Nanlalaki ang mga mata ko ng mapagtanto na wala akong suot na bra. Wala namn kasi akong dibdib kaya hindi ko napansin. Mabilis kong niyakap ang sarili ko at nahihiyang yumuko.
"Tang*na talaga!" Inis na inis niyang sigaw at walang pag-aalinlangan akong kinarga paharap.
Hindi agad ako nakaimik lalo na ng sapilitan niyang gawin 'yon. Para tuloy akong bata na kinarga ng ama niya.
"You're flat,"
"W-What?"
Feel ko mali ang pagkakarinig ko.
"I said you're flat as wall," ulit pa niya.
Sa sobrang inis ko nasabunot ko siya ng wala sa oras.
"Ouch! Stop it wife! I'm just joking okay?" Aniya habang patuloy pa rin ako sa pagsabunot sa kaniya.
"But you're flat talaga" sinabayan pa niya ng tawa ulit.
"G*go ka!"