" They said, "I bet they'll never make it"
But just look at us holding on
We're still together, still going strong
You're still the one I run to
The one that I belong to
You're still the one I want for life
(You're still the one)
You're still the one that I love
The only one I dream of
You're still the one I kiss goodnight
Ain't nothin' better
We beat the odds together
I'm glad we didn't listen
Look at what we would be missin'
They said, "I bet they'll never make it"
But just look at us holding on
We're still…"
Feel na feel ko ang kanta at nakapikit pa ko habang pinakikingan ko ito. Pagmulat ng aking mga mata bigla kong inalis ang earphone ko dahil sa balisang itsura ng mga kasama kong pasahero sa jeep. Kasalanan ko bang may noise cancellation ang earphone ko kaya sa tuwing gamit ko to parang nasa ibang planeta ako at masayang nakikinig sa music.
"Kuya, parang awa mo na kailangan ng anak ko ang pera na nasa bag ko," nagmamakaawang sabi ng babeng katabi ko.
Tila halos lahat ay takot sa kaharap kong holdaper. Pinagmasdan ko siya, nakasuot siya ng Nike na sapatos, maong pants na bumagay sa mahaba niyang legs, naka long sleeve na branded, di ako familiar sa brand name pero alam kong mamahalin at siyempre may suot na bonet. Pero infairness makinis ang kutis niya lalo sa bandang leeg.
Pinilig ko ang akong ulo at bumalik sa katinuan . Nang mapansin ko ay natahimik na ang katabi kong babae at nung binaba ko ang tingin ko sa hita niya laking gulat ko ay nandoon pa rin ang bag na kanina ay kinukuha ni kuyang pogi este kuyang holdaper. Feeling ko lang naman pogi siya, hindi ko pa sure dahil nakabonet siya.
Gusto kong sabunutan sarili ko dahil imbes na takot ang nangingibabaw sakin ngunit kaharutan ang aking naramdaman. Hehe, masisisi niyo ba ko, mukha talagang gwapo si Kuya e.
Nakuha ang atensyon ko ng kutsilyo na dala niya. Kaya pala tumahimik ang mga katabi nito. Pero sa unang tingin, aakalain mong totoo ang patalim na dala niya. Pero sorry siya, alam kong hindi totoo ang hawak niya.
Naglakas loob akong nagsalita at napunta sa akin ang paningin ng mga pasahero.
"Sino ka ba?" Ito ang biglaang nasabi ko sakanya.
May sampung segundong katahimikan ng naisip ko ang sinabi ko, may magpapakilala nga bang holdaper. Gosh! Ate Girl nakakahiya ka, baka pinagtatawanan ka na sa isip ni Kuyang holdaper.
Napatingin ako sa mga mata ng kasama kong pasahero, makikita mo ang takot at kawalan ng pagasa. Pero kailangan ko lakasan ang loob ko.
"Bakit mo ginagawa ito? Alam mo ba na may pamilya ang bawat isa dito na kailangan nilang uwian. Maawa ka naman sakanila." tapang tapangan kong sinabi ito sakanya pero may takot na din akong naramdaman ng tiningnan niya ako.
"My Mom needs an urgent operation?" sagot niya.
Halos pabulong niyang sabi. Halos lumuwa ang mata ko ng marinig ko ang boses ni kuyang holdaper. My ghad, inglishero pa siya. Hindi siya mukhang mahirap, pero bakit ginawa niya ang eksena na ito. Siguro ay matindi siyang dahilan. Pero mukhang mapapalaban ako ng inglesan dito.
"Let's talk about this, please give me your knife and I will assured you that I will help you in your Mom's operation."
Parang nagdadalawang isip pa siya sa sinabi ko kaya nagisip ulit ako ng kondisyon na magpapagaan sa loob niya.
"We will not file a case against you because we heard your reason."
Dali dali akong kumuha ng papel at ball pen sa bag ko para sumulat ng kasunduan sa pagitan ng mga kasama kong pasahero at sakanya.
A G R E E M E N T
We will not file a case against Mr. XXXXXXXXX. We heard his reason why he did this.
We signed this Agreement in 2nd of July year 2021.
Signature:
"This will be our proof that we will not file a case against you. Mga Ma'am and Sir, makipirmahan na lang po ito. Hinihingi ko po ang inyong pagintindi at kapatawaran.''
Tiningnan ko ang bawat isa na may pakikiusap sa aking mata. Isa isa naman nila itong pinrmahan.
Matapos itong pirmahan, inabot nila ito sakin. Itinaas ko ito at ipinakita sakanya.
"Now are you convinced, can you give me your knife? "
Unti unti niya itong inabot. Agad ko itong inilagay sa bag ko. Para hindi na rin makita ng iba na peke ang gamit niyang patalim. Mukha namang nakahinga na ng maluwag ang mga pasahero na kasama ko.
"Manong, paandarin niyo na po ang sasakyan at ihinto niyo po kami sa pinakamalapit na bangko." Basag ko sa katahimikan.
"What?" Gulat na sabi niya sakin.
"I told you that I will help you, remember?" sagot ko naman sakanya.
Ilang minute lang ang makalipas ay inihinto na ng driver ang jeep.
"Ma'am ito na ang pinakamalapit na bangko," sabi ng tsuper.
Una akong bumaba, pero paglingon ko sa likod ay hindi pa siya sumusunod. Kinalabit ko siya at sinenyasan na bumaba. Nang hindi siya kumikibo, naisip ko na nahihiya siya dahil sa bonet na nakabalot sa mukha niya. Kinuha ko ang scarf mula sa bag ko at inabot sakanya. Aba naman, titingnan na lang niya ito.
"Bababa ka ba o bubuhatin pa kita? Ilagay mo yan sa mukha mo, para matanggal mo mamaya ang bonet na yan." taas kilay kong sabi. Naintindihan niya kaya sinabi ko. Naku! Huwag niya sanang ipatranslate pa.
"Sige" maikling sagot niya.
Tingnan mo tong damuhong lalaking ito. Marunong naman pala magtagalog pangingles ingles pa kanina.
Nang makababa na siya, nawala na ang pagaalala sa mata ng mga pasaherong kasama ko kanina.
"Sige po Manong driver, maraming salamat po at pasensya na kayo sa abala. Magiingat po kayo." Ang awkward ng pagkakasabi ko, magingat sila. Samantalang kanina nanginginig na sila sa takot dahil sa kasama ko ngayon.
Kumaway ako hanggang sa makalayo ang jeep. Tiningnan ko si Kuya na kasama ko, mukhang hindi mapakali sa suot niya. Ikaw ba naman ang magsuot ng bonet na makapal at pinatungan ng scarf ewan ko lang kung hindi nabawasan ng 1 pound yang mukha mo.
Tumikhim muna ako para makuha ang atensyon niya. Tiningnan niya naman ako. Mabilis ko siyang hinatak sa ilalim ng puno na malapit samin.
"Pwede mo ng alisin yang bonet mo." Para makita kong buo ang mukha mo. Gosh! Tindig niya pa lang akala mo model ng bench.
Agad ko naman sinuway ang isip ko. Ano bang nangyayari sakin.
Ang dami ng naglaro sa isip ko, ito pa rin siya at titig na titig sakin. May dumi ba ko sa mukha? Don't tell me nainlove siya sa mala Diyosa kong ganda.
"Tatanggalin mo yan o ako ang magtatanggal?" Ang harsh ko di ba? Wala siyang choice kapag ako nagbigay ng option, same lang ang magiging sagot.
At sa wakas unti unti niya ng tinatanggal ang bonet. Wait kuya, parang di pa ko ready masilayan ung face mo.
1....2....3..... bilang ko sa isip ko habang tinatanggal niya.
Nanlaki ang mga mata ko, kulang na lang ay lumabas ang eyeballs ko dahil sa itsura niya.
Oh my Ghad! Tao ba tong kaharap ko o Greek God?
"Aray! May mga langam." Buti na lang kinagat ako ng langgam na nakapagbalik saking katinuan.
Hindi ko alam ang sasabihin ko, kasi literal na star struck ako sa kagwapuhan niya. Hindi ako nagkamali, good looking siya.
Bakit niya kaya ginawa iyon? Kung tutuusin pwede siya magpunta sa mga company at magaapply ng trabaho, mukha naman may natapos tong lalaking to o kaya sa bar, doon nakakasigurado na pagkakaguluhan siya ng babae at babayaran pa siya ng malaki.
"Tara na, pumila na tayo para makapindot." Sabi ko habang papunta sa withdrawal machine.
"What did you say?" Naguguluhan na tanong niya.
"Sabi ko magwiwithdraw ako ng pera. Tara na nga." Ano ka ba naman malay niya ba kung ano ung pipindutin. Girl, wake up.
Habang nasa pila kami, pinagtitinginan kami. Hindi ako assuming kasama talaga akong tinitingnan, mula ulo hanggang paa kung hagurin nila ng paningin ang katawan ko. Naku! Buti na lang, isinapuso ko lahat ang turo ng nanay, tatay at lola ko. Kundi kakalbuhin ko kayong lahat.
Ganito ba naman ang kasama ko mala artista ang itsura, mala model ang tindig. Baka pati si Adonis, mainsecure sakanya. Pinagpipiyestahan siya ng mga mata ng babaeng nakapalibot samin.
Hay salamat, natapos din ang nasa harap ko. Milyon ata winithdraw nito.
Inilagay ko na ang card, at inenter ko na rin ang pin code ko. Bigla akong natigilan kung magkano ang kailangan kong iwithdraw. Sinenyasan ko siya na lumapit, "Magkano ang kailangan ng Mom mo for the operation?"
"We need forty thousand today, b..but."
"But you think this is not enough for the hospital bill." Pagtatapos ko sa sinabi niya.
"It's okay I'm willing to help you." Putol ko sa usapan namin. Baka humaba pa at magdramahan pa kami.
100k muna iwithdraw ko, kasya na siguro ngayong araw to.
Nang matapos ako makapagwithdraw, napatingin ako sa relo ko. Past twelve o' clock na, kaya pala nagrarambolan na ang mga alaga ko.
"Kumain muna tayo, may malapit naman na fast food dito." Pagbasag ko ng katahimikan.
He nodded. I think he is also hungry.
Imbes na tanungin ko pa siya kung anong oorderin niya, pumunta na ko sa counter para umorder. Parehas na lang kami para di ko na siya tanungin, baka matagalan pa siyang magsalita, nagugutom na talaga ako. Buti na lang at hindi sila nagingay kundi nakakahiya kung marinig pa niya.