Caroline Elora I checked my wrist para malaman kung may sumusunod sakin. Okay, I am the epitome of nerd right now. A few months ago kasi, may na discover ang isa sa mga molecular engineers ng Wyatt Oil--actually nagtataka nga ako kasi matagal ng hindi lang oil ang kontrolado ng Wyatt empire eh, kahit nga siguro pag export ng damit ay napasok na nila pero hindi pa din pinapalitan ang pangalan. Kung ako tatanungin, I will rebrand it tutal naman Kuya Theo and Ate Thea loathe their names. Pero hindi naman ako sila so it's bloody fine. Anyways, isa sa mga molecular engineers nila--si Gracey, na nakilala at na ka close ko na din lately has proposed a new wave of nano techs. Kuya Theo had me coordinate with her and we clicked dahil halos pareho ang mga theories na napagkasunduan namin. Nakw

