Chapter 23 Isay's POV After kong uminom ng tubig, nagsimula na siyang magkwento "Naalala mo ba kung paano mo ako unang nakilala?" Tanong niya Napakunot ‘yong noo ko at pilit inalala. "Kailan?" Tanong ko Sumimangot na naman siya. Ang cute niya kapag sumisimangot siya. Gusto kong pisilin ‘yong pisngi at ilong niya. "No’ng umiiyak ka tapos nabasa ka ng ulan, nawalan ka ng malay tapos nagising ka sa kwarto ko." Mabilisan niyang kwento "Ah! Naalala ko na, no’ng iniiyakan ko si Mark saka ‘yong ginawa nila Dad na ibibenta dapat ako sa matandang koreano?" Sabi ko Tumango naman siya. "Oh? Anong meron do’n?" Tanong ko "Ang totoo kasi niyan, medyo matagal na kitang kilala before. I was watching you that night. Nawalan ka ng malay after mong maulanan, I was there. I had a chance para malapi

