Mainit ang pakiramdam ko. Hindi ko maimulat ang mga mata ko pero gising ang aking diwa. Sinubukan kong igalaw ang aking kamay at paa ngunit nakatali iyon. Masakit man ang katawan ko ay pinilit kong imulat ang mga mata ko. Nagtagumpay ako at inaasahan ang liwanag na sisilaw sa aking mata pero hindi iyon nangyari. Sobrang dilim nang paligid. Sa takot ay agad akong gumalaw. Inunat ko ang mga binting halos namamanhid na sa pagkakatali. Tumama iyon sa matigas na pader noon. Lalong umapaw ang kaba sa akin. Nakakulong ako sa maliit na lugar. Nakiramdam ako at pawang gumagalaw ang lugar na iyon. Ilang minuto pa ay tumigil iyon. Nakarinig ako ng pagbukas ng pintuan mula sa kabilang panig noon. Sa galaw kanina at sa tunog noon, hindi nakakadudang nasa loob ako

