Kabanata 30

2312 Words

            Marahan akong bumaba sa hagdanan. Nilingon ako ni Ate Soraya at ni Thyrene.  Tinanguan ako ni Ate Soraya habang si Thyrene naman ay matipid nag ngiti. Nanatili lamang akong nakatanaw kay King na ngayon ay bumitaw na sa yakapan nila ni Leona.                         "How are you? Saan ka galing hijo?" Tanong ni Tita niya.                         "Nakita po ako ng ilang mga mangingisda na palutang lutang sa laot. They helped me." Ani King.             Minasdan ko ang mga sugat niyang sariwa pa. May tahi pa sa kanyang pisngi at braso.  Umiiyak na dumating sina Silvestre at Therese Luna kasama ang pamilya ni Andres.                         "King!" Tawag ni Therese at niyakap ang anak ng mahigpit.             Humahagulhol ito at panay ang halik sa kaliwang pisngi ng anak.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD