Pinilit kong umarteng walang nangyari noong magsibalikan ang mga kaibigan ko. Nakatitig sa akin si Diego na para bang may iniisip siya. Ngumiti ako at tinaas ang baso ng rum sabay nilagok. "Are you okay?" Tanong niya. Tumawa ako at tumayo na. Damn, sa rami ng nainom ko sa tingin ko ay tipsy na agad ako. "Yes. Wait here, I'll just dance." Mabilis akong tumakbo sa dancefloor kahit na sinisigaw ni Diego ang pangalan ko. Humalo na ako sa dagat ng tao at tumalon talon sa indak ng musika. Sumasabay din ako sa sigawan ng mga wild na teenagers. Damn, I miss this world! Sandaling nawala ang iniisip ko ng hawakan ako ng mainit na kamay. Agad ajong nakaramdamn ng hilo ng higitin niya ako papalayo

