I didn't answer. Nanatili akong nakatitig sa kamay niya. Dahan dahan ko 'yong tinagtag sa pagkakahawak sa akin. "That's not easy, King. I love Marco kahit na malaki ang kasalanan niya sa pamilya niyo. Labas na doon ang relasyon namin." Hindi siya nagsalita at tumango. I feel bad. Parang nahulog ang puso ko sa sahig ng makita ang mga mata niya. "I understand. Let's get you home." Tumayo siya at tinahak ang papalabas sa mansyon. Bumungad ang kotse ko na pinupunasan ng mekaniko. Walang bakas ng sira kanina. "Manong Teban, patawag po si Raul." Aniya. Maya-maya ay dumating ang lalaking nasa 30's. Binati ito ni King. "Pakisundan po ang kotse

