Hindi ko siya pinapansin buong magdamag na nandidito sila. Panay ang titig niya sa akin, sinusubukang makipag-usap pero hindi ko siya pinagbibigyan. Takot na baka mas lalo pang madurog ang damdamin ko kapag pinagbigyan ko siya sa pakikipag-usap. "Woooh! Ayoko na. Inaantok na ako!" reklamo ni Maddi at binigay kay Kit ang controller. Tinigilan na naman nila ang laro at nag-unat unat. Kumuha ako ng isang canned beer at nilagok iyon. Tumatawang umupo naman si Kourt sa aking tabi. Nagbukas na rin siya ng sariling alak at nakipag-usap kay Kit na nasa kanyang tabihan. "Want some?" tanong ni King at nilahad ang fried chicken na inorder namin. Walang sagot akong kumuha at kinagat iyon. Ngumiti na lang ako sa

